Chapter 49: Where Forever Starts

1.5K 62 14
                                    

Jessica's POV

"You may now kiss the bride"

Napangiti kami habang pinapanood si Taeyeon at Baekhyun na ikinakasal. Finally, ang tagal din naming inabangan ang kasal nilang dalawa.

It's been three years.

May kanya kanya na kaming mga trabaho. May sarili na akong fashion company samantalang isang sikat na doctor si Kris. Oo, kasal na kami. It's been six months since we got married at masayang masaya ako.

Si Luhan at Tiffany naman ay may sarili naring company. Sila ang pinakaunang kinasal sa amin diba? May anak na sila, si Abigail. One year old palang si Abi kaya wala pa daw silang balak na sundan yung bata.

Si Yuri, Kai, Yoona at Sehun naman ay sabay ikinasal. Double wedding, yun kasi ang gusto ni Yuri at Yoona. Bestfriends daw kasi sila kaya gusto nila na sabay matupad yung wish nila na maikasal sa lalaking mahal nila.

Si Xuimin at Sunny ay may twins na. Si Jeana at si Tristan. Nakakatuwa nga yung family nila. Para lang silang magbabarkada kung magbonding and I think it's a good thing.

Si Chanyeol at Seohyun ay kasal narin. Last month lang sila ikinasal kaya lang wala pa daw silang balak na magka-baby muna. Gusto daw muna nilang ienjoy ang buhay na sila lang munang dalawa. Ok
lang naman yun kasi dapat hindi minamadali ang mga bagay, diba?

Si Tao at Sooyoung naman ay ikakasal na next year. They are so in love with each other kaya alam naman naming lahat na sila ang tinadhana para sa isa't isa.

Si Hyoyeon at Lay naman ay kasal narin. May baby girl na rin sila, si Camille. Kakapanganak palang ni Hyoyeon last month. May sarili na silang dance studio at sikat silang dalawa.

Si Suho at Krystal naman ay engaged na rin.

Si Kyungsoo at Jazmine ay ikakasal next year.

At si Chen? Wag kayo! May lovelife narin sya. Aba, napatino lang naman sya ng long time girlfriend nya na si Rianna

Agad kaming nagpunta sa may reception.

"So wala pa ba talaga kayong balak na magka-baby?" tanong sa akin ni Yuri. Sa isang malaking table kami umupo para sama sama kaming lahat.

"It's better not to rush things. Dadating din kami dyan, diba Jess?" napangiti ako sa sinabi ni Kris. Hindi naman sa ayaw naming magkababy, gusto lang muna naming maenjoy ang pagiging mag asawa namin.

"Im just curious, mahirap bang magbuntis?" tanong ni Seohyun kay Sunny, Tiffany at Hyoyeon. Sila kasi yung mga may anak na, diba?

"Oo naman. But then, it's all worth it" nakangiting sabi ni Tiffany.

"Grabe nga eh. Nung buntis pa si Hyoyeon, kung ano ano ang hinihingi sa akin. Gigisingin nya ako ng madaling araw para ikuha sya ng mangga" natawa kami sa kwento ni Lay.

"I feel you, Lay. Nung pinagbubuntis pa ni Sunny si Jeana at Tristan, sobrang emotional nya. Yung tipong maiinis lang ako ng konti, iiyak na sya at sasabihin na hindi ko na sya mahal" pinalo ni Sunny si Xuimin dahil sa sinabi nito.

"Nakakainis ka! Wag ka ngang nambibisto!" nakapout na sabi nya kay Xuimin kaya tinawanan namin sila.

"Ikaw naman Chen, wala ka pa bang balak na magpropose kay Rianna?" tanong ni Suho kay Chen.

Falling For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon