Tiffany's POV
"Tiffany, tawagin mo na si Luhan sa taas, kakain na kasi tayo" Napatango ako sa sinabi ni Suho. Kakabalik lang namin galing dun sa restaurant at hanggang ngayon hindi parin bumabalik si Seohyun.
"Nga pala, nasaan si Seohyun?" Biglang tanong ni Kris
"Bigla nalang syang tumakbo kanina. Baka nga nawala na yun eh, hindi pa naman nya kabisado tong resort" Pagsagot ni Jessica. Bigla nalang napatayo si Chanyeol. "What?! Bakit ngayon nyo lang sinabi?! Baka kung ano ng nangyaring masama kay Seo!" Nabigla nalang kami nung bigla syang tumakbo papalabas.
Napailing nalang ako at pumunta na sa taas para tawagin si Luhan.
"Luhannie, kakain na daw" malambing kong sabi sa kanya.
"Alright, stop calling me at baka malaman ni Tiffany. Ako ang tatawag sayo, Chorong" rinig kong sabi nya. Could it be... is he talking to her through phone?
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng banggitin nya ang pangalan nito. Hindi ko maiwasang magduda pero hindi ba nangako sya na ako ang pipiliin nya?! And besides, girlfriend na ako ni Luhan. Maybe im just overthinking.... maybe.
Agad kong binuksan ang pintuan at naabutan ko syang nakahiga sa kama at nagtetext. Halata namang nagulat sya, bigla kasi syang napaupo. "Tiffany, k-kanina ka pa ba dyan?" Kabado nitong sabi.
Hindi ako sumagot. Ano bang dapat kong isagot? Sasabihin ko ba na 'Oo, narinig kong kausap mo si Chorong' o sasabihin ko ba na kararating ko lang.
Hindi naman sigurong masamang maging honest diba? Lalo na't sure ako.. im sure that they are doing something behind my back. Alam ko na sa sarili ko na hindi ako paranoid, hindi ako OA, halata naman eh. Narinig ko ang lahat. Ano ang dapat hindi ko malaman?
"Oo. Sino nga pala yung kausap mo kanina" Tanong ko sa kanya. Please, Luhan. Don't lie to me.
"A-Ah. Wala, wala akong kausap" Lalo akong nainis dahil nagsinungaling sya. Lumapit ako sa kanya. "Don't you dare na magsinungaling sa akin Luhan" Madiin kong sabi dito. Bigla bigla nalang nagbago yung ekspresyon ng mukha nito. Biglang naging blangko.
"Wala akong kausap at hindi ako nagsisinungaling sayo"
Napayukom ang kamao ko. Something is wrong, i can feel it. "Liar. I heard you, you are talking to her, you are talking to Chorong"
Naging uneasy sya pero pinipilit parin nyang maging cold sa akin. Tignan natin, Luhan. I won't let you win this time. "W-What?! You are just being so delusional. Wala akong kausap, Tiffany. Ano bang nangyayari sayo?"
Anong nangyayari sakin? Ako dapat ang magtanong sayo nyan, Luhan. Anong nangyayari sayo? Bakit ayaw mong sabihin at aminin na sya talaga ang kausap mo. "Walang nangyayari sa akin pero sayo, may nangyayari. Bakit ayaw mong umamin?"
"Eh kasi nga wala naman akong aaminin! Damn it, Tiffany! Stop being so stubborn!"
"Wag mo akong gawing tanga, Luhan! Narinig ko ang lahat! Im not being stubborn! Ang gusto ko lang naman ay umamin ka na kausap mo sya! Why are you like this?! Ano ba talagang meron sa inyo ni Chorong?!" sigaw ko sa kanya.
Nagdilim ang mukha nya. "Wala. Nothing's happening between the two of us at kung meron man, wala kang pakielam"
Oh f-ck! Gusto kong magwala dahil galit na galit ako. I want to grab him and slam his head on the wall kaso hindi ko kaya.
"Meron. Meron akong pakielam, Luhan. Baka kasi nakakalimutan mo na, Ako ang girlfriend mo. I can't believe you, and you said that everything is gonna be alright." napailing nalang ako at lumabas sa kwarto nya.
Just then, nagsimulang tumulo yung luha ko. I am so weak.
Pinunasan ko ang mukha ko. "Tiffany?" rinig kong tawag sa akin ng mga girls pero hindi ko sila pinansin at tuluyang lumabas.
I want to be alone.
Ano ba talagang nangyayari? What the hell is happening to us? Parang kailan lang ayos naman kami. Napailing nalang ako. Kung maulit nanaman yung nangyari dati... hindi ko alam kung kakayanin ko pa.
Binigyan ko sya ng isa pang chance matapos nya akong ipagpalit kay Chorong noon at mukhang mauulit nanaman yung nangyari sa akin dati.
Napatakip ako sa mukha ako at nagsimulang umiyak.
Gusto kong ilabas ang galit ko, gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko at mga emosyon ko. Bwisit! Bwisit! Damn it!
"Miss, are you ok?" Napaangat ako ng tingin ng may biglang humawak sa balikat ko.
Tiningala ko ito.
"Tiffany?" tanong nito.
"Heechul?"
~~~~~~~~~~
Chanyeol's POVNapatigil ako sa pagtakbo ng makita ko syang nakaupo sa may buhangin. Thank God at ayos lang sya. I was so worried.
Lumapit ako sa kanya at tinabihan sya. "What's wrong?"
Gulat itong napatingin sa akin. "What are you doing here?" napatawa ako. "Hinahanap kita. Nag aalala na kami sayo dahil kanina ka pa pala nawawala. May problema ka ba, Seohyun?"
Ngumiti ito sa akin. "Anong gagawin mo kung sasabihin ko sayo na ikaw ang problema ko?"
Unti unting nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi nya. May nagawa ba akong mali?
"Ako? Ano namang ginawa ko sayo?"
Ng tanungin ko yun ay napansin kong namuo ang mga luha sa mata nya. "Sabi nga nila, people come and go. Hindi lahat ng tao pipiliin na makasama ka kasi halos lahat sila iiwan ka rin naman"
Napakunot ang noo ko. "What are you trying to say?"
"Last time, umamin ka sa akin na gusto mo ako diba? You told me na special ako sayo. Things started out so great pero parang isang iglap bigla ka nalang nagbago. Inilayo mo yung sarili mo sa akin, Chanyeol. Hindi na kita mahawakan man lang kasi pakiramdam ko ang layo layo mo na"
Napayukom ang kamao ko.
Nabigla ako sa sinabi nya. "Hindi ako lumayo sayo, ikaw ang lumayo sa akin. Lagi mo nalang akong nirereject hanggang sa napagod ako. Hindi ako lumayo sayo, ikaw mismo ang dumistansya sa akin at kahit anong gawin ko sarili ko ang sinisisi ko kung bakit hindi man lang kita malapitan. Pinilit kong lapitan ka pero kahit anong gawin ko lagi mo akong itinutulak papalayo"
Lalo syang umiyak sa sinabi ko. "Oo alam ko! It's just that... natatakot ako. I keep on convincing myself na ako rin ang may kasalanan kung bakit ka lumalayo and i know that it's because i kept on pushing you away. Kaya ko lang naman ginawa yun kasi.... hindi ko alam kung sapat na ba yung ipinapakita mo sa akin para maniwala ako sayo na mahal mo ko"
So hindi pa sapat lahat ng efforts ko? Hindi pa sapat lahat lahat?!
"Damn it, Seohyun. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan sa tuwing irereject mo ako. Bwisit! Mahal kita eh. Mahal na mahal kita at pilit kong ipinaparamdam sayo na totoo tong nararamdaman ko. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin na malayo sayo. Dati malaya kitang nakakausap pero ngayon hanggang tingin na lang ako kasi ayoko ng mareject mo pa ako kasi sobrang sakit na eh!"
Tumalikod ako sa kanya dahil ayoko naman na makita nya akong umiiyak. Nagsimula akong lumakad papalayo sa kanya at hindi ko rin mapigilan na umiyak dahil mahal na mahal ko sya.
Masakit para sa akin kasi siguro kulang pa yung ginagawa ko. It's not enough. Pero hindu ba nya maintindihan na ginagawa ko naman lahat lahat ng makakaya ko para maiparamdam sa kanya na mahal ko sya.
~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Teen Fiction~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?