Sooyoung's POV
Nagulat naman ako sa sinabi nya. "Ahahaha! Ano ka ba, hindi mo kailangang gawin yan saka pag ginawa mo yun parang ginamit din kita, rebound kung baga at ayoko namang gawin yun sayo" Nakanguso kong sabi sa kanya.
"Paano naman magiging rebound yun eh ako naman ang nag insist at saka im not gonna be your rebound. Hindi ba nga ang sabi ko sayo, im gonna make you fall for me kaya hindi na yun counted as a rebound" seryoso nyang sabi.
Ewan ko ba pero sa tuwing sasabihin nya yung 'im gonna make you fall for me' chuchu na yun, parang.... bumibilis yung tibok ng puso ko. Bakit kaya?
"W-Why are you doing this, Tao?"
"I like you" Namula naman ako sa sinabi nya. I really hate this kind of thing! Hindi ko alam kung paano ba ako mag rereact sa sinasabi nya. I find it sweet pero naguiguilty ako. Kung sakaling pumayag ako sa gusto nya.. hindi ba parang ginagamit ko rin sya? I've been there before at alam ko kung anong pakiramdam ng nagamit.
Masakit, sobrang sakit. At ayoko namang maramdaman yung ni Tao pero bakit parang ayos lang sa kanya? Hindi ba sya natatakot masaktan?
"Hindi ka ba natatakot? Hindi ka ba natatakot na baka masaktan kita? Alam mo, hindi mo naman kailangang gawin toh. Sasaktan mo lang ang sarili mo, Tao"
"Are you trying to say na wala rin akong chance when it comes to you? Why would i be scared? Kung masasaktan man ako sa huli, atleast i tried, atleast naiparamdaman ko sayo na gusto kita. Wala akong pake kung sasaktan ko ang sarili ko, mapapasaya naman kita kaya ayos lang" Napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Try to open your heart again. Kung iniisip mong sasaktan kita katulad ng ginawa sayo ng gagong yun, nagkakamali ka. Hindi ako katulad nila, oo alam kong gasgas na yung salitang yun at alam kong hindi ka naniniwala pero i promise you, hindi kita sasaktan. Girls like you should be treated like a princess at yun ang ipaparamdam ko sayo"
Ngumiti nalang ako sa kanya at tumango. "Oo na. Payag na ako sa gusto mo. Sana lang hindi mo ako saktan sa huli." Sabi ko sa kanya saka pumunta sa mga girls na nasa labas na.
Kanina pa kasi kami naglanding at papunta na kami dun sa may resort na tutuluyan namin.
"Tara na, Soo. Dun daw tayo sa cottage na yun" Pagtawag sakin ni Tiffany. Lumapit naman ako sa kanila. Sama sama kaming mga girls sa loob ng cottage.
Umakyat muna ako sa taas at pumasok sa pangalawang kwarto. Tatlo kasi yung kwarto eh.
Nakita ko naman na dalawa yung kama kaya nahiga na ako dun sa isa. Naisip ko nanaman yung sinabi sakin ni Tao kanina. Tama naman siguro tong ginagawa ko diba? Gusto ko ng makamove on.
Aasa nanaman ba ako? Wala naman mawawala kung susubukan ko diba?
Should i open my heart again?
Sana lang, hindi ako masaktan sa huli.
~~~~~~~~~
Hyoyeon's POV"Tignan mo si Sooyoung, hindi ginagalaw yung pagkain nya" Bulong ko sa katabi kong si Taeyeon. Sandali syang napatingin sa katapat nyang si Soo na pinaglalaruan lang yung pagkain nya. "Hindi kaya... nagdadiet na sya?" Nanlalaking matang sabi nya
"Tanga. Sa tingin mo ba.... mataba si Sooyoung?" Bulong ko sa kanya. "Aba malay ko. Wag kang magagalit. Chill lang bhe, kumain ka nalang dyan" Natatawang sabi pa nya sakin.
Tinignan ko naman yung mga girls at nakatingin din sila sakin, samin ni Taengoo. May dumi ba yung mukha ko?! O baka ngayon lang sila nakakita ng maganda? "Wag nyo akong titigan ng ganyan. Matunaw pa ako nyan edi nawala na yung dyosa dito" Sabi ko sa kanila.
"Ang kapal mo sis" -Sunny
"Hayaan nyo sya! Di naman masamang mangarap diba?" Natatawa pang sabi ni Yuri. "Unnie, hinayhinay lang sa pagsasalita ah? Minsan kasi, hinahangin na kami eh" Sabi pa ni Yoona at nakipag apir pa kay Yuri.
Sasagot sana ako ng mapatingin ako kay Sooyoung na wala parin yata sa sarili nya. Ano bang problema ng babaeng toh? Normally, sya ang nangunguna sa pang aasar. "Wala ka bang sasabihin" Sabi ko sa kay Sooyoung
"H-Ha?" Nagulat pa sya ah?
"Unnie.. Tinatanong ka ni Hyoyeon unnie kung may sasabihin ka daw ba?" pag uulit ni Seohyun kay Sooyoung. Napatingin naman sakin si Sooyoung. "Ano namang sasabihin ko sayo?" Tanong nya sakin. Lutang ba toh?
"Sooyoung, nakikinig ka ba samin kanina?" Tanong naman ni Tiffany. Umiling naman si Sooyoung kaya nagkatinginan kaming mga girls. Confirmed, may problema nga toh.
"Soo, may problema ka ba? Ni hindi mo nga ginagalaw yung pagkain mo" Tanong sa kanya ni Jessica. Napangiti naman si Sooyoung. "Wala akong problema. Infact, ang saya saya ko nga ngayon eh"
"Ang daya mo ah?! May balak ka pang magsikreto samin. Ano, spill it!" Excited na sabi ni Taeyeon. Napatingin naman kami kay Sooyoung. "May boyfriend na ako, girls" Nakangiting sabi nya.
Napanganga naman ako este kaming lahat ng mga girls sa sinabi nya habang sya pumapalakpak pa.
Teka ano daw?
"MAY BOYFRIEND KA NA?!" Sigaw naming mga girls sa kanya. "Oh, chill! Wag nga kayong sumigaw!" Sabi naman nya.
"Sino yung boyfriend mo? Gwapo ba? Matangkad?" usisa ni Yuri. "Gwapo sya at oo matangkad" nakangiti paring sabi ni Sooyoung, aba, hindi kaya mapunit yung bibig nya sa kakangiti nya? Ang laki ng ngiti eh, abot hanggang tenga.
"Ang saya mo siguro noh, Unnie?" Sabi ni Seohyun sa kanya. Tumingin si Sooyoung sa kanya saka tumango. "Oo maknae, masaya ako. Masayang masaya. Kasi nararamdaman ko na... aalagaan nya ako"
"Change topic! Sino naman ang mysterious guy na tinutukoy mo ha, Soo?" Pagtatanong ni Taeyeon.
"Si Tao" Simpleng sagot nya kaya natahimik kami. "Si Tao? As in Huang Zi Tao? Yung Sitaw na yun ang boyfriend mo?!" Sigaw ni Jessica sa kanya at tumango ulit si Sooyoung. Ngumiti naman kaming mga girls at nagsimula ng mag 'ayiiee' at mag 'hihihihi'
"Sheeet! May dalaga na tayo mge bhe! Congrats, Soo!" Nababaliw na sabi ni Tippani at tumatalon talon pa.
"Congrats, Sooyoung! Wag kang mag alala. Pag niloko ka nung Zi Tao na yun, igigisa ko kamo sya!" Singit ko naman sa usapan nila.
"Kelan naging kayo?" -Sunny
"Secret na yun mga bhe! Anyways, Thank you"
~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Teen Fiction~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?