Jessica's POV
Nagising ako ng maramdaman kong nagvibrate yung phone ko. Bad trip naman eh! Sarap sarap na ng tulog ko. Padabog kong kinuha ang phone ko at agad namang nagwala ang puso ko nang makita ko kung sino yung nagtext.
From: Kris
Kita tayo sa park malapit sa school mamaya. 3 pm sharp. Please, Jess, i know that you are mad pero please.. sana dumating ka
Uhh.. he wants to meet me? Well obviously galit talaga ako sa kanya. Kung ano anong sinabi nya sa akin dahil lang sa sinungaling na Barbara na yun. At akala ba nya makikipagkita ako sa kanya?!
Well... should i?
"Hmm.. nagdadalawang isip ka ba kung makikipagkita ka sa kanya or not?" halos mapatalon ako nang may magsalita sa likod ko. Oh God.. how could i forget na kasama ko rin pala sa room sila Tiffany at Taeyeon.
"What do you think you're doing, Taeyeon?! Why are you still awake?!" galit na sigaw ko sa kanya. Napasulyap ako kay Tiffany at nakita kong tulog parin sya. Buti naman. "What?! Tinatanong lang kita at kasalanan ko ba na nagising ako dahil sa light na galing sa cellphone mo?"
Inirapan ko nalang sya. Bumalik na sya sa kama nya at umupo pero nakatingin parin sya sa akin, nakangiti nang nakakaloko. Magkaharap kasi yung kama namin.
"So.. anong gagawin mo? Pupunta ka ba o hindi?"
"Wala lang akong mapapala, its just... a waste of time" Suplada kong sagot sa kanya. Bigla syang napangisi. "Really? Just a waste of time? Eh bakit ka namumula na parang kinikilig ka at bakit parang humuhugis puso ang mga mata mo?" pang aasar pa nya.
Hugis puso ang mata ko?! Ano ako... anime?!
"Yaah! Hindi ah! Seryoso na kasi!"
"Seryoso ako, Jess.. mukha kang in love" napapikit ako ng mariin sa sinabi nya. Ayoko! Hanggang crush o gusto lang ang nararamdaman ko kay Kris... papaaanong mahal ko na sya agad?!
"Ano, pupunta ka ba o hindi?" napatingin ako sa kanya at nakitang nakatingin lang din sya sa akin ng seryoso. "What do you think? Gusto kong pumunta para naman magka-ayos na kami pero there is a part of me na ayaw pumunta kasi ayoko syang makita... galit kasi ako sa kanya"
Bumuntong hininga sya. "You know.. wala namang magagawa ang galit mo eh. Mas lalo lang gugulo ang lahat kung paiiralin mo ang galit mo. Maybe Kris wants to fix things between the both of you at sana bigyan mo sya ng chance. Ilang araw na kayong hindi nagpapansinan. Nung engagement party, lagi syang tingin ng tingin sayo perp dinededma mo lang sya... and i know that you miss him"
Napaisip ako. Oo na! Aaminin ko na... namimiss ko rin sya.
Hindi naman kasi ako sanay na hindi ko sya pinapansin at hindi ako sanay na wala sya sa tabi ko since ang tagal narin naming magkaibigan.
Wala namang mawawala kung pumunta ako diba? I'll take risk para maayos na yung problema naming dalawa ni Kris.
Sana lang maayos namin..
* * * * *
"Para kang baliw.. unnie" sinamaan ko ng tingin si Seohyun at nakita ko na halos lahat ng girls nakatingin lang sa akin at nakakunot ang noo. Nakaupo silang lahat sa sala habang pinagmamasdan akong paikot ikot lang at parang nababaliw na.
"Baliw naman talaga yan eh. Baliw na baliw kay Kris" nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Taeyeon. Shit! Pakiramdam ko namumula ako! Nambibisto si Taeyeon eh!
"Anong bang problema mo at parang maluwag ang turnilyo mo. Umupo ka nga! Nahihilo na kami sayo!" natatawang sabi ni Yuri at hinila ako paupo.
"Paano kasi nagtext sa kanya si Kris kagabi.. asking her to meet him. Nagdadalawang isip yata yang si Jessica kung pupunta sya o hindi" pagpapaliwanag ni Taeyeon sa kanila.
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Teen Fiction~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?