Taeyeon's POV"Taengoo..."
"Taengoo..."
Ano ba yun?! Kitang natutulog yung dyosa eh. "Tiffany, ano ba yun?" Medyo irita kong sabi sa kanya pero nanlambot ang expression ko ng makita kong naluluha nanaman sya. Hay, umiiyak pa rin sya? Kanina pa sya umiiyak ah?
"Taeyeon.. sorry kung naabala kita ah? I just... n-need someone to talk to" lumipat ako sa kama nya at nakita kong tumayo din si Jessica.
"Ano ba yan?! Magpatulog naman kayo! It's freaking midnight!" Reklamo pa ni Ice princess.
"S-Sorry... S-Sica" umiiyak ng sabi ni Tiffany. Napatingin sa kanya si Jessica at narinig kong bumuntong hininga rin ito. Tumayo sya at umupo rin sa may kama ni Tiffany.
"Bakit ka ba umiiyak?" mahina kong tanong kay Tiffany.
"Eh kasi.. napanaginipan ko si Luhan... lumalayo daw sya sa akin pero pilit kong inaabot ang kamay nya kaso biglang dumating si Chorong at hinila si Luhan palayo sa akin. Tumakbo ako para maabutan sila pero... huli na ang lahat"
Niyakap naman namin sya ni Jessica. "Look, it's just a dream. Wag ka ng umiyak kasi panaginip lang yun. Hindi yun totoo, ok?" pagpapakalma sa kanya ni Jessica.
Umiling iling si Tiffany. "No. I can feel it. Masasaktan nanaman ako, iiwan nanaman ako ni Luhan"
"Ano ba talagang nangyari? Nung tinatanong ka namin kanina ng mga girls, hindi ka naman sumasagot. Anong nangyari sa inyo ni Luhan?" pagtatanong ko sa kanya.
Napakagat labi sya at mukhang inaalala nya yung nangyari sa kanilang dalawa. "Hindi ba nga narinig ko silang nag uusap ni Chorong. I told him na aminin na kung ano man yung ginagawa nila. It's obvious. Nagiging tense na sya at mukhang kinakabahan na sya but still, magmatigas parin sya. He told me na kung mayroon man daw silang ginagawa ni Chorong, wala na daw akong pakielam dun"
Hinagod ko ang likod ni Tiffany dahil halos hindi na sya makahinga sa sobrang pag iyak. Nakita ko namang nagdilim ang mukha ni Jessica, oh-uh. Jessica's mad.
"How could he do that to you?! That fucking jerk is getting on my nerves. He promised us na hindi ka nya sasaktan, he promised na hindi ka nya papaiyakin. Eh gago pala sya eh!" Sigaw ni Jessica.
Patuloy lang sa pag iyak si Tiffany habang galit na galit si Jessica.
"Tiffany, listen to us. Hahayaan mo nanaman bang mangyari sayo yung dati. Ikaw na mismo ang nagsabi, nararamdaman mo na sasaktan ka nya ulit. Well girl, trust your instincts. Better be safe than sorry, right?"
Napatingin sya sa akin. "You think so? But... i can't leave him. I can't break up with him. Mahal ko sya, Taeng. Sya ang buhay ko, Sica. Hindi ko kayang mawala nanaman sya. One mistake is enough, hindi ba pwedeng ipaglaban ko naman sya ngayon?"
Tinignan ko si Jessica at nakita kong umiiling ito.
Hinawakan nya si Tiffany sa kamay. "No. Kami ng mga girls ang kakausap sa kanya. Kapag ikaw kumausap sa kanya, siguradong masasaktan ka nanaman nya dahil panigurado, itatangi parin nya na may ginagawa sila nung bitch na yun"
Napatango ako sa sinabi ni Sica. "She's right. Don't worry. Isasama namin ni Jessica sila Sooyoung at Hyoyeon para mabugbog si Luhan"
Natawa naman sya. "Thank you, Girls
~~~~~~~~~
Yuri's POV"Yul, pakitawag na yung ibang girls sa taas, kakain na tayo" Rinig kong sabi ni Hyoyeon kaya naman tumayo ako para puntahan na sila sa kanilang mga kwarto.
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Novela Juvenil~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?