Chapter 19: Someone's back

1.9K 76 9
                                    

Taeyeon's POV

"Nagugutom na akoooo!" Pag iinarte ni Yoona at Sooyoung. Tinatamad kasing magluto si Kyungsoo kaya nagwawala na yung dalawa. "Hay nako. Sandali lang girls magbibihis muna kaming mga boys. Sa mall nalang tayo kumain tutal ayaw magluto ni Kyungsoo" Tinanguan ko nalang si Suho.

Nagsiakyatan naman yung mga boys at napadako naman ang tingin ko kay Chanyeol na nakikipagtawanan kay Baekhyun. Napangiti naman ako at tumabi kay Seohyun. "Nagdadalaga na si Maknae~" Pakanta ko pang sabi sa kanya.

Nanlaki naman yung mata nya at namula. "Unnie naman eh!" Napatakip sya sa mukha nya.

"Sus! Kinilig ka pa dyan! Ikaw talaga! Umamin ka nga, Seohyun, may gusto ka rin ba kay Chanyeol? Special din ba sya sayo?" pagtatanong ko sa kanya. Hindi naman ako masyadong chismosa noh?

Natahimik sya saglit ngunit tumango rin sya. "Gusto ko sya unnie.. oh scratch that! Hindi ko nga alan kung ano na ang nararamdaman ko para sa kanya eh. Whenever he's around me feeling ko sasabog na yung puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito, pagka nandyan sya napapangiti nalang ako ng walang dahilan. Sabihin mo nga unnie, in love na ba ako?"

"Nako, Seohyun. Gusto mo rin pala sya eh, ewan ko lang kung 'gusto' mo lang ba talaga sya. Bakit hindi mo pa inamin sa kanya? Inamin sayo na ni Chanyeol na special ka sa kanya kaya bakit hindi ka pa umamin?"

Nalungkot naman sya. "Natatakot kasi ako, unnie. This is my first time at hindi ko alam kung paano ang mangyayari sa akin kapag nasaktan ako sa huli" Inakbayan ko naman sya.

"Wag mo munang isipin yung mangyayari sa huli. Kung masasaktan ka man, edi masasaktan. Seohyun, open your heart kasi kumakatok na si Chanyeol dyan oh. Papaano nalang kung napagod na sya sa kakakatok dyan sa puso mo? Listen to me, wag kang matakot na masaktan sa huli kasi normal lang yan. Hindi ka pwedeng magmahal ng hindi ka nasasaktan. At saka nakikita ko naman na sincere si Chanyeol" pag aadvice ko sa kanya.

Nginitian naman nya ako at niyakap. "Thank you, unnie..."

Maya maya naman ay bumaba na sila kaya umalis na kami. May sarili silang van at yung van namin mga girls ang ginamit ang namin. Si Hyoyeon yung nagdrive samin. Katabi ko ngayon si Tiffany at Seohyun, ako yung nasa gitna.

"Bes, musta naman kayo ni Baekhyun?" Bulong sa akin ni Tiffany. Ngumiti ako sa kanya. "Ganun parin, sweet sya sa akin pero pinipigilan ko naman na bigyan ng colorful meaning yung ginagawa nya sa akin. Mahirap na" bulong ko rin sa kanya.

"Eh kayo ni Luhan oppa, unnie?" Pag singit ni Seohyun sa usapan namin. Nakikinig pala sya. Ngumiti naman din si Tiffany. "Yiiie! Kinikilig talaga ako kapag kasama ko sya. Super sweet kasi nya eh" napailing nalang kami ni maknae sa sinabi nya.

Buti naman at nag kaayos na sila ni Luhan. Dati kasi, hindi ganyang ka hyper si Tiffany, lagi syang matamlay pero ngayong ayos na sila ni Luhan... bumalik na yung dating Tiffany. Sana lang, hindi na sya saktan ni Luhan.

Maya maya ay huminto na yung kotse at nakita ko naman yung van ng mga boys na nasa harapan namin nag park. "San tayo kakain?!" Excited na tanong ni Yoona. "Sa Mcdo tayo" suggestion ni Xuimin. "Bata ka ba?! Sa Jollibee tayo!" Agad ko namang binatukan si Sooyoung dahil sa sinabi nya.

"Sa ***** restau nalang tayo" Sabi ni Suho at tumango nalang kami.

Naglalakad kami papunta sa restaurant na sinabi ni Suho ng may mahagip yung mata ko. "Isn't that Jungkook?" Alinlangan kong tanong kay Yuri na katabi ko. Tinignan naman nya ito at nanlaki ang mata nya. "Omo! Si Jungkook nga!" Excited nitong sabi.

"Kookie~" sabi ko at kumaway sa kanya. Hindi naman sya masyadong malayo kaya narinig nya ako at ngumiti ito sa akin. Naglakad sya papalapit samin kaya napatigil kami sa paglalakad. "Taeyeon noona?" Nakangiti nitong tanong. Tumango ako at niyakap ito, miss ko na eh.

Falling For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon