Chapter 4: Who is he Tiffany?

2.8K 131 20
                                    

Yuri's POV

"Tsk. Ewan ko ba girls pero, masama ang vibes ko sa school na toh eh" Sabi ko sa kanila kaya naman napatingin sila sakin. As in sabay sabay sila.

Recess kasi namin. Our first recess on our new school. "Eh? Bakit naman? Maganda naman dito sa University na pinasukan natin ah?" Nakapout na sabi ni Sooyoung. "Oo, alam ko yun pero may iba akong nasesense eh. Yung parang may mangyayaring iba" Dahilan ko sa kanila.

"Maybe it's just your imagination, Yul. Saka wag ka nalang mag isip ng ganyan, ok? Remember, always look at the bright side of life not on the dark. Don't be like me" Nakangiting sabi ni Jessica. Malungkot padin sya hanggang ngayon.

Napashrug nalang ako. Geez. Siguro nga tama sila, baka magkatotoo pa yung iniisip ko eh.

"Ate, alam nyo po ba kung saan yung canteen?" pagtatanong ni Tiffany dun sa girl na dumaan sa harapan namin. Ang laki naman kasi ng school na toh eh, mala amusement park.

Tinaasan kami ng kilay ni ate. Problema ng babaeng toh? Nagtatanong lang kami, kung makataas ng kilay wagas?

"Mukha ba akong mapa?" mataray na tanong ni ate. "Oo. Puro kasi bukbok yung mukha mo. Nakikita namin yung capital ng school" Mataray na sagot din ni Jessica. Waah! Ang bad ni Jessica. Well, bumabalik na yung katarayan nya. She's still the ice princess for goodness sake!

"Excuse me?" gulat na tanong nung girl. "Bakit dadaan ka?" nakairap na tanong ni Tiffany.

"Tss. Don't mess with me, hindi naman kayo kagandahan? Tingin nyo ba kinaganda nyo ang pambabara?" Nakairap na sabi nito kay Tiffany.

"Oo ikinaganda namin, ikaw hindi" nakairap na sabi ni Taeyeon.

Padabog na umalis yung babae na makapal ang make up. "Akala naman nya ang ganda nya" sabi ni Sunny. "Oo nga naman. Mukha kaya syang bulldog na may pintura sa mukha eh, kapal ng make up" Sabi ko naman.

Nakarating narin kami sa canteen. Buti nalang mabait yung ibang students.

"Kami na ni Yoona yung oorder. Ano order nyo?" Tanong ni Sooyoung.

"Frappe lang sakin" nakangiting sagot ni Taeyeon unnie. Diet sya eh. "Kahit burger nalang sakin" Sabi ko. "Anything will do for me" Sabi naman ni Jessica. Nang maibigay na namin yung mga order namin, umalis na agad sila.

"Sana naman maging maganda tong school year na toh para satin" sabi ni Seohyun. "Sana nga, Seohyun" sagot ni Hyoyeon sa kanya.

* * * *

Seohyun's POV

"Eto na yung mga order mo, Baby Seo" sabi sakin ni Yoona sabay bigay sakin nung sandwich at coke na order ko.

Nakakahiya naman yung order ko kumpara sa order nila Sooyoung at Yoona. Nag rice kasi sila tapos may dalawang hamburger pa silang inorder. Hindi naman siguro sila gutom na gutom noh? "The heck?! Choi Sooyoung, wag mo namang lamunin ng buo yang burger! Hindi ka namin aagawan ok?" rinig kong sabi ni Taeyeon kay Sooyoung.

Pinagtawanan naman namin sila. "Tiffany, samahan mo naman ako sa restroom" bulong ko kay Tiffany na katabi ko. Tumango naman sya. "Oh? Saan kayo pupunta?" tanong ni Hyoyeon sa amin. "Punta lang kaming restroom" sagot ko sa kanya.

Hindi naman gaanong malayo yung restroom kaya madali lang kaming nakapunta dun. "Seo, sa labas na kita hihintayin ah?" nakasmile na sabi ni Tiffany. Tumango nalang ako sa kanya saka pumasok sa pinakaunang cubicle.

Nagretouch pa ako kaya medyo natagalan ako sa loob ng restroom. Nagayos din kasi ako ng buhok. Sana naman hinintay ako ni Unnie. Mainipin pa naman yun, baka iniwan na ako!

Nagmamadali akong lumabas sa cr. Nakita ko naman si Tiffany sa may mga lockers kausap ang isang lalaki? Teka, sino yung kausap niya? At bakit sila magkausap?

Lumapit naman ako ng konti para marinig ko yung pinaguusapan nila.

"Hindi kita iniwan noon, Tiffany. I tried to explain everything to you but you didn't let me" inis na sabi nung lalaki sa kanya. Nagtago naman ako sa may gilid nung isang locker. "Yan naman kasi ang problema sayo, Luhan! Wala ka na ngang dapat iexplain diba?! Ikaw 'tong nanloko! You cheated on me at dun pa sa bitch na Chorong na yun!" Maluha luhang sabi ni nya dun sa lalaki.

"Don't you dare na idamay pa si Chorong dito?!"

What the hell? Bakit nya sinisigawan si Tiffany?! At saka, ano ba talaga ang nangyayari? Bakit sila nagsisigawan? Im so clueless right now. Ngayon ko lang nakitang nagkakaganyan si Tiffany.

Ano? Luhan? Chorong? Sino yun?

Bakit hindi binanggit sa amin ni Tiffany ang tungkol dito?

"Fine! Hindi ko sya idadamay because it's all between your shitness attitude and your explanation" Sabi ni Tiffany saka sya lumakad palayo dun sa lalaki. Hindi ko alam kung sinundan sya nung lalaki. Hindi ko nalang sya sinundan dahil alam kong gustong mapag isa ni Tiffany ngayon.

Tumakbo na ako pabalik sa class room at hindi na bumalik pa sa mga kaibigan ko. Kawawa naman si Tiffany. Halata mong nasasaktan sya dahil dun sa lalaking yun. Pero sino nga ba yung lalaking yun? Walang sinabi sakin si Fany, kahit sa mga girls wala syang sinabi tungkol sa lalaking yun.

* * * * *

Tiffany's POV

"Don't you dare na idamay pa si Chorong dito!"
"Don't you dare na idamay pa si Chorong dito!"


Damn it! Damn it! Kung kelan naman masaya na ako saka pa sya babalik. Nananadya nga naman ang tadhana.

"Tiffany..." that's it. Ayan nanaman sya. Sinundan nanaman nya ako pagkatapos, iiwan nanaman ako sa ere. I guess, pare-pareho lang talaga ang mga lalaki sa mundo. Iiwanan at iiwan ka lang nila. "Go away, Luhan. Leave me alone" cold na sabi ko sa kanya. Ang totoo kasi, nasasaktan parin ako sa nangyari samin dati.

"Do you still l-love me?" nag aalinlangan pa nyang tanong.

Humarap naman ako sa kanya. Tinitigan ko sya. Para namang nanlambot ang puso ko ng makita kong naluluha na rin sya.

No, Tiffany. Control your emotions. Hindi ako pwedeng maging mahina sa harapan nya ngayon.

"Oo. Mahal parin kita. I still love you but it won't change anything, Luhan." naiiyak kong sabi sa kanya.

Laking gulat ko naman nung yakapin nya ako. Please let go. Don't make me fall for you again. Ayoko ng masaktan pa ulit.

"I love you, Fany" rinig ko pang sabi nya. No. Im not gonna believe in your lies again.

"Your 'i love you' won't change anything, Luhan. Yan lang naman ang gusto kong marinig sayo. And now i think im ready, finally ready to move on and forget about you"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Falling For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon