Kyungsoo's POV
Agad kong hinanap si Luhan. Nakita ko syang nakaupo sa may ilalim ng puno at nakayuko. Nang makita ko kung paano nasaktan si Tiffany noona kanina parang nasaktan din ako. Malapit sa akin si Tiffany at hindi ko akalain na sasaktan lang sya ng ganun si Luhan hyung.
Hindi ko alam at wala akong idea kung anong nangyayari sa kanilang dalawa. Mahal nila ang isa't isa diba? Bakit nagkakaganito sila?
Lumapit ako sa kanya at nakita ko na umiiyak sya. Tumabi ako sa kanya at tinapik tapik sya para naman kahit papaano ay maging ok sya. "Hyung, bakit ka umiiyak?"
"Kyung.. nasaktan ko nanaman sya. Ang tanga ko, wala akong kwenta! Bakit ba lagi ko nalang nasasaktan ang mga taong mahal ko?!" galit nyang sabi. Halatang nasasaktan sya dahil halos hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nya dahil sobra na ang pag iyak nya.
Napatayo ako dahil parang bigla akong nakaramdam ng inis.
"Bakit mo ginawa yun, hyung?! Akala ko ba mahal mo! Ikaw ang tumapos ng lahat tapos ikaw ang iiyak?! You're unreasonable! Sasaktan at iiwan mo sya tapos iiyak ka?!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinigawan ko sya.
Tumingin sya sa akin. "Tama na! Wala kang idea so don't judge me! Sa tingin mo ba iiwan at tatalikuran ko ng ganun lang si Tiffany, na mawawala lang ng ganun ang pagmamahal ko sya kanya?! Kyungsoo, hindi ako ganun! I love her, so much, mahal ko sya at wala kayong idea kung gaano ko sya kamahal"
Napayukom ang kamao ko. "Mahal mo sya pero sinasaktan mo sya?! Gago ka ba?!"
Alam kong wala akong karapatang sigawan sya o kahit sumabatan man lang but i just can't help it. Nakakainis kasi na yung isang kaibigan mo sasaktan at papaiyakin ng isang taong malapit rin sayo kasi syempre pinagkatiwalaan mo sila na hindi nila sasaktan ang isa't isa diba?
Tumayo sya at tumingin sa mga mata ko.
"Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan ngayon. Im doing this for her and maybe for all of us. Sana walang magbago even though nararamdaman ko na marami ng magbabago" And with that tumayo sya at iniwan ako mag isa.
What is he talking about? He's doing this for us and for Tiffany? Well that is purely stupid. Why would you do such a thing kung alam mong may masasaktan ka? Siguro nga wala akong alam but im not dumb.
I don't understand him. Hindi ko na alam kung ano ba ang gusto nyang mangyari.
~~~~~~~~~
Tiffany's POVTumakbo ako pabalik sa bahay. Umakyat ako sa kwarto at nagkulong doon. Kawawa naman ako, im here, crying all over again. To infinity and beyond? Kalokohan. I used to believe in forever, kasi akala ko na kami ang magpapatunay ng forever.
Tinignan ko ang singsing na ibinigay sa akin ni Luhan. That was the time na pinili nya si Chorong over me. Sabi ko sa sarili ko noon, itatapon ko na tong singsing because everytime na makikita ko yung ring, nasasaktan ako.
May mali ba sa akin? Bakit yung taong mahal ko lagi nalang akong iniiwan? Mahirap ba akong mahalin? Bakit kasi sa tuwing magmamahal ako, nahuhulog yung puso sa isang taong hindi naman magiging sa akin?
Mahal ko si Luhan, walang nagiba sa nararamdaman ko sa kanya pero minsan sa sobrang bigat na ng nararamdaman ko, gusto ko na talagang sumuko. Gusto ko ng mag give up pero pinigilan ko ang sarili ko na sukuan sya dahil mahal ko sya, he is the one who completes me.
Wanna know why i love him? Hindi ko sya minahal dahil sa gwapo sya. Not his looks. I love the way he smiles, i love the way he laughs. I love the way he captures my attention by just walking by. I love the way he looks at me, makes me wanna melt everytime we look at each other's eyes.
I wanna be with him as much as possible because i know that we are destined for each other. You can call me dumb because i love the person who hurts me. I love him. That's it. I know that he is the one even though i am not the one for him. I love the way he makes my heart flutter whenever he looks at me. It's amazing how he captures my attention by just walking around me.
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, ayos lang sa akin na magmukhang tanga. Kasi kahit ilang beses pa nya akong saktan... handa parin akong mahalin sya.
Kahinaan ko sya. Kahinaan ko si Luhan, nanghihina ako sa tuwing nakikita kong nasasaktan sya pero bakit ganun? Sya.. wala syang pakielam sakin kahit nasasaktan o nahihirapan na ako.
Biglang tumunog ang cellphone ko.
~You make me smile please stay
for a while now, just take your time
wherever you go~Napasimangot ako. Theme song namin yan
Nag aalarm pala sya. Napatigil ako ng makita ko ang wallpaper ko. Kaming dalawa ni Luhan, nakaakbay sya sa akin at nakangiti samantalang nakakiss ako sa cheeks nya.
Napangiti ako. Simple things like this never fails to make me smile. He gives me feelings that i adore. He makes smile. He makes me feel this way.
Gusto ko syang mayakap, gusto ko na syang makasama. Ang hirap naman ng ganito.
Bumaba ako at naabutan ang mga girls at boys sa ibaba. Wala si Kyungsoo at Luhan. Napatingin sila sa akin at mukha silang naawa. My eyes are swollen, gulo gulo ang buhok ko kakaiyak, pero wala akong pakielam.
Ganito ang nararamdaman ko. Nakakamanhid naman ang ganito.
"Hey... ok ka lang?" medyo alinlangang tanong ni Sunny. Hindi ako nag abalang ngumiti sa halip ay umiling nalang ako. Hindi ako magpapanggap na ayos lang ako kahit hindi naman. Hindi ako magpapakaplastic sa harapan ng mga kaibigan ko.
"Tsk. Hindi sya ok, Sun" narinig kong bulong sa kanya ni Sooyoung.
"Nasaan nga pala si Kyungsoo?" Tanong ni Kris. Nagulat naman sila. Tss. Ngayon lang yata nila napansin na wala si Kyungsoo. "Gumagala lang yun. Naghahanap siguro ng chix" Sabat ni Kai.
"Itutulad mo pa sayo si Kyungsoo!" Sabat ni Yuri. Nginisian sya ni Kai at saka sya binack hug. Ang sweet naman nila. Nakakainggit.
Napangitingin kami sa pinto ng may nagdoorbell. Gusto ko ng umuwi. Sabagay bukas naman ng tanghali uuwi na kami sa Manila.
Tumayo si Suho para buksan yung pinto.
"Tiffany..." tumingin ako kay Taeyeon at nakita kong ngitian nya ako. Sorry, Bes. Alam kong nasasaktan ka rin na makita akong nagkakaganito but what can i do?
Maya maya pa ay bumalik na si Suho dala ang isang envelope at namumutla sya. "Hey! Ayos ka lang, Gramps?!" Tanong sa kanya ni Chanyeol na katabi ni Seohyun.
Inilapag nya ang envelope sa lamesa sa harapan namin. Invitation?
Kinuha ko ito at binasa. Napahawak ako sa bibig ko. Ito ba ang dahilan kung bakit nya ako hiniwalayan?
"T-Tiffany... a-anong nangyayari?" kinakabahang sabi nila.
Tumingin ako sa kanila at nagsimula nanamang tumulo ang luha ko.
Ibinigay ko sa kanila ang invitation.
Luhan Xi and Chorong Park Engagement Party
June 18, 2015
Attire: FormalNagulat sila ng mabasa nila ang nasa invitation.
Nanatili akong tahimik. Nag sink in sa akin ang lahat. Si Chorong nanaman?! Kaya ba sila nagtatawagan?! Kasi naghahanda na sila sa engagement nila noon pa?!
Maybe it's time to give up... nakakapagod ng magmahal
~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Teen Fiction~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?