Taeyeon's POV
"Taeyon, tara na! Baka masaraduhan pa tayo ng school" Napalingon ako sa mga girls. Eh? "Sige na girls, mauna na kayo. Susunod ako" Nakangiti kong sabi sa kanila. "Pero Taeyeon, paano kung mailock ka sa loob ng school?" Nag aalalang tanong ni Tiffany.
"Hindi yan! Ako pa! Kaya ko yan kaya sige na mauna na kayo" Sabi ko sa kanila kaya wala na silang nagawa. Lumabas naman na sila ng room kaya ako nalang yung naiwan.
Nawawala kasi yung bracelet na bigay sa akin nung kababata ko sakin eh. Importante pa naman yun sa akin. Waaah! Paano nalang pag hindi ko nahanap yun?! I can't live without that bracelet! Mahalaga kasi sa akin yun.
Napaupo nalang ako. Wala talaga dito sa classroom. Saan ko ba nahulog yun?
Tumayo ako pumuntang canteen. Mag 5pm narin pala. Eh ba't ang dilim na dito sa school?! Nakakatakot! Napalingon naman ako ng may narinig akong kaluskos. Waaatda?! May multo ba dito?! Hindi ako nainform, edi sana hindi ko na hinanap yung bwiset na bracelet na yun!
Napasign of the cross naman ako. Oh God! Takot ako sa mga multooo!
"Wala talaga" Bulong ko sa sarili ko ng hindi ko talaga nahanap yung bracelet. Saan ko naman nahulog yun?! Nanlaki naman yung mga mata ko ng parang may narinig akong tumunog. Parang yung....gate ng school?! Leche! Sinasarado na yung gate! Ayokong makulong dito sa loob ng school! Langhiya! May multo rito eh!!
Tumakbo naman ako papunta sa gate dahil baka sakaling maabutan ko pa yung guard kaso.....wala na talaga eh!!
Asdfghjkl! Late na! Nakasarado na! Nakulong na ako! Dito ako matutulog! Help meee!!
Kinuha ko naman yung phone ko sa bulsa ko kaso ayaw magbukas! Lowbat pa ako! Malapit na akong magmura, promise. Nakakainis naman!
Mangiyak ngiyak akong napaupo sa may bench saka ako nagtakip ng mukha ko. Natatakot ako.... Hindi ko kayang mag isa.
"Miss...."Napaangat naman ako ng tingin dun sa lalaking tumawag sakin. Nagulat naman ako. "IKAW?!" Sabay naming sabi. Sya yung lalaking nakaeyeliner. Sya yung, ano nga ba yun, Bikyun? Bacon? Bekyun? Baekhyun! Ayun!
"Anong ginagawa mo dito/What the hell are you doing here?!" Sabay nanaman naming sabi.
"Ba't nanggagaya ka?!/Why are you copying me?!" Sabay ulit naming sabi.
Inirapan ko nalang sya. "May hinahanap kasi akong importanteng bagay kaya ayan nalock tuloy ako dito sa school" Sabi ko saka umupo sa bench. Tumabi naman sya sakin. "Ano ba yung hinahanap mo?" Tanong nya. "Yung bracelet na bigay ng kababata ko" Malungkot kong sabi.
May kinuha naman sya sa bulsa nya. "I-Ito ba yun?" Nag aalinlangan pa nyang tanong. Nagliwanang naman yung mata ko. "Wahhh! Thank you, Baekhyun!" Sabi ko saka ko sya niyakap. Ehem! Walang malisya! Ganto lang talaga ako magpasalamat.
Ngumiti naman sya pero nakatitig lang talaga sya sa mukha ko. "Ba't ganyan ka makatitig?" Tanong ko. "Sayo ba talaga yang bracelet?" Nagtataka nyang tanong.
"Oo, bakit?"
"Wala may naalala lang ako" Nakangiti nyang sabi. Okay. Binabawi ko na yung sinabi kong mukha syang bakla! Ang gwapo nya tapos ang cute pa ng eyesmile nya.
Hinawakan naman nya yung kamay ko. "Tara na"
"Teka san tayo pupunta?" Tanong ko. "Sa classroom. Wala tayong choice kundi doon matulog kasi nalock na tayo dito sa loob" Napatango naman ako sa sinabi nya.
Naglakad kami papunta sa classroom at ako todo yakap sa kanya! Natatakot ako! May multo kaya dito! "Tungaks! Yung kumaluskos ba sa likuran mo kanina sa canteen? Ako lang yun! Kanina pa kaya kita tinitignan. Para ka kasing baliw kung maghanap! Hahahaha!" Pang aasar pa nya.
Napabitaw naman ako sa kanya. "Ganun?! I hate you!" Nakapout kong sabi. "I Love You too!" Napatigil naman ako sa sinabi nya. "Anong 'I Love You too'?" Napatigil naman sya sa pagtawa. "Wala! Sabi ko Hate you too!" Namumula pa nyang sabi.
Napangisi naman ako. "Yiiiiee! May crush ka sakin noh?" Pang aasar ko sa kanya. Mas lalo na,an syang namula. "Kapal mo naman! Syempre wala!" Defensive nyang sagot.
"Eeh! Defensive sya oh! Yiii! Si Baekhyun, may crush sa akin" Natatawa ko pang sabi kasi napakapula na talaga nya.
"Tsk! Tumigil ka na nga! Hahalikan kita!" Napatigil naman ako. Seryoso na sya eh! Baka mahalikan pa ako nyan. Kahit gwapo sya hindi nya makukuha ang first kiss ko! Mwahahaha!
* * * * * * *
Sunny's POV
"Juskoo! Nasaan na ba si Taeyeon?!" Hysterical na sabi ni Jessica. Gabi na wala parin sya! Kanina pa namin tinatawagan pero hindi sya sumasagot!
"Paano kung narape si Unnie?!" Agad naming binatukan ni Hyoyeon si Seohyun. "Seohyun! Ano ka ba?! Wag mo ngang sabihin yan!"
"Eh paano kung walang pamasahe si Unnie kaya hindi sya nakauwi?!" Tanong ni Yoona. "Hindi naman nagcocomute yun eh" Sabay sabay naming sabi sa kanya.
Napatigil ako ng magvibrate yung phone ko. May tumatawag. "Hala sagutin mo! Baka si Taeng na yan!" Sabi ni Sooyoung
Napakunot naman ang noo ko. Hindi familiar sakin yung number eh. Sino naman kaya toh?
"Hello?" Pagsagot ko.
[A--Ah eh, hello, girls---- Damn it! Xuimin, bilisan mo naman! Tanungin mo kung nandyan ba si Baekhyun!] Ang gulo naman nila. Mga lalaki kasi eh.
"Uhm... Hello? Who is this?"
[Sunny, si Xuimin toh. ] sagot nya.
"Teka! EXO kayo?! Paano nyo nalaman ang number ko?!" Sigaw ko.
[It doesn't matter kung papaano! Nabalitaan kasi namin na nawawala si Taeyeon eh. Nawawala rin kasi si Baekhyun kaya pwede bang magtulungan tayo sa paghahanap sa kanila. Please? Nag aalala na talaga kami] Napatingin naman ako sa mga girls
Tumango naman silang lahat.
"O sige. Magkitakita tayo sa may cafe malapit sa school" Sabi ko then i hung up.
"Aja! Girls! Magbihis na!"
"Mission Baekyeon for the win!!" Napatingin naman ako kay Hyoyeon. "Anong mission Baekyeon?" Tanong ko. "Baekhyun at Taeyeon. Baekyeon!" Napatango naman kaming girls.
Sige na nga!
"Mission Baekyeon for the win!!!"
* * * * * *
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Teen Fiction~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?