Chapter 40: Threat

1.6K 76 14
                                    

Suho's POV

It's been three weeks since naganap ang kasal ni Luhan at Tiffany. Hindi pa sila nakatira sa iisang bahay since ayaw pa ng parents nila but kapag nakagraduate na kami, pwede na silang magsama sa iisang house.

"Nasaan nga pala si Kyungsoo?" tanong ko sa kanila.

"Oppa, hindi ba si Kyungsoo oppa yun?" katabi ko ngayon ang girlfriend ko na si Krystal. Sinundan namin yung tinuturo nya at oo! Si Kyungsoo nga! Nakaupo sya sa table kasama ang isang babae. Hindi ko kilala yung girl pero familiar sya sa akin.

"Oh My God. May girlfriend na pala si Kyung?" narinig ko pang tanong ni Taeyeon kay Baekhyun. Ang daya talaga nung lalaking yun, hindi marunong magshare.

Napatingin sya sa amin, naramdaman nya siguro yung titig namin sa kanya. Tumayo sya at lumapit sila nung babae sa may table namin. "What's up, guys!" Bati sa amin ni Kyungsoo.

Hindi kami sumagot sa halip tumitig lang kami dun sa babae. Well, i can say that she's really pretty.

"Ahh, si Jazmine nga pala. G-Girlfriend ko" nanlaki yung mga mata namin sa sinabi nya. Ano daw?! Girlfriend?! Wait, tama ba yung rinig ko? May girlfriend na si Kyungsoo?

"What?! Girls, icheck nyo nga kung may nakabara na sa tenga ko?! Tama ba yung rinig ko?!"

"Hala! May nagkagusto kay kwago?!"

"Akala ko ba walang himala?! Sinong matinong tao ang magkakagusto sa isang kwago?!"

"April Fools Ba?!"

Natawa kami ni Krystal dahil kung ano ano yung comment ng mga girls samantalang yung mga boys tumatawa lang din.

"Guys naman eh! Seryoso nga! Girlfriend ko si Jazmine, nung isang buwan pa" nakangiting sabi ni Kyungsoo. Nagpaalam na yung Jazmine kasi daw may klase pa sya kaya kiniss sya ni Kyungsoo sa cheeks bago sya umalis.

"Spill" nakangiting sabi ni Taeyeon.

"I met her nung engagement party ni Luhan. Hahabulin ko sana si Tiffany noona nun kaso nabangga ko sya at natapon yung juice na hawak nya sa dress nya. Sinamahan ko muna sya at tinakbo ko pa yung mall para mabilhan sya ng damit. Simula noon, lagi ko na syang naiisip hanggang sa lagi na kaming nagkikita and that time, parang may something talaga sa kanya" pag eexplain nya.

"Something? Like what?" pagtatanong ni Chen.

"Familiar sya sa akin, nung time na yun hindi ko talaga maalala kung sino yung kamukha nya but when i got home, nahalungkat ko yung diary ko nung bata pa ako at nandun yung picture ko with my childhood sweetheart, dun ko lang narealize na kamukha sya ni Jazmine, as in. Magkamukha talaga sila. Simula noon, lagi na kaming pinagtatagpo hanggang sa na realize ko na nandun parin pala yung feelings ko, mahal ko na sya eversince we were young at ang tagal ko syang hinanap at guess what, nahanap ko na ulit sya at naging girlfriend ko sya ngayon"

Napangiti kami sa sinabi nya. Pwedeng pang MMK ah? Ang ganda ng lovestory nila. That's what you call destiny, yung tipong ang tagal nyo ng hindi nagkikita kasi pinaghiwalay kayo but in the end, tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para magkita kayo.

"Ok, i get it. It's really sweet pero bakit hindi mo man lang sinabi sa amin?" tanong ni Kris. Napakamot ng ulo si Kyungsoo. "Wala akong chance na sabihin sa inyo. May problema noon si Tiffany at Luhan kaya ayoko namang ipagmalaki sa kanila na masaya ako samantalang nagdudusa silang dalawa"

Napatawa ng konti si Tiffany at si Luhan naman napakamot ng ulo nila. Speaking of them, im really happy for them. Tignan mo, hindi sila sumuko sa isa't isa kaya at the end sila ang nagkatuluyan. Don't give up on something you really love.

Nagtatawanan lang kami ng may lumapit sa aming lalaki, he's kind of creepy. Namumutla sya at madami syang pasa, ang the way he stares at the girls. Mukhang mas bata sya sa amin kasi iba yung color nung ID nya.

"A-Ah.. may problema po ba?" pagtatanong ni Krystal. Napatingin yung lalaki sa kanya at napangisi. Tsk. Hinawakan ko yung kamay ni Krystal na nakapatong dun sa table kaya napatingin dun yung lalaki. Tinignan nya ako at ngumisi sa akin bago nya inabot kay Taeyeon yung isang piraso ng papel.

Umalis na sya.

"He's creepy. Ano bang problema nun?" pagrereklamo ni Seohyun. "Oo nga, tinignan nya tayo isa isa, parang kinakabisado yung mukha natin at nakakatakot syang tumingin, parang papatay" pag sang ayon ni Chanyeol sa kanyang girlfriend.

"Anyways, bakit ka natahimik dyan, Taeyeon? Ano bang nakasulat?" nabaling lahat ng atensyon namin kay Taeyeon na nakakunot ang noo habang tinititigan yung papel.

Inilapag nya yung papel sa may table sapat na para makita namin lahat kung anong nakasulat dito.

All of you... DEAD

Nakasulat yan gamit ang dugo. Hindi ko lang alam kung sino yung may ari nung dugo pero kahit na ba, anong kalokohan yan? Sinong gago ang gagawa nyan at ibibigay sa amin.

"The fuck?! Sa tingin ba nila nakakatuwa yang prank na yan?!" pigil inis na sagot ni Kris. Natahimik yung mga girls, nagtitinginan lang sila, parang nag uusap gamit yung mga mata nila. Napalitan ng pagkatakot yung mukha ni Seohyun at Yoona samantalang parang nag aalala pero may bahid ng galit yung mukha nung ibang girls.

Napatingin ako kay Krystal at nakitang nanginginig din sya. Ano bang meron? Bakit parang may alam sila?

"Bakit kayo natahimik? Malay nyo naman prank lang yan. Baka pinagtitripan lang tayo" pagpapakalma ko sa kanila. Humarap sa akin si Krystal at marahang umiling.

"May logo" pagtuturo ni Lay sa may itaas na bahagi nung papel, tama sya. May simbolo nga, paniki.

"Sabi na nga ba, sila ang may pakana nito" narinig kong sabi ni Yuri kaya naman napatingin akmi sa kanya.

"Pero, it's been a year. Imposibleng sundan parin nila tayo, ang tagal na nating umalis sa  mundo na yun! Bakit hanggang ngayon... ginugulo parin nila tayo?!" pagsagot ni Yoona.

Nagkatinginan kaming mga boys, wala kaming idea kung anong nangyayari.

"Bakit? Sino ba ang nagpadala nyan at takot na takot kayo?" pagtatanong ni Xuimin.

"Ex Gangsters kami, alam nyo yan. Matagal na naming inamin sa inyo yung tungkol sa past namin na yan. Itong symbol na paniki? Yan ang sign ng revenge sa grupo ng gangster na sinalihan namin noon. Isa lang ang ibig sabihin, they are planning on killing us" seryosong pagpapaliwanag ni Jessica.

"But.. matagal na kayong umalis doon, diba? Bakit hanggang ngayon hinahabol parin kayo?" pagtatanong ni Krystal.

"Isa kami sa pinakamalakas na gangster noon at nasa Top 1 kami. Maraming grupo na may gustong agawin ang posisyon sa amin. May rule kasi sa kanila na kahit umalis na yung grupong yun sa gangster world, sila parin ang magiging Lead Gangsters unless nalang kung mapapatay sila ng ibang grupo. Matagal na kaming palipat lipat dahil marami paring naghuhunting sa amin"

"Kailangan nila kaming patayin para sila na ang maging Lead Group sa gangster world. Hindi kami sigurado kung sino ang grupong naghahanap sa amin ngayon pero alam namin na wala silang sasantuhin"

Kinilabutan kaming lahat sa sinabi ni Taeyeon. "Listen, from now on, doble ingat tayo. Hindi natin alam kung anong kaya nila, wala din kaming idea kung sino sila kaya delikado tayo" Pagpapaalala sa amin ni Hyoyeon.

"Even you, boys. Pwedeng idamay nila kayo kaya please, mag iingat kayo. Hindi natin alam kung kelan sila aatake and we have no idea, not a even a single clue kung sino sila, malaki ang chance na nakakahalubilo natin sila meaning... matagal na nila tayong inoobserbahan" Pati si Sunny ay sumeryoso narin.

Nakakatakot naman, feeling ko tuloy mapapahamak kami.

"But for now, mas kabuti siguro kung mag half day muna tayo. Boys, sa dorm muna namin kayo matulog for now. Hindi kayo safe kung sa dorm nyo kayo matutulog. Sigurado kaming minamatyagan na din nila kayo"

"And Krystal, sa dorm ka namin matutulog"

Pumayag kaming lahat sa sinabi ni Jessica. Mahirap na. Kailangan ko ring protektahan ang mga members ko at kailangang maalagaan ko rin si Krystal ng mabuti.

Mas ligtas kung sama sama kami.

~~~~~~~~~~~~~

Falling For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon