Yuri's POV
"Anong nangyari sayo, Jessica?" kunot-noong tanong ko kay Jessica ng makabalik sya sa table namin. Umiiyak sya at kapansin-pansin din na may pasa ang braso nya. Hindi sya sumagot pero patuloy lang sya sa pag iyak.
Lumapit sa kanya si Taeyeon unnie. "Sica, what happened? May nangyari ba nung iniwan kita sa CR kanina?" worried na tanong nya. Humarap sa amin si Jessica at tumango.
"I had a fight with Barbara kanina sa comfort room. She told me na layuan si Kris at syempre hindi ako pumayag, alam nyo naman na siguro kung bakit" Napatango kami sa sinabi nya. So tama pala ang hinala namin, may feelings na sya para kay Kris.
"What happened next?" curious na tanong ni Sooyoung.
Bigla nalang nagbago ang facial expression ni Jessica. Pinahiran nya ang mga luha nya at this time, she looks so mad. As in, nakakatakot, anytime, parang papatay na sya ng tao.
"Sinabunutan nya ako and me being the ice princess, hindi ako magpapatalo. Sinabunutan ko rin sya at tinulak ko sya sa then sinampal ko sya. Yeah, i know, naging super harsh ako but kasalanan nya, diba? She's too provocative. Given na madaling uminit ang ulo ko kaya sorry sya, nagkamali sya ng taong binangga"
Bumuntong hininga sya. "Kaya lang, nung lumabas na ako sa comfort room, kinorner ako ni Kris. He told me na sobrang babaw ko daw, na dapat daw hindi ko inaway si Barbara. It turns out na binaligtad nung bitch na yun yung kwento. He's so mad at me and yeah, he is the reason kung bakit may pasa ako sa braso"
Nagulat naman kami. Nakakainis naman si Kris. Naniwala agad dun sa Barbara na yun.
Agad na tumayo si Jessica. "Saan ka pupunta, unnie?"
"I.. just wanna go home. Ako nalang bahala kay Tiffany. Nawalan na ako ng gana, uuwi na ako. Bye, girls. See you later" cold na sabi nya at saka kami iniwan. Napailing nalang kaming mga girls.
Susundan sana namin si Jessica pero pinigilan kami ni Taeyeon unnie. "Hayaan nyo nalang sya. Mainit pa ulo ni Jessica baka mamaya sa atin pa nya ibuhos yung galit nya"
* * * *
Bumalik na kami sa room at buti nalang wala pa yung teacher. Umupo ako nakinig nalang sa music. Bigla nalang may tumabi sa akin at kinuha ang isa kong earphones. Sino pa nga ba? Edi ang nag iisang Kim Jongin ng buhay ko.
"Nagsesenti ka yata ngayon, sweetie? May problema ka?" napatingin naman ako sa kanya. "Wala lang. Ang boring kasi eh" hindi sya sumagot pero hinawakan nya ang kamay ko at ininterwine ito sa kamay nya.
Shit, kinikilig ako. Bakit ba ganun? Matagal tagal narin kami ni Kai pero lagi parin akong kinikilig sa kanya. Ganun nga talaga siguro, kapag mahal mo ang isang tao.. hindi ka magsasawa sa kanya.
"Namimiss na kita.. tagal na nating hindi nagbobonding. Date tayo minsan, yung tayong dalawa lang" Bulong nya sa akin. Napapout ako. Oo nga eh, hindi na kami nakakapagbonding na kaming dalawa lang.
"Sige, date tayo minsan. Miss na rin kita" nakita ko naman na napangiti sya sa sinabi ko. Kinikilig din po sya, hahaha! "How 'bout... ipakilala na kaya kita sa parents ko?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ayoko! Kinabahan tuloy ako!
"H-Ha? Sigurado ka ba?" nauutal kong sabi nya.
"Oo naman. Gusto ko kasing patunayan sayo na seryoso ako sayo kaya ipapakilala na kita sa parents ko" Nakakainis naman si Kai! Banat ng banat! Pulang pula na ako, promise!
"Eh paano kung hindi nila ako nagustuhan?"
Niyakap naman nya ako. "Baliw ka ba? Bakit naman hindi ka nila magugustuhan? Maganda ka, mabait ka, masaya kang kasama, at higit sa lahat.. mahal kita. Don't worry, my parents will like you"
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Jugendliteratur~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?