Chen's POV
"Chen wag ka ngang maingay!"
"Taeness naman, Chen! Wag mong tapakan yung paa ko!"
Tsk! Ako nanaman?! Ako naman lagi diba?! Eto talagang mga kaibigan ko, ngayon lang nakakita ng gwapo?! Nakikinig kasi kami sa usapan nila Yoona at Sehun. Kaso wala naman kaming marinig na kung ano.
Hala, baka mamaya kung ano na ginagawa nila dun.
"Guys, baka naman kung anong milagro na yung ginagawa nila dun ah?" Sabi ko sa kanila. Sinamaan naman ako ng tingin nung mga girls pero yung mga boys napangisi nalang. "Ang shrek mo masyado, Chen!" Mahinang sabi sakin ni Taeyeon Noona.
"Mianhe~ I think i went too much. I forgot, hindi pa naman kasi talaga tayo. Sorry kung overprotective ako sayo ah? I just don't want to share what is mine" mas lalo kaming sumiksik sa may pinto ng marinig namin yung sinabi ni Sehun.
Ay jusko! 'Don't want to share what is mine' daw, eh sila na ba?! Sehun talaga, hindi pa sya sayo ah? Napahagikgik naman yung mga girls. "Ano yang asal Vice Ganda na yan?" Tanong ko sa kanila.
"Kinikilig kami!" Nakangiting sabi ni Yuri.
"Anong nakakakilig dun eh ang over protective ni Sehun sa kanya, eh hindi pa naman sila" nakapokerface kong sabi sa kanila.
Tumingin naman sila sa akin. "Bitter" Sabay sabay nilang sabi. Ako pa talaga ang bitter?! Hindi ako bitter! Nagsasabi lang ako ng totoo noh? -.-
"Alam nyo guys, kanina pa namin kayo naririnig" Nagkatinginan kami ng marinig namin yung boses ni Sehun mula sa loob kaya naman nag unahan kami sa pag baba at dahil nga masyadong matangkad at mahaba ang legs ni Sooyoung, napatid ako at nauntog sa may pinto ng kwarto nila Sehun.
"Ay Pvtangna! Arayyy kooo!" Napasigaw naman ako kasi masakit talaga. Hindi lang yung ulo kong nauntog yung masakit, pati yung balakang ko. Tae!
Narinig ko naman na tawa sila ng tawa sa baba. Tangna naman oh? Imbis na tulungan ako dahil gwapo ako, pinagtawanan pa ako?! Tsk! Pinilit ko namang tumayo kahit masakit yung katawan ko.
Kaya mo yan, Chen.. gwapo ka parin *le do pogi sign*
Nagmamadali akong sumunod sa kanila pababa. "Hahaha! Ang lampa mo Chen!" Pang aasar sa akin ni Baekhyun. Sasapakin toh?! "Hindi ako lampa! Napatid lang ako ni Sooyoung!" Pagdadahilan ko pa.
"Idadamay mo pa yung PandaLove ko dyan!" Binelatan naman ako ni Sooyoung dahil ipinagtanggol nga sya ni Tao na PandaLove nya. Yuck! PandaLove?! Ang corny naman masyado ng tawagan nila!
"Pah! PandaLove pang nalalaman" bulong ko kaso mukhang narinig ako ng katabi kong si Seohyun kaya nginitian nya ako. "Ano ka ba, oppa! Wag ka ngang mabitter. Darating din naman yung girl of your dreams sa tamang panahon eh kaya no need to be bitter" Buti pa tong maknae ng mga girls, mabait. Masyadong evil si Sehun eh.
"Oo nga naman, Chen ah? Intay intay lang din" Pag sang ayon sa kanya ni Suho hyung. Hmp! Porket may mga lovelife nila eh. "Ang tagal tagal ko nang nag hihintay noh? Nakakapagod din" Pagdadrama ko sa kanila.
"Ang drama mo, Camel" Pang aasar sa akin ni Luhan na katabi ni Tiffany. Fakk Yo~ Ka talang deer ka! Porket may Tiffany ka na eh.
"Kung gusto mo ipakilala ko sayo yung isang kaibigan ni Krystal?" Suggestion ni Jessica at napatango naman yung mga girls. "Sino naman yang ipapakilala nyo sa akin? Baka masama ang ugali ah? Siguraduhin nyo lang maganda yan ah? Dapat mala dyosa yan kasi syempre gwapo ako eh" Sabi ko naman sa kanila
"Ang hangin mo dre" Inirapan ko nalang si Xuimin hyung dahil sa sinabi nya
May inabot naman sakin si Jessica noona na picture. Picture ng isang babae. Wow! Chix to mga dude! "That is Luna. Kaibigan sya ni Krystal at hindi naman masyadong malayo ang agwat ng age nyo. Madali lang naman ding pakisamahan si Luna kasi friendly sya" Pagpapakilala sa kanya ni Jessica Noona.
"Mabait din yang si Luna at kahit anong trip mo sasakyan nya. Hindi rin yan selosa at sa tingin ko bagay naman kayo. The question is... are you interested in her?" Dagdag pa ni Sunny noona at umoo naman ako. Not bad. Mukha namang makakasundo ko tong Luna na toh.
"Nga pala may sasabihin kaming mga girls" Pang aagaw ni Taeyeon noona ng atensyon ng lahat. "Ano naman yun noona?" Sabay sabay naming sabi ng mga boys. "Dito kami matutulog sa inyo ngayon! Ok lang naman diba?" Dagdag pa nya.
Napanganga naman kaming mga boys. Dito talaga sila matutulog?!
"Naisipan kasi namin kanina nung tumawag si Lay para papuntahin kami dito na dito muna kami matulog kasi wala rin kaming ginagawa sa bahay eh." Bahay? Wait, sa iisang bahay rin sila nakatira katulad naming mga boys?
"Sa isang bahay lang din kayo nakatira mga noona?" tanong ni Lay.
"Our parents wants us to be independent at since magkakaibigan naman kami pumayag na kami na tumira sa iisang house" Pag eexplain ni Hyoyeon sa amin kaya napatango nalang kaming mga boys.
"Eh nasaan yung mga gamit nyo?" Tanong ni Kris hyung
"In the car" Maikling sagot ni Jessica noona. Ang cold talaga nung dalawang toh. Napatitig naman kami sa kanila, magkatabi lang naman sila eh. Nakita ko naman na napangisi ng konti yung girls tapos nagkatinginan sila tapos tinignan ulit nila si Jessica at Kris.
Nagbulungan pa nga si Yuri at Yoona eh. "Bagay kayo" Sabi ni Yoona. Nanlaki yung mata ni Jessica noona at napangiti lang si Kris hyung. "Alam mo ba Kris si Jessica unnie may ano--" Naputol yung sasabihin ni Yuri ng magsalita si Jessica noona.
"Don't ever think about saying that to all of them" ene dew? Pasensya na wala akong alam sa engrish engrish na yan eh -.- Keri lang yun mga dude, gwapo pa rin ako noh?!
Napatahimik naman si Yuri at nag act na parang nag zip ng bibig.
Sandali silang nagpaalam na girls at kinuha ang mga gamit nila sa kotse nila. "Ang aga pa~ Wag muna tayong matulog tutal wala pang pasok bukas eh" Sabi samin ni Sunny at tumingin sa wall clock.
Wala kasi yung mga teachers bukas kasi may pupuntahan daw na seminar chuchu kaya wala kaming pasok for three days.
"Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ni Sehun na kakababa palang. "Manood nalang tayo!" Suggestion ko at napatango naman sila. Umupo na kami dun sa may couch. Wag kayong magtaka kung paano kami nagkasya.
Yung mga couples sa lapag na naupo except nalang kila Baekhyun, Taeyeon, Chanyeol at Seohyun na nakaupo rin sa lapag. Ang sweet nga nila eh, si Baekhyun at Taeyeon naglalandian tapos yung si Chanyeol at Seohyun naman.... hindi alam ang salitang space, kung makaakbay si Chanyeol sa kanya eh, di kayo naiinitan nyan?
"Anong papanoorin natin?" Excited na sabi ni Kai. Napangisi naman si Kyungsoo, sya kasi yung pumili eh.
"Human Centipede"
~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Teen Fiction~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?