Baekhyun's POV
"Naks naman! Napakagwapo mo ngayon, Baek!" sabi sa akin ni Luhan hyung ng makasalubong ko sya. Nakasuot narin sya ng tuxedo. "Hyung naman! Lagi akong gwapo, ikaw lang naman ang laging maganda sa atin eh" binatukan naman nya ako dahil sa sinabi ko.
Pa humble pa eh? Maganda naman talaga sya. Ganda kaya ni Luhan hyung. Haha! "Oy guys! Nagawa nyo ba yung letter?" biglang pagtawag sa amin ni Suho hyung. Nagsitanguan naman kami.
Pinagawa kasi kami ng letter para daw sa isang special na tao tapos babasahin namin yun mamaya sa prom. Nakakakaba nga eh. Napakadaming arte! Kailangan pa ba may sulat sulat pa?!
"Haneep! Sino yung nag arkila ng limousine?" sigaw ni Kai habang nakasilip sa labas ng bintana. "Sa akin yung limousine" sagot ni Suho hyung. Lumapit kami sa kanya at binatukan sya.
"Naks! Napakayaman!"
"Shut up, kiddos. Let's go, we still need to pick up the girls" natahimik kami sa sinabi ni Kris hyung. Nakakanosebleed talaga sya.
"Excited ka lang makita si Jessica eh!" pang aasar ni Xuimin hyung. Napangiti naman si Kris hyung, yung tipong kita yung gums! Hahaha!
"Of course, im excited to see my princess!" Nako. The Ice Prince's heart is melted by the Ice Princess. Pag ibig nga naman.
Lumabas na kami at isa isang sumakay sa limousine ng aming leader na mayaman ngunit pandak. Shh! Wag nyo akong isusumbong! Sasapakin ako nun!
May driver naman kaya nag iingay lang kami. Si Xuimin hyung pinapractice yung sa letter nya baka daw kasi mali pa yung masabi nya once na basahin na yun sa may stage mamaya.
Si Tao naman katext si Sooyoung.
Syemper itetext ko rin yung mahal ko.
To: Baby~
Malapit na kami dyan, baby. Siguraduhin mo lang na matino ang suot mo baka mamaya makapatay ako ng lalaking nakatingin sayo.
Nakakainis naman kasi si Taeyeon eh. Sabi ko kasi sa kanya na wag masyadong revealing yung isuot nya kasi paniguradong maraming titingin sa kanyang mga lalaki. Syempre ako naman ayokong mabastos ang girlfriend ko.
Sabi naman nya wala daw syang choice kasi binilhan daw sya ni Tiffany ng cocktail dress na super revealing daw at wala na daw syang time para bumili ng bago.
Tsk! Siguraduhin nya lang na maayos ang suot nya.
* * * * * *
"Baby! Ang tagal nyo! Kanina pa kaya kami naghihintay sa inyo!" naabutan namin yung mga girls sa garden, nakaupo at naghihintay sa amin.
Lumapit na sa akin si Taeyeon pero ako nakatulala parin. Shit! Bakit ba ang ganda nya?!
"Yah! Sumunod ako sa promise ko! Hindi revealing or daring yung suot ko. Nagtampo pa nga sa akin si Fany kasi di ko daw susuotin yung damit na binigay nya" sabi pa nya.
Napangiti ako pero nakatingin parin ako sa kanya. Ang ganda nya. Kahit simple lang yung suot nya, napakaganda parin nya. Para syang anghel, ang amo ng mukha nya tapos nakawhite pa sya.
"Hoy! Ano ba yan?! Bakit ka ba nakatulala?!"
"Ang ganda mo kasi" sagot ko sa kanya. Namula naman sya. "Tss. Ewan ko sayo! Bolero!" napangisi ako. Too sly. Kinikilig lang yan, ayaw nya lang aminin.
"Eh bakit ka namumula?" pang aasar ko sa kanya.
"Malamang kasi nakablush on ako!" pagdadahilan pa nya. You can't fool me. Alam kong namumula sya. "Kunwari ka pa! Kinikilig ka lang kasi. Ok lang yan, alam ko naman na masyado mo akong mahal kaya ka ganyan!" sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Teen Fiction~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?