Tao's POV
"Hyung, ano bang feeling ng may girlfriend?" biglang tanong sa akin ni Sehun. Jetlag kami mga bro. Gusto na sanang magswimming nung mga girls kaso ang sabi ni Kris hyung mag pahinga muna daw kami dahil pagod daw sya.
Nagsilapitan naman sa amin yung ibang mga members. "Masaya. Super saya. Bakit, Sehun?" Napanguso naman sya. "Hyung gusto ko ng maging girlfriend si Yoona kaso hindi ko alam kung papaano" sagot nya sa akin.
"Why don't you make a surprise for her?" suggestion ni Luhan hyung at napatango naman sya. "Good idea, Luhan. Tutulungan ka namin, Se" sabi naman ni Xuimin at napangiti si Sehun. "Talaga?! Salamat mga hyungs!" tuwang tuwang sabi nya.
Bigla namang nagtaas ng kamay si Lay at Baekhyun pati na rin si Kai. "Bakit kayo nagtataas ng kamay? Ano toh, recitation?" Pambibwisit sa kanila ni Chen. Inirapan naman sya ni Baekhyun. "Gusto kong sumali. Pwede nyo rin ba akong tulungan kay Taeyeon? Gusto ko na syang matawag na akin" Nuks! Ang drama.
Napangisi naman kami. Sabi na eh! May gusto talaga toh kay Taeyeon noona at take note, may couple ring silang dalawa. "Eh kayong dalawa? Sino naman naman sa inyo?" Tanong ni Suho hyung kila Lay hyung at Kai.
"Basta ako kay Yuri!" -Kai
"Ano... si Hyoyeon" nagulat naman kami sa sinabi ni Lay. Wala kasi kaming kaalam alam na may nagugustuhan na pala sya. Wala naman kasi yang nababanggit sa amin. "Bakit hindi natin sabihan yung mga girls sa plano natin?" Biglang sabi naman ni Chanyeol. Napatango naman kami.
"Ako nalang magsasabi" sabi ko at kinuha ang phone ko para itext si Sooyoungie.
To: PandaLove
- PandaLove! May surprise sana sila Baekhyun hyung, Kai, Lay hyung at Sehun para kay Taeyeon noona, Yuri noona, Hyoyeon noona at Yoona noona. Tulungan nyo naman kami! Pero wag nyo munang sabihin sa kanila huh pero isecret nyo muna dun sa apat -
Agad ko namang isinend yun.
"Mas magandang kung bumuo muna tayo ng plano ngayon para naman pagdating nung mga ibang girls sasabihin nalang natin sa kanila yung plano natin" suggestion ni Kyungsoo hyung.
"Naks naman! Tumatalino ka yatang kwago ka!" Side comment ni Chen hyung "Kwago?! Kesa naman sayo na mukhang camel na dinosaur!" ganti ni Kyungsoo hyung. "Tumigil na nga kayo! Mabuti pa, tulungan nyo nalang kaming umisip ng pwedeng maging surprise" saway sa kanila ni Xuimin hyung kaya napatigil nalang sila.
"What if, mamayang gabi natin gawin yung surpise. Sakop naman natin yung buong floor diba? Paghihintayin natin yung apat na babae sa may balcony at magfoform kami ng words" pag uumpisa ni Suho hyung.
"Gawa tayo ng parang cardboards, ang mga nakalagay, Kid Leader, Blackpearl, Dancing Queen at Alligator Yoon. Tapos 'will you be my girl friend nalang' yung ilalagay natin dun sa ibang card board" suggestion ni Kris.
"Eh anong gagawin nung mga girls?" tanong ni Luhan.
"Sabihan natin sila na ayusan yung apat na babae tapos mag set up ng parang isang dinner dun sa may baba para naman makita nila yung dagat, dagdag romantic points din yun" Sabi naman ni Sehun.
"Mag ayos din tayo! Baka naman may mahiram tayong mga tuxedo sa mga staffs" sabat naman ni Lay hyung.
"O sige, maghahanap kaming apat ng tuxedo" pag papaalam ni Baekhyun hyung at lumabas na kasama si Kai, Lay hyung at Sehun.
"Tara na! Simulan na natin gawin yung card boards, may materials ba tayo?" biglang tanong ni Chen.
Itinuro ko naman yung maleta ni Sehun. "May dalang kung ano ano si Sehun kasi nga balak nya na talagang gumawa ng surprise" at napangiti naman sila.
"Aja! Fighting!"
~~~~~~~~~
Sooyoung's POVFrom: PandaLove <3
- PandaLove! May surprise sana sila Baekhyun hyung, Kai, Lay hyung at Sehun para kay Taeyeon noona, Yuri noona, Hyoyeon noona at Yoona noona. Tulungan nyo naman kami! Pero wag nyo munang sabihin sa kanila huh pero isecret nyo muna dun sa apat -
Agad naman akong napangiti ng mabasa ko yung text ni PandaLove ko! Yiee! Kinikilig ako para sa mga kamembers ko. Agad kong ibinulong iyon kay Tiffany na katabi ko. Napahagikgik sya at tinext ang ibang members except dun sa apat na may surprise nga daw.
Mukha namang napansin nung apat. "Uy! Ano yung tinitignan nyo?! Share!" Pagmamaktol ni Yoona at Yuri. Hindi ko sya pinansin dahil may nagtext nanaman sa akin. Galing naman ito kay Suho. Sabi nya ayusan daw namin yung mga girls pagkatapos may set up ng parang dinner something.
Mukha namang nakatanggap din yung iba ng text maliban dun sa apat na mukhang OP na. "Ako na mag aayos kay Taeyeon unnie" biglang sabi ni Seohyun kaya napatingin sa kanya si Taeyeon.
"Ha?! Bakit ako aayusan? Anong meron?" nagtatakang sabi ni Taeyeon. "Secret. Seohyun ikaw na ang mag ayos kay Taeyeon, Jessica, ayusan mo si Yoona. Tiffany, kay Yuri at Hyoyeon" sabi ko sa kanila.
"Eh anong gagawin nating dalawa?" Tanong sakin ni Sunny.
Nag mouth ako ng "Set up" at mukhang na gets naman nya.
"Teka nga! Bakit ba kami aayusan? At bakit kaming apat lang?" naguguluhang tanong ni Hyoyeon. "Malalaman mo rin mamaya, Unnie" sagot sa kanya ni Seohyun. Lumabas na kami ni Sunny.
Una muna kaming pumunta sa mga staffs para manghiram ng gagamitin. Nagpatulong narin kami dun sa ibang staff para iset up yung table malapit sa may dagat. Sinabi rin namin sa kanila na kung pwede ay magready ng pagkain.
"Thank you po sa tulong" sabi ko sa isang staff. Ngumiti naman ito sa akin. "Ano oras nyo po ba kukunin yung pagkain?" pahabol pa nya.
"Maybe around 6 pm" Pagsagot ni Sunny. Tumango nalang yung babae at umalis na. "That was so tiring" bulong ko pa. "Agree. Tara bumalik na tayo sa room natin para matulungan sila sa pag aayos dun sa apat"
"Magkakalove life na yung iba sa atin!" Kinikilig kong sabi habang naglalakad kami papunta sa room.
"Noona!"
Sakto namang nakasalubong namin sila Sehun na may dalang tuxedo. "Good luck sa inyo ah?! Fighting!" nakangiti pa naming sabi sa kanila at tuluyan ng pumasok sa room.
Naabutan namin silang apat na naka suot ng floral dress. "Can someone explain it to us?! Ano ba talagang meron? Para saan ba toh? Bakit kaming apat lang yung inayusan? Ano ba talagang meron?" sunon sunod na tanong ni Yuri.
Sasagot na sana ako ng biglang lumapit sa akin si Jessica at bumulong. "Ready na daw sila" Ngumiti naman kami dun sa apat.
Piniringan namin sila. "Ano ba kasing nangyayari?!" Inis na sabi ni Yoona.
"Everything is going to be a surprise!"
~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Teen Fiction~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?