Tiffany's POV
"Aba Tiffany, galaw galaw din pag may time?! Hahanapin na natin sila Taeyeon at Baekhyun wala ka paring balak gumalaw?" Napapout naman ako ng sitahin ako ni Sooyoung. Kasi naman eh!! "Pwede bang maiwan nalang ako dito sa bahay?" Tanong ko.
"Bakit?" Tanong ni Yuri. Bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ni Hyoyeon. "Kasi ayaw nyang makita si Luhan? Tama ba?" Napayuko nalang ako.
Kilala talaga ko ng mga ito! My gahhd! Mga bhe help! Ayaw kong makita si Luhan, mashakeeet! "Pero Tiffany, mas mahihirapan tayo pag hindi tayo kumpleto, sumama ka na para mas mabilis nating mahanap sila Taeyeon at Baekhyun." Pagpipilit sa akin ni Jessica.
"Pero paano ako? Naiilang ako kay Luhan"
"Jusko! Pasalamat ka at may emergency kung hindi kanina ko pa kinalkal yang past nyo ni Luhan" -Sunny
"Hayaan mo na yun, unnie. Sa akin ka nalang muna tumabi para kahit papaano hindi makalapit sayo yung Luhan na yun, ok?" Napangiti naman ako sa sinabi ni Seohyun. Buti pa si maknae, mabait!
Nilakad nalang namin yung cafe kasi walking distance lang naman eh. Nandun na yung exo. Napahigpit naman yung kapit ko kay Seohyun ng magkatinginan kami ni Luhan. "Ayos ka lang ba, unnie?" bulong ni Seohyun. Umiling nalang ako kaya hinigpitan nya ang paghawak sa akin.
"Annyeong!" Bati nung mga exo. "Annyeong" Sabay sabay din naming bati. "Suho nga pala. Leader nila" Pagpapakilala nung Suho. Magpapakilala na sana yung ibang boys ng pigilan sila ni Yoona. "No need. Kilala namin kayo" Kaya napatango nalang yung mga boys.
"Saan nyo ba huling nakita si Taeyeon?" Tanong ni Sehun. "Iniwan namin sya sa school kasi nawawala yung bracelet nya. Inaaya na namin syang umuwi kaso ayaw nya, hahanapin pa daw nya yung bracelet. Eh si Baekhyun ba?" Pagpapaliwanang ni Yuri. "Si Baekhyun hyung naman, nag paiwan sya sa school kasi hahanapin daw nya yung may ari nung bracelet na napulot nya noong lunch sa canteen. Sabi namin iwan nalang nya sa office pa dun iclaim nung may ari kaso ayaw nya" Pag eexplain ni Kai.
Nagkatinginan naman kami. "Teka, i have this feeling na magkasama lang si Taeyeon at Baekhyun. Nawawala yung bracelet ni Taeyeon, hindi ba? Tapos may nahanap si Baek na bracelet. Baka kay Taeyeon yung bracelet na yun?" Pagcoconclude ni Kris.
"He has a point. But kung nasa school nga sila kanina, malaki ang choice na nalock silang dalawa sa loob" Sabi naman ni Jessica.
"Then how are we going to go inside the school? We don't have the key" Sabi ko. Bigla namang inilabas ni Tao yung isang susi. "What is that?" Tanong ni Sooyoung.
"Susi" Simplang sagot ni Tao. "Alam kong susi yan. Ang ibig kong sabihin susi ng ano yan?" Pag uulit ni Sooyoung
"Ah. Susi toh ng school" Nakangiting sabi ni Tao. "What?! Paano mo nakuha yan?!" Gulat na tanong ni Seohyun. "Madalas kaming pumuslit sa guard house kaya nakuha namin yung duplicate" Sagot ni Chanyeol sa kanya. Napatango nalang kami. Makakatulong din naman pala ang mga kagaguhan nila.
Nilakad nalang din namin yung school, malapit lang eh. "Bilis Tao, buksan mo na bago pa may makakita satin" Bulong sa kanya ni Chen. Nilalamig naman ako dito. Gabi narin kasi eh, kawawa naman si Taeng.
"Teka hindi ko abot eh" Bulong ni Tao. "Tangina! Abutin mo! Kay haba haba ng braso mo hindi mo maabot!" Sigaw ni Dyo. "Shh! Baka may makarinig sa atin" Pagreremind sa kanya ni Lay. "Sarreh eke? Sarreh?" Nakapeace na sabi ni Dyo. Ingay ingay kasi ni Do Kyungsoo eh, mamaya ma Mateo Do pa kami dito eh -.-
Maya maya ay nakapasok na kami. Nakakatakot po pramis!
"So paano natin sila mahahanap? Haler! Anlaki laki ng school na toh" Sabi ni Sunny. "Edi maghiwahiwalay tayo. Si Seohyun at Chanyeol sa library. Si Jessica at Kris sa Computer Lab. Si Yuri at Kai sa quad. Si Tiffany at Luhan, sa gym---" Teka ano daw?!
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Genç Kurgu~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?