Chapter 46: Unexpected

1.4K 61 20
                                    

Chen's POV

Maingat kaming naglalakad ngayon sa may gubat. Madilim na at ang liwanag na nanggagaling sa buwan at mga bituin ang nagsisilbing ilaw namin.

"Listen up, alam kong alam nyo kung gaano kadelikado ang gagawin natin. I want all of you to be aware of your surroundings as much as possible, ok?" bilin sa amin ni Kris.

Agad din naming natanaw yung mansion pero hindi agad kami pumunta dun. Tama si Jazmine, may mga bantay. Madaming mga armadong lalaki ang nakabantay sa may harapan ng mansion.

"What do we do?" tanong ko.

Sinenyasan kami ni Jessica na maghintay sandali. Sumugod ang mga girls pwera kay Jazmine na kasama parin naming mga boys.

Agad na naalarma yung mga bantay at sinugod ang mga girls. Napatakbo agad kami papalapit dun sa may front door, hindi naman kami napansin nung mga bantay dahil nakikipaglaban sila sa mga girls.

"It's not working! Kailangan nating malaman yung password ng front door in order to get inside!" inis na sigaw ni Suho. Wala kaming idea kung ano yung password.

It's useless....

Biglang lumapit si Sehun sa may pinto at pumindot ng numbers.

1110 Enter

Nagulat nalang kami ng bumukas yung pinto. "Paano mo nalaman yung passcode?" naguguluhan naming tanong kay Sehun. "Hacker ata toh. If you'll look closely, lahat nung mga lalaki may tattoo sa wrist. It was the passcode, only it was written backwards" tipid nyang sagot.

Lumapit na sa amin yung mga girls, napatumba nilang lahat yung mga bantay at wala man lang silang kahit isang galos.

Maingat kaming naglakad sa loob ng mansion, ang dilim. Wala akong makita dahil sobrang dilim talaga. Wala man lang bintana kaya kulob yung loob at ang hirap huminga.

"Dala nyo ba yung cellphones nyo?" biglang tanong ni Taeyeon at tumango kami. "Use your cellphones para magkaroon tayo ng ilaw" sinunod namin sya.

Madami kami kaya kahit papaano ay nakatulong naman ang liwanag na galing sa mga cellphones namin. Masyadong malaki yung mansion pero nakakapagtaka dahil wala man lang bantay sa loob.

"Bakit wala man lang bantay dito sa loob ng mansion? I mean, parang ang weird kasi" sabi ni Tiffany.

"Oo nga. Wag tayong makampante, we don't know this place at mamaya baka may mga traps na naghihintay sa atin dito"

Naglalakad lang kami ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Sumasakit ang ulo ko at parang nanghihina ako. Damn. I can't move...

"A-Anong nangyayari?" nanghihinang tanong ni Yuri.

"Shit! Nahihilo ako!" biglang nagpanic si Yoona at sumigaw.

Too late.... bigla nalang kaming natumba then it all went black.

* * * * * *
Jessica's POV

"Wake up! Jessica!" nagising ako ng marinig ko ang boses ni Taeyeon. Where are we? Inilibot ko ang paningin ko pero hindi pamilyar sa akin yung lugar.

"Nasaan yung iba?" natatakot na tanong ni Tiffany. Kaming tatlo lang ang magkakasama dito, mukhang sinadyang paghiwahiwalayin kami.

Nakakulong kami ngayon dito sa kwarto pero hindi kami nakatali.

Binuksan ko ang cellphone ko para magkaroon ng liwanag at agad na napakunot ang noo ko ng makita ko ang pader.

Puro pictures....

Falling For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon