Sooyoung's POV
You know what? Ang weird ng mga kaibigan ko. Simula nung makabalik kami dito sa dorm, nag iba sila. Lagi nila akong tinitignan na parang may ginawa ako tapos bigla silang ngingiti ng nakakaloko.
What is happening?!
Isa pa, Isang linggo na akong hindi kinakausap ni Tao! Kapag nagsasama ang barkada namin, hindi nya ako nilalapitan. Mababaliw na talaga ako, hindi ko alam kung anong nangyayari sa relasyon namin.
"Sooyoung, ano bang mukha yan? Para kang namatayan!" pagsita sa akin ni Yuri. Humarap ako sa kanya. "Hindi kasi ako kinakausap ni Tao! It's been a week. Ni hindi man lang nya ako magawang tignan!" pagmamaktol ko.
Nagkatinginan yung mga girls saka sila biglang ngumiti. Tignan mo 'tong mga 'toh! Konti nalang iisipin ko na nababaliw na silang lahat. Kitang nagdadrama ako tapos ngingitian pa ako ng ganyan.
"Wag kang mag alala. Busy lang yung boyfriend mo" sabi sa akin ni Jessica kaya inirapan ko sya. "Busy? Ano? Busy sa iba?" sarcastic kong tanong. Nagtawanan sila.
Biglang nag vibrate yung phone ni Taeyeon, may nagtext sa kanya. Ipinabasa nya yun sa mga girls kaya nagtilian sila. O sige, ako na Out of Place!
"Tara, aayusan ka namin, Sooyoung!" hindi ako nakapagsalita dahil hinila agad ako ni Seohyun at Yoona sa may kwarto ko para maayusan ako. Teka, bakit ako aayusan? Anong meron?
"Kasi... bakit nyo ako aayusan? Anong meron?" tanong ko sa kanila.
"Shh! Wag ka ng magtanong!" pagsaway sa akin ni Taeyeon habang inaayos nya ang buhok ko. Pinasuot nila sa akin ang isang white dress na above the knee tapos nagflat shoes ako.
"Mag explain nga muna kayo! Bakit ako lang ang inayusan nyo? Ano bang meron at kailangan kong magayos?" nagtatakang tanong ko sa kanila. "Malalaman mo rin. Ngayon, pumunta ka sa may playground na lagi nyong pinupuntahan ni Tao, ngayon na!" utos sa akin ni Taeyeon.
Hindi naman ako nakaangal dahil tinulak na nila ako sa labas at pinagsaraduhan pa ng pinto. Ang sama nila. Mga kaibigan ko ba talaga yung mga yun? Parang pinapalayas ako eh.
Naglakad ako papunta doon sa may playground na lagi naming pinupuntahan ni Tao. Ano kayang trip nung mga girls? Wala naman akong gagawin dun eh.
Kagaya nga ng inaasahan ko, wala akong nadatnan sa playground. Umupo nalang ako sa may swing. Ang tahimik naman dito, wala pa kasing mga batang naglalaro.
Itinaas ko ng konti ang mga paa ko para hindi maputikan yung flat shoes na color white. Ang boring naman dito. Bakit pa nila ako pinapunta dito kung wala rin naman akong gagawin.
Biglang may lumapit sa akin. Isang batang lalaki na hindi ko alam kung saan nanggaling. "Ate, may nagpapabigay po" iniabot nya sa akin ang isang envelope.
"Kanino 'toh galing?" tanong ko sa kanya. "Secret daw po, ate!" nakangiti nyang sabi at saka tumakbo papalayo. Tinitigan ko yung envelope.
Kulay pink sya at may nakasulat.
Open when you're feeling sad.
Napakunot ang noo ko ng mabasa ko yung nakasulat sa may envelope. May nangtitrip yata sa akin eh. Binuksan ko yung envelope at binasa yung letter sa loob.
Ayokong makita kang malungkot. You are my princess and you deserve to be happy. Always remember na kahit tinalikuran ka na ng lahat, nandito pa rin ako, hindi ka iiwan kahit kailan.
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Подростковая литература~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?