Chapter 36: Meeting his parents

1.6K 69 7
                                    

Yuri's POV

"Ayan kasi! Maglalandian nalang sa ilalim pa nang ulan!" rinig kong sigaw ni Taeyeon unnie kay Jessica at Kris na nakaupo sa sala at nagpapatuyo nang mga buhok nila.

Sinundan kasi namin si Jessica unnie at nadatnan naming scene at yung naghahalikan sila sa ilalim ng ulan! Oh my gesh! Ang sweet pero... di man lang nila naisip na pwede silang magkasakit?

"Shut up, Kim Taeyeon! If i know inggit ka lang dahil di ganyan kasweet si Baekhyun sayo!"

"Aba! Ako maiingiit?! No way, Jose! Mas sweet pa sa kapreng yan ang boyfriend ko! And if i know.. sa akin ka naiinggit nung mga panahong ampalaya ka pa dahil sobrang kasweetan namin ni Baek!"

"Tama na nga yan unnies! Para kayong mga bata!" inis na saway sa kanila ni Seohyun, paano kasi naistorbo ang pagbabasa nya.

"So ano na ang status nyo?" curious na tanong ni Hyoyeon sa dalawa na hanggang ngayon ay magkaholding hands parin. Di kaya namamawis yung mga kamay nila? Kanina pa magkadikit yung mga kamay nila ah?

nagkatinginan pa yung dalawa at parehas na namula. Tsk!

"Kami na" nahihiya pang sabi nila. "Finally! Akala ko magmamadre talaga si Jessica dahil sya nalang ang walang love life sa amin!" pang aasar pa ni Sooyoung sa kanila. Natawa naman ako pero hindi na ako nakisali sa kanila.

"Unnie, mainit ba at pinagpapawisan ka ng ganyan?" pagkausap sa akin ni Yoona. Humarap ako sa kanya at tumango. Kumunot naman ang noo nya. "Seryoso? Mainit pa ng lagay na toh? Naka aircon tayo tapos umuulan pa sa labas, mainit parin?"

"Baka naman kinakabahan si Yuri unnie kaya sya naiinitan" pagsingit ni Seohyun at dahil doon nagsilapitan sa akin yung mga girls para makichismis, alam nyo na malalakas talaga ang mga radar nila pagdating sa chismis.

"Anong meron? Bakit ka kinakabahan?"

"Oo nga.. ay teka?! Bakit bihis na bihis ka at formal pa yung suot mo?!"

"Saan ka pupunta?! May kikitain ka noh?! Alam ba ni Kai yan?!"

Napasapo nalang ako sa noo ko ng marinig ang mga tanong nila. Ang ingay nila. Si Jessica at Kris naman nanonood lang sa amin. "Guys, kalma! Pagsalitaan naman natin si Yuri" pagsaway ni Sunny sa kanila.

"So.. bakit nga?" pangungulit ni Tiffany.

"May lakad kami ni Kai. Ipapakilala nya na ako sa parents nya" Sagot ko sa kanila. Nanlaki yung mga mata nila pero agad din silang nagtilian. Yung iba nakatingin pa sa akin ng nakakaloko.

"Emegesh! Kinikilig ako!"

"Seryoso pala talaga sayo si Negro! Yiie! Kaiyul na ituu!"

"Kaya ka pala kinakabahan! Hahaha!"

"Guys, tulungan nyo na ako. Ano bang gagawin ko? Natatakot talaga ako. What if hindi ako magustuhan ng parents nya tapos paghiwalayin kami dahil hindi nila ako gusto para kay Kai?" Worried kong tanong sa kanila.

Lumapit sa akin si Tiffany. "Alam mo.. just be yourself, wag kang magpanggap. Maging totoo ka sa sarili mo, ipakita mo talaga kung sino ka, ipakita mo sa kanila kung bakit mahal na mahal ka ng anak nila, ipakita mo kung bakit baliw na baliw sayo si Kai"

"Oo nga. Saka bakit ka naman kakabahan? Mahal ka ni Kai kaya wala silang magagawa kahit hindi ka man nila magustuhan" Pagsingit ni Taeyeon.

"Maganda ka naman. Matalino ka at Talented pa. Perfect! Pwede ka ng daughter-in-law"

Napangiti ako sa sinabi nila. Buti nandyan sila kaya kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng may nagdoorbell. Nandyan na syaaa! Anong gagawin ko?! What to do?! "Relax, Yul. It's not like Kai is going to eat you. Relax" paalala sa akin ni Sunny.

Falling For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon