Chapter 34: New Guy

1.4K 68 13
                                    

Tiffany's POV

Agad agad akong bumaba ng stage. Lalabas sana ako ng venue ng marinig ko ang palakpakan ng mga guests. Hindi ko nalang sila pinansin at tumakbo ako papalayo. Takbo lang ako ng takbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Ang alam ko lang... gusto kong lumayo sa kanilang lahat, gusto kong lumayo sa lahat ng problema at sakit na nararamdaman ko ngayon.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang garden, may maliliit na christmas lights na nakasabit sa bawat sanga nung puno kaya kahit papaano may liwanag naman. Natatanaw ko parin yung venue kaya malapit lang din ako dun.

Umupo ako sa ilalim ng puno. Sandali akong tumahimik at tinitigan ko lang yung mga stars. Ang ganda naman ng mga bituin... buti pa sila. Stars give light to people who is stuck in the dark.

"Sana magkaroon din ako ng sarili kong star para naman kahit papaano alam ko kung saang direction ako pupunta..." mahina kong sabi sa sarili ko. Litong lito ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Yun na yun eh, wala na akong pag asa, pinakawalan ko na sya... at kailangan kong tanggapin na hindi kami ang nakatadhana para sa isa't isa.

"I think you need this.." napatingala ako only to find a guy. May hawak syang panyo at inaabot nya yun sa akin. "Umiiyak ka kasi, mukhang wala kang panyo kaya papahiramin kita. Next time, kung balak mong umiyak magdala ka ng panyo ha?"

Napatawa naman ako ng mahina at kinuha yung panyo. Umiiyak nanaman pala ako, hindi ko namalayan.

Tumabi sa akin yung lalaki. "Hindi naman sa pagiging feeling close or chismoso pero.. bakit ka umiiyak?"

"Kapag ba sinabi ko sayo yung dahilan... mawawala yung sakit na nararamdaman ko ngayon?" tanong ko sa kanya. "Hindi man mawawala yung sakit pero atleast mababawasan sya kasi kahit papaano kasi naiexpress mo yung totoong nararamdaman mo"

huminga ako ng malalim at nagsimula akong mag kuwento. "Yung lalaking kanina, si Luhan.. he's my ex boyfriend at hanggang ngayon mahal ko pa rin kaya ang sakit lang isipin na harap harapan... pinapakita nya sa akin na masaya na sya kasama ng i-iba.."

Kinuwento ko lahat sa kanya, kung paano kami nagkakilala ni Luhan, kung papaano ko sya binigyan ng second chance noon, kung papaano kami naging masaya at kung paano kami unti unting nawasak.

"Alam mo... may mga tao talaga na akala mo para sayo talaga pero pag dating ng tamang oras bigla nalang silang kukunin o ilalayo sayo at yung naiwanan naman.. walang magagawa kundi ang umiyak" Mahina nyang sabi pero sapat na para marinig ko.

"Hugot yun ah? Bakit ang galing mo yatang mag advice? May experience?"

Napapout sya. "Nope, wala pa akong experience sa love. Never pa akong nagka girlfriend, hanggang crush lang ako. Walang umaabot sa love. Kaya siguro magaling akong mag advice kasi hindi naman ako bulag para hindi makita ang paligid ko. Ang pag ibig kasi para sa akin ay puno ng pasakit"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Pasakit ang pag ibig? Nasasaktan ako ngayon pero kahit kelan hindi ko inisip na puno ng pasakit ang pag ibig. "Pano mo naman nasabi yan? Hindi naman puro pasakit ang love kasi kahit panandalian lang... sumasaya naman tayo kasi kapiling natin ang mahal natin"

Napatawa sya ng mahina. "Siguro nga. Kaya ko lang naman nasabi yun kasi yun ang nakikita ko sa parents ko. Ang mama ko, laging umiiyak kasi yung papa ko pinagpalit kami sa iba. Hanggang ngayon, naghihintay at umaasa parin si mama na babalik ang tatay ko pero para sa akin, wala na akong pakielam. Wala na akong pakielam sa lalaking yun kasi para sa akin si mama lang ang pamilya ko, wala akong tatay kasi matagal nya na kaming tinalikuran"

Kaya naman pala. "Nga pala, anong pangalan mo? Kanina pa tayo nag uusap pero hindi ko alam ang name mo"

Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Nichkhun is my name. Ikaw si Tiffany diba?" Napatango ako at ngumiti. "Nice to meet you pero paano mo nalaman ang pangalan ko?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Hindi mo alam? You're popular, pati na yung mga kaibigan mo kaya kilala kita and sino ba namang hindi macucurious na alamin ang pangalan mo kung ganyan ka kaganda?" napatawa ako ng mahina sa sinabi nya.

Kung si Luhan siguro ang magsasabi sa akin nyan, kikiligin ako ng todo at mamumula na parang tomato kaso... wala na sya eh.

"Hahaha! Magaling kang bumanat ah? Hula ko.. cassanova ka noh?" pang aasar ko sa kanya

"Di ah! Good boy kaya ako! Paano mo naman nasabi na cassanova ako?"

"To be honest, gwapo ka kasi"

Nagkuwentuhan kami ni Nichkhun. Mabait sya at gentleman. Magaan din ang loob ko sa kanya kahit ngayon ko lang sya nakilala. Wait, nakikita ko na sya dati sa school pero hindi ko sya gaanong napapansin kasi kay Luhan ako nakafocus noon.

He is a nice. Mabait sya at masaya ring kasama. Parehas sila ng katangian.... aish! Tiffany, tama na nga! Promise, i'll try na hindi na isipin si Luhan kasi ako lang din ang nahihirapan at nasasaktan. Maybe it's time to give myself a little bit of love.

* * * *

Nakaupo kami ngayong girls sa may sala namin. Kakauwi lang namin galing dun sa engagement party.

"Nagugutooom ako!" Pagmamaktol ni Sooyoung. Inirapan lang namin sya. Lagu naman syang gutom eh. Si Hyoyeon kasi nagluluto palang. Honestly... nagugutom narin ako.

"Unnie.. sino yung lalaking kasama mo kanina?" napatingin ako kay Seohyun at nakota kong nakatingin sya sa akin. Mukhang ako ang kinakausap nya.

"Ha?"

"Yung lalaking kasama mo kanina na nakaupo sa ilalim nung puno"

Nacurious yung ibang girls kaya lumapit din sila samin ni Seohyun. "Ahh. Si Nichkhun yun, naabutan nya kasi akong umiiyak kanina kaya tinabihan nya ako" pagpapaliwanag ko. Mamaya baka bigyan nila ng malisya, mahirap na.

"Ooh. Akala ko naman pinagpalit mo na agad si Luhan" pang aasar pa ni Yuri. Binatukan sya ni Taeyeon. "Tanga. Kita mong apektado parin yung tao tapos papalitan lang ng ganun ganun?!"

Inirapan sya ni Yuri.

"Basta ako... i'll support you kahit anong mangyari. Sana hindi ka na masaktan sa huli at sana bigyan mo ng oras yang sarili mo kasi dahil sa pagkawala ni Luhan... ikaw naman yung nadehado"

~~~~~~~~~~

Falling For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon