Chapter 14: Amusement Park (2)

1.8K 92 6
                                    

Kai's POV

"San tayo?" Excited nyang tanong sakin. Napangisi naman ako at hinila sya kung saan saan hanggang sa makapunta kami sa may tapat nung Horror House, mwahahah!

"What in the world do you think you are doing? Bakit tayo pumunta dito sa horror house?" Sigaw nya sakin kaya napatawa nalang ako, duwag pala sya. "Malamang kasi papasok tayo dyan kaya tara na!"

"No! Hindi mo ako mapapapasok dyan!" Inis pa nyang sabi.

"Why? Takot ka ba, Yuri?" Nang aasar kong sabi sa kanya. Nagcross-arms naman sya at tinaasan nya ako ng kilay, sungit talaga nito. "Bakit naman ako matatakot? Tss. Tara na nga" Nakairap pa nyang sabi at hinila na ako sa may horror house.

Agad naman kaming nakapasok kasi maikli lang yung pila. Nandito palang kami sa bungad pero nararamdaman ko na na mahigpig yung pagkakakapit sakin ni Yuri, takot na toh, pustahan. "Wag ka ngang matakot. Hindi ka naman nila makikita eh" Nang aasar ko pang sabi kay Yuri.

Tumingin naman sya ng masama sakin. "Walang hiya ka! Mas maitim ka kaya sakin noh. Kapal much mo talaga, Kai" Napatawa nalang ako sa sinabi nya.

Nagsimula na kaming maglakad lakad. Ano namang nakakatakot dito?! Madilim lang naman? Nakakarindi nga kasi tili ng mga tili yung mga ibang tao, pati lalake tumitili eh. Buti pa ako matapang at higit sa lahat, gwapo!

"AHHHHH!!!!" Sigaw ni Yuri at saka yumakap sakin, as in yumakap talaga sya. May nanghila kasi sa paa nya. Hindi pala takot ah?

Tinawanan ko nalang sya. "Wag mo nga akong tawanan! Hindi ka ba natatakot?" Tanong nya sa akin. Umiling naman ako. "Bakit naman ako matatakot eh hindi naman totoo yang mga yan and besides manly ata toh" Nakangisi ko pang sabi sa kanya.

Maya maya ay huminto sya sa paglalakad at naririnig ko na humihikbi na sya. Umiiyak sya ng dahil lang sa mga nananakot dito? Lumuhod naman ako sa harapan nya. "Hoy! A-ano bang ginagawa mo? Tumayo ka nga dyan!" Sabi nya

"Sakay na! Bubuhatin nalang kita para hindi ka malapitan nung mga nananakot" Agad naman syang sumakay sa likod ko ng sabihin ko yun. "Wag ka na ngang umiyak. Nandito naman ako noh? Hindi kita pababayaan" Mahina kong sabi sa kanya

"Thank you.." Mahina nyang sabi pero sapat na para marinig ko.

Ilang minuto lang ay nakalabas na kami ng horror house. Pinagtitinginan kami ng mga tao kasi nga buhat buhat ko si Yuri diba? Yung iba pinagbubulungan pa kami, ang pogi ko daw, ang cute daw namin, ang sweet daw namin, bagay daw kami, geh! Thank you nalang.

Ibinaba ko na si Yuri at mukhang ok naman na sya.

Umupo muna kami dun sa may bench para naman makapagpahinga muna kami. "Yuri, may ibibigay nga pala ako sayo" Napatingin naman sya sakin dahil sa sinabi ko. "Ano naman yun?" Tanong nya sakin.

Kinuha ko naman yung bracelet na kanina ko pa gustong ibigay sa kanya. Letter K at Y ang pendant nito which stands for 'Kai and Yuri'

Mukha namang nagulat sya. "Waah! Ang ganda~ Thank youuuuu~"

Sinuot ko naman sa kanya yung bracelet. "Bagay sayo and you're welcome"

"Mianhe. Sorry kung lagi kitang tinatarayan and i guess, you're not that bad" Nakangiti nyang sabi kaya napangiti narin ako. Hindi ko naman maitatangging maganda talaga sya. Kahit masungit sya, maganda talaga sya.

Paano pa kaya pag nakangiti na sya?

"Yuri, alam kong mabibigla ka sa sasabihin ko pero.... can i court you?" Kinakabahan kong sabi sa kanya at halatang nagulat din sya.

"Wait, anong sabi mo?"

"Sabi ko pwede ba kitang ligawan?" Pag uulit ko sa sinabi ko kanina.

Ngumiti naman sya at tumango. "Yes, you can"

~~~~~~~

Sehun's POV

"Ang sungit mo naman ngayon, Yoona" nakapout kong sabi sa kanya dahilan para mapatingin sya sa akin at mapangiti. "Mianhe, Sehunnie. Alam mo na... hormones at red tide" napatango nalang ako sa sinabi nya.

Nakaupo lang kami ngayon sa may bench sa ilalim ng puno kaya ang lamig lamig talaga.

"Brr, ang lamig naman ditoo~" pakanta nyang sabi habang niyayakap ang sarili nya. Wala akong dalang jacket o kahit ano man lang kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tae! Sehun, mag isip ka!

Niyakap ko naman sya. "Nilalamig ka pa?" Tanong ko sa kanya. "Not anymore. Thanks" Nakangiti nyang sabi sakin at kinurot pa ang ilong ko. "Ang ganda dito sa amusement park noh?" Sabi ko sa kanya.

"Oo nga eh. Kung pwede lang na dito nalang tayo eh." Malungkot nyang sabi.

"Pwede naman tayong bumalik dito eh. Promise ko sayo, babalik tayo dito kaya ngumiti ka na. Hindi kasi bagay sayo kapag hindi ka nakangiti. Alam mo, mas maganda ka talaga kapag nakangiti ka" Sabi ko naman sa kanya.

"Really?! Promise mo yan ah?" Tumango naman ako sa sinabi nya. "Nga pala, Yoona, what is your ideal man. Wag mong sabihing wala ah?" Pagtatanong ko sa kanya. Curious kasi ako eh, gusto kong malaman kung anong klase ba ng lalake yung gusto nya kasi naman malay mo ako diba? Haha! Joke lang!

"Ideal man? Simple lang naman ang gusto ko sa isang lalaki eh. Gusto ko yung mabait, gentleman, caring at bonus nalang siguro kung gwapo. Eh ikaw, anong ideal girl mo?" Tanong nya kaya napatawa ako.

"Ideal girl ko? Ikaw" Nakita ko namang namula sya.

"Eh?! Ang daya mo! Ano nga yung ideal girl mo?"

"Sige na nga, ang ideal girl ko ay yung maganda, mabait, masayang kasama, simple at walang arte. In other words, my ideal girl is Im Yoona" Sabi ko sa kanya kaya napatawa naman sya. "Bolero ka pala, Sese"

"Hindi ako bolero ah? Totoo naman eh, ikaw yung ideal girl ko. Tanong mo pa kila hyung" pagtatanggol ko sa sarili ko. Mamaya isipin pa nyang playboy ako dahil sa inasta ko. Pero totoo naman ah? Ideal girl ko sya? Masama ba?

"Oo na, naniniwala na ako, baka umiyak ka pa" Tumatawa tawa nya pang sabi.

Napatitig naman ako sa mukha nya, ang ganda nya. Yung mga ngiti nya, everything about her is beautiful. Goddess nga naman, ang swerte ko siguro kapag naging girlfriend ko sya noh? Pero hindi naman mangyayari yun eh.

Pero syempre i won't give up!

"Yoona, may pag-asa ba ako sayo?" napahinto naman sya sa pagtawa. "Ha? Sehun, ano ba yang sinasabi mo?" Nagtataka nyang tanong.

"Kapag ba niligawan kita, sasagutin mo ako?"

"Yah! Tigilan mo nga yan!" Namumula nyang sabi. Bakit naman sya namumula? Kinikilig kaya sya? May gusto rin kaya sya sa akin? Ay, Sehun! Assuming ka masyado!

"Pano kung sabihin ko sayo na may pag asa ka sakin, liligawan mo ako?" Napanganga naman ako sa sinabi nya

"So may pag asa ako sayo?" Nakangiti kong sabi.

Tumango naman sya! Yeeees! Yehet! Ohorat!!

"Ms. Im Yoona, i like you and can i court you?"

~~~~~~~~~
Yiie! At dahil birthday ng mahal kong si Oh Sehun, nag update ako!
Happy birthday Baby~~

Falling For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon