Xuimin's POV
"Chanyeol, tawagin mo sila Sunny sabihin mo punta sila dito sa cottage natin" Sabi ko kay Chanyeol na nakatunganga lang katabi ko at derp ng derp. "Bakit ako?" Sabi nya saka ulit nag derp. "Eh kasi gusto ko. Saka wala ka namang ginagawa eh. Nakatunganga ka lang eh! Ppali, puntahan mo na yung mga girls" Sabi ko sa kanya.
Tumango naman sya. Nakita ko naman si Tao na sumama sa kanya papalabas. "Umin hyuuung~ Amboreng!" pagmamaktol sakin ni Jongdae saka sya umupo sa tabi ko.
"Ano nanaman ang pinuputok ng butsi mo ha, Chen?" Taas kilay kong sabi sa kanya. Napapout naman sya. "Ganyan ka na sakin ha, Umin hyung?! Porket may Luhan ka na kakalimutan mo na ang pagmamahalan nating dalawa?! Bakit ka ganyan hyung?! Ayheytyu!" Parang baliw pa nyang sigaw sakin.
Narinig ko namang nagtatawanan sila Luhan at Sehun kaya napatingin ako sa kanila. Tinatawanan nila kami ni Jongdae.
"Ano bang trip mo ha Chen?" natatawa kong sabi sa kanya.
"Wala lang hyung. Nabobored lang talaga ako. Pinalayas ako ni Suho hyung sa kwarto nya eh, kumukuha lang daw ako ng pera. Tinutulungan ko lang naman syang linisin yung kwarto nya eh. Kasalanan ko ba na nagkalat yung pera sa kwarto nya?" Pagdadrama pa nya.
Sasagot na sana ako kaso biglang bumukas yung pinto.
"HI GAAAAYS!!" Masayang sigaw ni Hyoyeon kaya agad syang binatukan ni Seohyun.
"Unnie ang ingay mo"
"Aba wala kang galang na bata ka!" Inis na sabi ni Hyoyeon kay Seohyun. Kumapit naman si Seohyun kay Taeyeon na para bang humihingi ng tulong. "Aba Hyoyeon, wag mong inaaway si maknae! Baka gusto mong ikulong kita sa kulungan ng aso pag uwi natin" Pagtatanggol ni Taeng kay Seohyun.
"So anong trip nyo at pinapunta nyo kami dito? Para naman kasing ewan si Chanyeol kung maka hampas ng pinto parang sisirain na eh" Sabi ni Jessica.
"Wala kasi kaming magawa kaya naisipan namin na maglaro kaya pinatawag ko kayo para mas marami tayo" Sabi ko.
Tumango nalang sila. "Anong lalaruin natin?" tanong ni Sooyoung na katabi ni Tao at magka holding hands pa talaga sila. "Hoy ano yan?!" Sigaw ni Kai saka tinuro yung kamay nung dalawa.
"May problema, Kai?" Nakangising sabi ni Tao. "Bakit magkaholding hands kayo?" Takang tanong din ni Sehun na katabi ni Kai.
"Kami na" Nakangiting sabi ni Sooyoung at ni Tao
"Uwaah! Naiinggit ako Bebe Yul!" Pagdadrama ni Kai at saka binack hug si Yuri. Tinanggal naman ni Yuri yung yakap sa kanya ni Kai saka ito binatukan. "Tsansing ka po masyado, mister!" Sabi ni Yuri
"Tsk! Tama na landian! May naiinggit dito oh?" napatawa naman kami sa sinabi ni Taeyeon. "Bakit ka maiinggit nandito naman ako" Banat naman ni Baekhyun. Nuxx! Nagdadalaga na este nagbibinata na si Byun Baekhyun!
"AYIEEE!" pang aasar namin sa kanila at syempre todo blush naman yung BaekYeon.
"Emegehhd! Mah BaekYeon Feels is killing me right now! As in NOW!" Hirit ni Jongdae
"Tama na yan! So ano nga yung lalaruin natin?" Sabi naman ni Tiffany. Nagkatinginan naman kaming mga boys. "Spin the bottle, yung truth or dare" Masayang sabi ni Luhan. Nagform naman kami ng malaking circle. Ang dami namin, buti nalang nagkasya kami dito sa sala nung cottage.
Pinaikot naman na ni Chen yung bote at tumapat iyon kay Tiffany. "Hohoho! Truth or Dare, Fany?" Nakangising sabi ni Chen.
"Uhhh... Truth nalang" - Tiffany
"Kung papipiliin ka between Chen or Luhan, sino pipiliin mo?" Biglang singit ni Suho sa kanila. Napatawa naman ng malakas si Chen. "Syempre ako ang pipiliin ni Noona kasi mas gwapo ako! Sorry ka nalang Luhan!" proud pa nitong sabi.
"Tumahimik ka dyan, Jongdae! Hayaan mo si Tiffany yung pumili" Napatawa nalang kami sa sinabi ni Luhan kasi halatang nabwisit sya dun sa sinabi ni Chen.
"Between Chen or Luhan? Si... L-Luhan siguro. No offense kay Chen ah? Magaan kasi ang loob ko kay Luhan" napangiti naman si Lulu sa sinabi ni Tiffany. "So ibig sabihin ba nun tayo na ulit?" nakangising sabi ni Luhan.
"Ungas! Manligaw ka!" Napasigaw naman si Luhan sa sinabi ni Tiffany. Aba, kelan pa nag kaayos tong dalawang toh? Edi sila na may lovelife -.-
"Wag kayong maglandian dito!" Pagsingit ni Sunny sa kanila saka pinaikot yung bote at tumapat yun.... Sakin -.-
"Truth or Dare, Xuimin?" Tanong ni Hyoyeon sa akin. "Hmm.. Truth!" Nakangiti kong sagot sa kanila.
"Kung ganun, may one-sided love ka ba sa SNSD?" What the hell, Kris?! Kailangan yan yung itanong mo. "Nice one, Kris!" Bati sa kanya ni Jessica saka sila nag apir.
"Hoy, ano na? Sagot!" Sabi naman sakin ni D.O
"One sided love? I know i may sound really corny pero... nung una kong makita si Sunny, na love at first sight na talaga ko sa kanya. Nawalan ako ng pag asa kasi parang wala naman syang nararamdaman para sakin pero kahit anong gawin ko, hindi ko sya makalimutan. Kaya sana Sunny, hindi mo ako baliwalain kasi alam mo na.. mahal kita"
~~~~
Sunny's POV
"One sided love? I know i may sound really corny pero... nung una kong makita si Sunny, na love at first sight na talaga ko sa kanya. Nawalan ako ng pag asa kasi parang wala naman syang nararamdaman para sakin pero kahit anong gawin ko, hindi ko sya makalimutan. Kaya sana Sunny, hindi mo ako baliwalain kasi alam mo na.. mahal kita" Nakayukong sabi ni Xuimin.
Nabigla naman ako sa sinabi nya? Ako? Ako yung gusto nya?
"Oh my God, Sunny.. nagcoconfess na sya sayo" Bulong sakin ni Yoona na katabi ko.
"Oy, Sunny! Sumagot ka naman sa sinabi ni Xuimin hyung sayo" Sabi sakin ni Sehun sakin.
"Oo nga!" Pag agree nila sa sinabi ni Sehun.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Nagconfess sya sa harapan namin, and to think na hindi lang kaming dalawa ang nandito. Alam kong nakakahiya na aminin yung feelings mo sa harap ng maraming tao. Pero para sakin, ginawa pa rin nya.
"Xuimin... i.. I love you too" Nahihiya kong sabi.
Totoo yung sinabi ko ah? Mahal ko sya. Nung una hindi ko rin ineexpect na sa kanya pa ako mafafall. Ito na siguro yung... love at first sight? Ramdam ko sa bawat moments namin yung spark. Sa tuwing magkakasalubong lang yung tingin namin, nung tinawagan nya ako nung gabing nawawala sila Taeyeon at Baekhyun, simpleng moments lang pero ang lakas na ng impact sakin.
"T-Talaga?" Paninigurado pa nya kaya ngumiti ako at tumango.
"Sunny, will you be my baozi?" Natatawa pa nyang tanong dahilan para mapatili yung mga girls. Si Taeyeon at Tiffany kinakanta yung theme song nung My Love from the Star. Si Seohyun nakangiti lang katabi ni Chanyeol. Si Kris at Jessica naman ayun kinikilig din
"Xuimin, yes. I'll be your baozi"
~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Teen Fiction~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?