Seohyun's POV
Hindi ko na sya nagawang sundan ng umalis sya. Ang sakit. Ang tanga tanga ko kasi. Napatakip ako sa bibig ko para naman mapigilan ko ang paghikbi ko. Nanghihina ako, halos hindi ko maramdaman yung paligid ko kasi puro si Chanyeol ang nasa isip ko.
Gusto ko syang sundan, gusto ko syang yakapin at sabihin sa kanya na nagsisisi ako dahil nasaktan ko sya. Kaso kahit gusto kong ayusin ang gusot sa pagitan namin, hindi ko magawa dahil mahina ako. Oo natatakot ako, natatakot ako na baka ako naman ang itulak nya papalayo. Nakakatawa lang dahil in the first place, ako naman ang unang gumawa noon sa kanya. Ako yung nanreject pero ngayon ako na yung natatakot na mareject ng taong mahal ko.
Nakakainis lang na ngayon ko lang natanggap sa sarili ko na mahal ko sya.
Alam kong mali na pagdudahan ko yung nararamdaman nya para sa akin but what can i do? Natatakot akong masaktan. Nakita ko kung paano umiyak noon si Tiffany unnie dahil kay Luhan oppa, nakita ko kung paano unti unti nawasak ang puso ni Jessica unnie dahil kay Heechul oppa. Ayokong maranasan yun.
Noon pa man lagi na akong pinipilit ng mga unnies ko na makipag date to the point na nag aayos sila ng blind date para lang maihanap ako ng boyfriend pero wala ring nangyari. I kept on preventing myself to fall in love. Dahil alam ko na kapag nagmahal ako, masasaktan lang ako at alam ko sa sarili ko na kapag nasaktan ako, hindi ko kakayanin dahil mahina ako.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad pabalik ng cottage. My desicion is final, i'll talk to him. Kakausapin ko sya.
Habang papalapit ako sa room nila nagsimula ng manginig ang mga kamay ko. Gusto kong mag back out. Natatakot ako. Huminto ako at inalala yung mukha nya kanina. Halata naman na nasasaktan sya.
Bago pa man ako kumatok ay nagbukas na ang pinto. "Oh. Seohyun, may kailangan ka ba? Teka bakit ka umiiyak?!" Si Kai pala toh. Pinilit kong ngumiti sa kanya. "N-Nandyan ba si Chanyeol?" Tumango sya at pinapasok ako.
Naabutan ko si Chanyeol na nakaupo sa may couch kasama yung ibang mga boys. Napatingin sila sa akin. "Anong kailangan mo?" malamig na pagbati ni Chanyeol sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa dulo ng blouse ko. Ayoko ng ganyan sya, ayoko ng ganito kami.
Nanatili akong nakayuko. "Ahh, sa tingin ko kailangan nila ng privacy" narinig ko pang sabi ni Baekhyun bago bila kami iwan ni Chanyeol. Tumingin ako sa kanya at saktong nakatitig din sya sa akin. Coldness. Yan ang nakikita ko sa mga mata nya.
"Ano ba kasing kailangan mo? May kulang pa ba sa sinabi mo sa akin kanina? Sabihin mo lang para matapos na"
Napakagat ako sa labi ko.
"Im... im sorry. Sorry kung naging makitid ang utak ko, sorry kung nasaktan kita, sorry kung pinagdudahan ko ang nararamdaman mo para sa akin. Chanyeol, patawarin mo sana ako. Ayoko ng ganito tayo. Ayokong makita kang malungkot kasi kailangan ko yung masayahing Ikaw"
Patuloy lang ako sa pag iyak habang humihingi ako ng sorry sa kanya. Ni hindi nga ako makatingin man lang sa kanya kasi baka mag break down na ako kapag nakita ko sya.
"Ang tanga tanga ko para sabihin lahat ng yun sayo. Chanyeol, mahal kita. Mahal kita kaya sana mapatawad mo ako kasi hindi ko kaya kung mawawala ka sa akin ng ganito"
"Sabihin mo ulit"
Napatingin naman ako sa kanya. "H-Ha?"
"Kapag sinabi ko sayong mahal na mahal parin kita, anong isasagot mo?"
"M-Mahal rin kita"
Laking gulat ko nalang ng bigla nya akong yakapin. "Apology accepted. Yun nga lang, pwede na bang maging tayo?"
~~~~~~~~~
Jessica's POV"Anyare dun?" nagtatakang tanong ni Hyoyeon ng biglang umalis si Tiffany. Tumingin kami sa may kwarto ni Luhan, hindi parin naman sya bumababa. Baka naman nag-away sila ni Tiffany.
"Tara kumain nalang tayo, mukhang ayaw bumaba si Luhan" pambabasag ni Kyungsoo sa katahimikan. "Eh paano si Tiffany noona?" Tanong ni Lay. Hindi kami kumpleto ngayon. Wala si Chanyeol at Seohyun samantalang sila Baekhyun, Xuimin, Kai at Tao nasa ibang cottage.
"Kumain na kayo, pupuntahan ko lang si Tiffany" Pumayag nalang kami sa sinabi ni Taeyeon. "Sasama nalang ako sayo, Taeyeon" sabi ko sa kanya at sabay kaming lumabas.
"Sa tingin mo saan sya pumunta?" pagtatanong sa akin ni Taeyeon. Napashrug nalang ako. "Im not really sure pero itry nating pumunta muna sa cottage nila Chanyeol, baka dun dumiretso si Fany tutal nandun si Seohyun"
*Knock Knock*
"Oh! Unnie?" bungad sa amin ni Seohyun at Chanyeol. Nakaakbay si Chanyeol sa kanya. Naging seryoso naman ang mukha namin ni Taengoo. "What the hell is the meaning of this, Seohyun?" nakataas kilay na tanong ko sa kanila.
Mukha namang kinabahan yung dalawa. "Speak up!"
"Unnie, please wag po kayong magalit, please!" maluha luhang sabi ni Seohyun.
Bumitaw sa kanya si Chanyeol at ngumiti sa amin. "Noona, kami na pong dalawa ni Seohyun. Please, wag nyo po syang pagalitan" napangiti naman kaming dalawa ni Taeng. "It's ok, were not mad. Alagaan mo yang si Seohyun ah?"
Tumango naman si Chanyeol. "Anyways, is Tiffany here?" pagtatanong ni Leader.
Unfortunately, wala daw si Tiffany dun kaya naman umalis nalang din kami. Sasama dapat sana si Seohyun samin pero i told her to spend time with Chanyeol since sila naman na. "Tignan kaya natin sa mismong cottage nating mga girls, baka dun dumiretsyo yun"
Agad naman kaming nakarating sa may cottage.
Nakabukas yung ilaw so sure na may tao na dun. Kumatok kami at bumukas yung pinto and we are right. Nandito nga si Tiffany. Her eyes are swollen na para bang kakagaling lang nya sa pag iyak.
"Are you alright?" Nag aalalang tanong sa kanya ni Taengoo. Tumango lang si Tiffany.
"Obvious naman na hindi sya ok diba?" nanigas ako ng marinig ko ang boses na yun. Napalingon ako sa may likuran ni Tiffany at nakita ko sya dun.
Ang lalaking nang iwan sa akin noon.
"Heechul?"
Ngumiti ito sa akin.
"It's nice to see you again, Jess"
No.
Hindi pwede toh.
Bakit ngayon pa sya bumalik?! Bakit ngayon pa na ayos na ako?! Bakit ngayon pa na nakalimutan ko na sya?
~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Teen Fiction~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?