Third Person's POV
"Sooyoung, ano ba?! Wag mo ngang ubusin yung pagkain!" sigaw ni Taeyeon kay Sooyoung na busy sa pagkain. "Jusko naman! Hindi pa nga tayo nagcocountdown sa new year, ubos na yung pagkain natin dahil sayo!" sigaw ulit nya.
"Eh kasi naman. Taeyeon, gutom na gutom na ako!" nagpapaawang sabi nito kay Taeyeon. "Sooyoung, tumigil ka nga! Tao! Yung asawa mo, inuubos yung mga pagkain!" pagtawag ni Jessica kay Tao.
Yes, mag asawa na si Tao at Sooyoung. Ikinasal sila before Christmas. Diba, ang taray!
"Oo na! Titigil na po ako sa pagkain!" nakangusong sabi nito at lumabas na ng kusina. "Grabe. Napakatakaw talaga ng babaeng yun. Hindi kaya, buntis na si Sooyoung?" sabi ni Hyoyeon.
"Nako, Hyo. Parang hindi mo kilala si Soo. Dati pa kaya matakaw yun" natatawang sabi ni Yoona.
"Nga pala, Yuri. Ilan months na yung baby nyo ni Kai?" tanong ni Taeyeon na syang ikinagulat ng mga girls. "Oh my God. You're pregnant?! Bakit hindi namin alam yan?" gulat na sabi ni Tiffany.
"Nakakatampo ka ah" nakangusong sabi ni Sunny.
"Girls, chill. 2 weeks palang naman yung baby namin ni Kai" sagot ni Yuri. "Eh ikaw, Seohyun? Wala parin kayong balak ni Chanyeol na magkababy?" biglang pagsulpot ni Sooyoung.
"Nakakagulat ka naman! Bigla bigla kang sumusulpot" side comment ni Hyoyeon.
"Hmm.. hindi muna siguro. Well, we want to start a family but then, we think that this it not the right time for that. Hindi naman kami nagmamadali. We love each other, that's more than enough. Malay mo naman, bigyan nadin kami ni Lord ng baby, hintay nalang muna" sagot ni Seohyun.
"Oh! 5 minutes nalang before new year!" biglang sabi ni Sunny.
Sabay sabay na pumunta ang mga girls sa living room kung saan nandoon ang mga asawa nila. "Hoy! 5 minutes nalang po at 2016 na! Tigilan nyo na nga yang paglalaro nyo!" sigaw ni Jessica sa kanila.
Pumunta sila sa may terrace at hinintay na mag midnight.
"3 minutes pa"
"Napakatagal naman!" sabi ni Chen. Inirapan naman sya ng iba. Masyadong mainipin. "Nagmamadali ka ba? Maghintay ka lang dyan!" sabi sa kanya ni Kai.
"Gagalit? Inaano ba kita? Saka, hindi naman ikaw yung kinakausap ko ah?" sagot ni Chen kay Kai. Tinaasan naman sya ng kilay ni Kai. "Eh anong tawag sa ginagawa mo ngayon? Hindi ba't kinakausap mo ako?" pamimilosopo nito kay Chen.
"Pilosopo"
"At least gwapo"
"Ang hangin mo, Kai! Mas gwapo ako sayo!"
"Manahimik nga kayo! Hiyang hiya naman yung kagwapuhan ko sa inyo!" biglang sigaw ni Sehun kaya binatukan sya ni Kai at Chen. "Ikaw ang tumahimik!" sabi ni Kai sa kanya.
"Nang aano ka eh" nakairap na sabi ni Chen sa kanya.
"Tigilan nyo na nga yan! Para kayong mga bata!" saway ni Suho sa kanila. "Palibhasa kasi gurang ka na" pang aasar ni Baekhyun sa kanya kaya agad syang binatukan ni Suho.
"Masakit yun ah!"
Inirapan lang sya ni Suho. "Guys, tama na nga yan" inawat na sila Taeyeon.
"Mag countdown na tayo!" biglang sigaw ni Lay.
"10.. 9.... 8 ... 7 .. 6.. 5....4 ...3 ...2 ...1"
"Happy New Year!"
"Kainan na! sabay sabay na sabi ni Yoona, Xuimin at Sooyoung. Katakawan nga naman. Agad silang pumuna sa may dining area at umupo na.
"Guys, prayer muna" paalala sa kanila ni Kris. Si Luhan ang naglead ng prayer.
"Nga pala, guys. May sasabihin sana kami ni Sehun" napatingin naman silang lahat kay Yoona. "Anong meron?" curious na tanong ni Kyungsoo.
"Im pregnant" nakangiting sabi ni Yoona.
Sandali silang natahimik except nalang kay Tao na tumili.
"Congrats!" sabay sabay na bati nila kay Yoona at Sehun. "Buntis si Yoona, buntis din si Yuri. Aba, kambal talaga kayong dalawa noh?" sabi ni Chanyeol.
"Nako, Chanyeol. Naiingit ka lang kasi wala pa kayong baby ni Seohyun" pang aasar ni Kris kay Chanyeol. "Wow. Makapang asar ka ah? Wala padin kayong baby ni Jessica. Tumigil ka!" sagot ni Chanyeol.
"Hayo nako. Bagong taon na, isip bata parin kayo" sabi ni Suho.
"Bagong taon na, tatanda ka nanaman"
"Loko ka talaga, Chen!"
"Nako, tigil nyo na yan. Kapag kayo nagkapikunan pa. Happy new year guys!"
"Happy New Year!"
~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Falling For You (Completed)
Teen Fiction~De ja vu? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Yung feeling na hindi mo na talaga namamalayan na nahuhulog ka na pala talaga sa kanya?