CHAPTER 2

337 24 8
                                        

-ATHENA-

Matapos ang laban, ako ang itinanghal na panalo. Tumatagingting na Php 500,000 ang natanggap ko na naka cheque.

"Sabi ko na siya na naman ang mananalo eh, iba talaga pag sexy driver." Narinig ko na sabi ng ilang lalaking kalahok.

"Tyamba nya lang yan girls, next time we will have the championship," ani Barbie na may pairap-irap pa.

Sa hindi kalayuan ay naaninag ko si Troy na papalapit sa akin. Dali-dali niya akong hinigit sa braso at hinila papalayo sa mga tao, dinala niya ako sa likod ng mini bar.

"Are you out of your mind? Bitiwan mo nga ako!" Siyang sigaw ko habang hawak-hawak ni Troy ang braso ko.

"Ako dapat ang magsabi sayo niyan Athena, are you out of your mind?" Mahinahon niyang tanong saka niya binitawan ang braso ko. Tinitigan niya ako sa mga mata ko.

Hindi mo ako madadala sa tantalizing eyes mo Troy, si Stella oo, matagal nang may gusto sayo iyon eh pero ako? Posible kitang itrato na parang kapatid pero di kita magugustuhan.

"Nangako ako pero hindi ko sinabi na tutuparin ko. Promises are meant to be broken, Troy." pagmamatigas ko saka ko sinabayan ng walk out.

"Athena come back here! Athena Valeen Aragon!" narinig kong sigaw niya nang makalayo ako.

Bahala kang magsisigaw diyan, basta ako gagawin ko kung ano ang makakapagpasaya sa akin. At 'yon ay ang paghihiganti.

"Hey girlfriend!" bati sa akin ni Stella, nakaupo siya sa may bleacher.

"Hey!" walang ganang bati ko saka ako tumabi sa kanya.

"Here," inabutan niya ako ng cup ng starbucks na may lamang kape. "Capuccino," anito saka ngumiti.

"Thank you, utang muna ha." Agad ko namang kinuha ito at humigop sa pamagitan ng straw.

"Walang utang-utang, bigay ko yan... You look tired, kailangan muna magpahinga. Umuwi ka na, tapos bukas sasamahan kita sa pagdalaw kay Uncle." wika ni Stella.

"No… I'm fine. Ayoko pang umuwi," saad ko, saka ako muling uminom ng kape.

"Gusto sana kita samahan dito eh ang kaso ay pinapauwi na ako ni Kuya Ricky. But I can stay naman if need mo pa ako, magdadahilan lang ako kay Kuya." ani Stella na tinutulan ko. Nakakahiya na kasi eh, hiniram ko na nga si Kenji eh tapos iintayin niya pa ako dito.

"No, ayos na ako. Sige na umuwi ka na, baka magalit pa si Ricky sa iyo." pagtutol ko sa sinabi niya.

"Sure ka? Paano ka uuwi? Malaking pera yung hawak mo baka mahold-up ka or what. Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyari sa iyo." pagdadrama pa niya saka niya ako yinakap.

"Ikaw talaga ang OA mo, kaya kong protektahan ang sarili ko Maria Stella,"

Sinimangutan niya ako nang marinig niya na tinawag ko sya sa buo niyang pangalan. Nagpeace sign lang ako sa kanya.

"Sabi ko naman sayo na wag mo kong tatawagin sa real name ko, tinawag ba kitang Ath----"

Kaagad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"Apaka ingay mo naman," siyang bulong ko sa tenga niya, bago ko tanggalin ang kamay ko sa bibig niya.

"Sorry na," anito sabay tawa nang malakas. "Nakalimutan ko na ikaw nga pala si Ava Titania sa get up mo na 'yan."

"Sige na umuwi ka na Iste, magte-ten na oh," nginitian ko siya.

"Sure ka ah?" paninigurado niya.

Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon