CHAPTER 49

190 12 0
                                        


SKY

Matapos ang lahat nang nangyari, hindi ko alam kung may mukha pa ako na maihaharap sa mga tao, lalong lalo na sa pamilya ni Athena. Wala akong ibang choice kungdi ang iwasan na lang siya, tutal mukha naman na siyang masaya lalo na't kapag kasama ni Enrique.

Kanina lang dito sa loob library ay namataan ko si Enrique na pumasok, maya-maya ay si Athena naman. Gustong-gusto ko siya na lapitan sa totoo lang, gustong-gusto ko siya na yakapin pero mas pinili kong hindi gawin. Sabik na sabik na ako na mayakap at mahalikan siya pero wala akong magawa dahil hawak na siya ng iba. Hawak na siya ng sarili kong pinsan na simasabing nakabuntis sa kanya. 

Sinundan ko ng tingin si Athena sa pag-aakalang mapapansin niya pero bigo ako at nagdirediretso siya papunta sa kinaroroonan ni Enrique. Napasinghap na lang ako ng matanggap ko ang reyalidad na hindi na niya ako  mapapansin dahil una sa lahat, ako mismo ang unang umiwas. Pinagmasdan ko silang dalawa, kapag sila may ngiti sa mga labi. Para bang ang saya nila na magkasama, itsapwera na nga lang ba ako sa buhay niya? Nakalimutan na ba ako ni Athena?

"Sebastian, baka naman matunaw 'yan." Mahinang pangangantyaw ni Kenneth.

"Siraulo," mahinang usal ko, napakagat ako sa labi nang ma-realize ko na nakatingin ako sa babaeng pinapangarap ko. Pilit kong itinatago ang magkahalong sakit at kilig na nararamdaman ko.

"Sa pagkakaalam ko, nandito tayo para magreview dahil may exams tayo sa subject ni Sir Corpuz. Ang kaso lang 'yung isa nating kasama, mukhang iba yata ang gustong reviewhin." mahinang pagpaparinig ng isa ko pang kaklase na si Victor. 

"Atty. Sebastian Klark Yu, baka lang naman pwede ka pong mag-concentrate. Ikaw po ang pag-asa namin ni Kenneth, alam mo naman na bobong bobo kami." 

"Tapos na akong mag-review, kabisado ko na naman na 'yan." Siyang pahayag ko na ikinagulat nilang dalawa. 

"O e teka, ni wala pa nga tayo sa kalahati ng reviewer e." Siya namang  pagtutol ni Kenneth. 

Saglit kong tinignan ang reviewer, "Okay na 'yan. Hindi naman lahat 'yan lalabas sa exam e." Wika ko saka muling bumalik sa pagtitig kay Athena, kasalukuyang naka-akbay si Enrique sa kanya habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Enrique. "Dati rati, sa akin niya ginagawa 'yan. Ngayon, sa pinsan ko na…." mapait akong ngumiti. 

"Hindi ka pa naman sumusuko sa pagmamahal mo sa kanya diba?" Siyang tanong ni Kenneth, tango lang ang naisagot ko. "Go for it, gawin mo kung ano ang alam mong tama. Prove yourself, Sky."

"E paano kung wala talagang pag-asa? E paano kung tuluyan nang nahulog si Athena kay Mr. Poker face?" Siya namang pagkontra ni Victor.

"Imposible 'yan pakiramdam ko nga kaya lang naman siya sumasama kay Enrique kasi si Enrique mismo ang nag-uutos sa kanya. Kasi nga naniniwala itong si Athena na si Enrique ang ama ng anak niya, sa madaling salita…." Saglit itong huminto, "isinasaalang-alang ni Athena ang kaligayahan nya alang-alang sa ipinagbubuntis niya. Wala pa namang DNA test e, hanggat wala pang test na nangyayari. H'waga munang mawalanng pag-asa, tigilan mo na ang pag-iwas sa kanya. Ikaw lang din ang nasasaktan,"

"Oo nga, kita mo kanina pinagtitripan na naman siya ni Zoe pero hindi mo man lang pinigilan kahit kating-kati ka na." Tila panenermon naman ng isa pa naming kasama na si Edgar.

Nag-aalangan kasi ako  kanina kaya mas pinili ko na itext na lang si Courtney para matulungan si Athena kaysa ako mismo ang tumulong sa kanya. That was my mistake and I admit it, ang hirap lang talaga na lumagay sa posisyon ko. Nakaramdam din naman ako ng pag-aalala pero mas nangibabaw ang takot ko na baka hindi niya ako kausapin o di kaya naman, iwasan niya ako. Kaya hinayaan ko na lang na sina Viv at Court ang umawat kay Zoe. 

Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon