CHAPTER 41

88 11 0
                                    


SKY

Inabutan na kami ng gabi sa daan kaya ang sabi ni Ate sa bahay niya na lang daw ako magpalipas ng gabi. Hirap akong makatulog dahil sa dami ng gumugulo sa isipan ko, naiidlip ako saglit pero kaagad din akong nagigising. Puno ang isipan ko na para bang bumabalik balik ang mga ala-ala ng mga nakalipas na araw. Kung siguro hindi nangyari 'yon kay Zoe baka hanggang ngayon magkasama kami ni Athena, baka hanggang ngayon masaya kaming naka-uwi. Magkayakap, magkasama, at magkatabing natutulog sa malambot na kami.

"I missed you Athena…" bulong ko sa sarili. "Kung hindi lang sana ako naging gago, baka magkasama pa tayo hanggang ngayon. Baka ako ang kasama mo at hindi si Enrique." 

Alas 3:00 na ng madaling araw at hindi pa rin makatulog ang gising na gising na diwa ko. Bumangon ako mula sa higaan at naglakad papalabas ng kwarto.  Habang papunta ako sa kusina ay aksidenteng narinig ko ang usapan ng Ate Star ko at ang brother-in-law ko na si Kuya Bryan. Seryoso ang usapan nila at para bang nagdidiskusyon sila tungkol sa akin.

"Kailangan mo ba talagang sabihin kay Sky? Bakit hindi mo na lang kausapin ang Mama mo? Hayaan mong sila ang umayos ng gusot nila." 

"Pagod na ako Bryan, hindi naman sila nakikinig. Kahit si Storm pinapakiusapan na din sila pero wala pa ding nangyayari. Baka si Sky na lang ang makapagpatigil sa kanila. Mahal nila 'yon e, si Sky na lang ang pag-asa namin ni Storm." 

Hindi ko alam kung bakit binabanggit nila ang pangalan ko, hindi ko din naman maintindihan ang pinag-uusapan nila.

Muli na namang napuno ng mga katanungan ang isipan ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa kabi-kabilang nangyayari, nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako nagpasya na tumungo sa hagdan pababa. 

Pagkababa ko ay agad akong nagtung sa pantry at naghanap ng alak. Naaalala ko na sinabi noon sa akin ni Troy na kapag di siya nakakatulog, umiinom lang siya ng beer.

Nang makakuha ako ng isang boteng whiskey ay agad kong itong binuksan at tinungga.  Umupo ako sa island counter at nagsimulang ubusin ang dalawang boteng whiskey na nakuha ko mula sa pantry. 

"Sebastian Klark kailan ka pa natutong uminom ha?" agad na inagaw ni Ate ang bote ng whiskey na hawak-hawak ko. "Hindi ka pwedeng umuwi sa bahay ng lasing. My God! You can't face our parents like that."

"I can't sleep, I bet I will fall asleep when I drink alcohol." sagot ko.

"Go up to your room! Matulog ka na, tama na 'yang nasayaran ka ng alak. Maaga tayong aalis, alas 3 na ng madaling araw o." utos niya.

Wala akong nagawa kungdi sundin na lang si Ate. Tumayo ako mula sa kina-uupuan ko at naglakad na papalabas ng kitchen.  Agad naman  din akong dumiretso sa pansamantalang kwartong tinutuluyan ako at pinilit ang sarili na matulog sa kabila ng pagkabalisa at pag-aalinlangan ko. 

Maya-maya pa ay isang malakas na tunog ang narinig ko, kasabay nun ay ang pagtapat ng liwanag sa mga mata kong pikit pa. 

Gising ang diwa ko ngunit hindi ko pa din iminumulat ang mga mata ko.

It's amazing how you can speak right to my heart…

Magandang mukha ng isang  babae ang agad kong nakita sa haraya ko. 

Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon