AMARA
Nagtataka ako kung bakit maghapong walang paramdam sina Athena at Enrique, inaamin ko may kaba ako na nararamdaman.
Feeling ko kasi, Enrique still likes Athena…
Ayoko lang magreact or magsalita kasi they will named me as 'OA'.
Apat na taon na akong nag-iintay kay Enrique, grade 9 pa lang kami malakas na talaga ang tama ko kay Enrique.
"Oy Amara, magkwento ka naman. Ikaw ang nag-aya aya na wag pumasok para makipag-bond kay Vi pero tatahi-tahimik ka dyan. Ano na? Asan na ang daldalerang Amara na kilala namin," wika ni Courtney na may kasama pang hampas.
"Wala, pagod lang siguro ako…" pagsisinungaling ko. Ang totoo wala lang talaga akong gana.
"Aba! Bago ata 'yan, usually kasi, sobrang energetic mong babae ka, diba Vivi?" sabi pa niya na nanghihingi ng simpatya kay Vivian na busyng nilalantakan ang french fries.
"Oo nga, magkwento ka na kashi. Ano bang ang nangyawi?" tanong ni Vivian habang ngumunguya. "Hindi kami naniniwala kung shashabihin mo na 'wala lang' yan or what. Just spill it," dagdag pa nito saka uminom ng softdrink.
Wala akong maitatago na sikreto kina Trina Courtney Mari at Vivian Hilary, matagal ko nang mga kaibigan ang mga babaeng ito, that's why they are so sure na 100% na hindi ako okay.
"Iispill mo o ihahampas ko sayo yung pole na pinagkakabitan ng suero na nakatusok kay Vivian?" tanong pa ni Courtney na may pagbabanta.
"Pakabayolente mo talaga," reklamo ko.
"Sabihin mo na kasi Angelica Mariam Estrada,"
Nagpanting ang mga tenga ko nang marinig ko na binaggit ni Vivian ang tunay na pangalan ko.
Angelica Mariam… Eew… just… Eew.
"O mag-iinarte pa," saad ni Vivian nang irapan ko siya.
"Eto na nga! Sasabihin ko na," panimula ko.
"So ano na nga?" tanong pa ni Courtney…
"S-Si Enrique saka si Athena… kasi diba… kahapon pa sila wala… and hanggang ngayon… wala pa rin silang paramdam." wika ko.
"Nagda-doubt ka sa kanila?" tanong ni Courtney.
"Si Enrique, kabuti 'yan. Bigla-biglang lumilitaw, bigla-bigla din namang nawawala. Parang hindi mo naman 'yun kilala." saad naman ni Vivian.
"And what about Athena? Hindi pa natin siya lubos na kakilala." sagot ko pa.
"Hoy! Don't judge a book by its cover!" sigaw pa ni Vivian sa palengkerang tono. "Mabait si Athena ghorl, halata naman 'yon."
"So… ang sinasabi mo ba? Possible na magkasama sila? Ganoon ba?"
Wala sa sariling tumango ako sa tanong ni Courtney.
"Knowing Athena for a short period of time, mapapansin mo na wala siyang pakielam sa boys, Ame." ani Vivian, "Mapapansin mo naman 'yun sa kilos at galaw niya. Si Sky nga iniiwasan niya eh. Kay Troy lang siya malapit pero minsan feel ko na di siya clingy talaga."
"Malay mo naman, one of the boys siya, ganon." saad ni Courtney
"True, h'wag muna nating husgahan si Athena. Kaibigan natin yung tao, chill ka lang. Ikalma mo pussy mo," pagpapakalma pa ni Vivian.
"Kasi naman, iba yung pakiramdam ko. Para bang, may gusto pa rin si Enrique sa kanya." muling paglalahad ko.
"Tae naman 'yan girl, parang naulit yung dati ah. Ano 'yan history repeat itself? Napagkamalan mo rin kaya na may gusto sa akin si Enrique." sa tono ni Vivian, parang hindi siya natuwa.
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
