ATHENA
Kanina ko pa napapansin na para bang may mga mata na kanina pa nakatingin sa akin. Mga mata na maiilap kaya hindi ko malaman kung nasaan at kung sino ang may-ari. Iniligaw ko siya sa pamamagitan ng pagpasok ko ng girls restroom, nanatili ako roon ng matagal na oras. Kinailangan ko na rin na magpalit ng damit para wala nang makakilala pa sa akin.
Tinawagan ko si Stella mula sa cellular phone ko at ikinonekta ko ito sa bluetooth earphone. Nasabi ko na sa kanya na hihiramin ko si Silver pero…
"Stella, nasaan ka na?" tanong ko nang sagutin niya ang telepono.
"Naku pasensya na Yna, kinailangan kong palitan ng gulong si Kenji. Tapos yung isa ko pang kotse na si Harris ginamit ni Kuya Sandrey, manganganak kasi si Ate Bettina, pasensya na talaga…" mahabang paliwanag ni Stella
"No it's okay, gagawan ko na lang ng paraan."
"Pasensya na talaga, biglaan kasi."
"Okay nga lang, ako nga tong nahihingi lang ng pabor eh." ani ko habang lumalabas mula sa rest room.
"Si Silver ba, bakit hindi mo muna hiramin? Nakatengga lang naman siya sa HQ eh.…"
"Gagawan ko na lang siguro ng paraan, pasensya na rin. Atsaka kung si Silver ang gagamitin ko, hindi naman ako papayagan ni Tr---…"
Tila tumigil ang mundo ko nang nahagip nang mga mata ko ang isang lalaki na naka suot ng uniporme ng St. Magdalene.
His round and black eyes…
His pointed nose…
"Enrique…" mahina kong sabi.
Dahan-dahan siyang lumakad papalapit sa akin.
Natuklasan na niya ang sikretong tatlong taon ko nang tinatago…
"Athena? Andyan ka ba pa? Athena? sumagot ka,"
"I'll call you later Iste," wika ko saka ko pinatay ang tawag.
"So, you are Ava Titania…." sabi ni Enrique nang makalapit siya sa akin.
Hindi ako makapagsalita, ismo napipe ako mang makaharap ko siya. Tinitigan niya lamang ako with his usual poker face.
Silence…
Silence…
Silence…
"Great actress ha?" He said breaking the silence between us.
"E-Enri…"
He cut me off, and then he smile.
"Your secret is safe,"
"P-pero…"
"Pupuntahan mo si Ivan as Ava Titania right?" he asked.
I couldn't speak, I'm just staring on his face. I am dumbfounded…
"Stop staring, you're making me melt, Athena. Oh! My bad… should I call you Ava Titania?" he chuckled.
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
