NOEL
Wala akong kalokohan, might be kapansin-pansin ang pag-iwas ko kina Troy and even sa pinakamamahal ko na si Vivian, it's just that I need to figure out something own my own. I don't really wanna meddle with Troy's business but I'm still his only true friend that's why I'm doing this even without his consent. He's busy worrying about Athena at ayoko nang makadagdag pa ang El Timur sa iniisip niya.
Isa sa mga miyembro ng El Timur Mafia Organization ang tumawag sa akin the same day na nangyari ang aksidente ni Zoe. Hindi na lang ako masyadong magsasalita ay umaktong may pakielam sa nangyari despite the fact na malayo ang isip ko. Sinamantala kasi ni Tito Alejandro, ang Papa ni Troy pati na ng Ninong Dennis na ibenta ang El Timur kay Edison Yu na Papa naman ni Sky. Welp, matagal na naman na ding issue yun sa loob ng El Timur pero hindi ko akalain na mangyayari pala 'yon ngayon.
Minabuti ko na muna na iwasan sina Troy para naman makapag-isip ako ng ayos at makatulong sa kanila kahit papaano. I even used Sheyl para isipin nila na gumagawa ako ng kalokohan well in fact, hindi. Mahalaga ang El Timur para kay Troy at sa kay Don Salvador.
"Nasaan si Asianna?" bungad ko kaagad ko sa playhouse.
Sa palyhouse kung saan pansamantalang tumutuloy ang mga dating member ng El Timur na piniling maging loyal kay Troy.
"Hindi mo pa nababalitaan? She's dead, pangalawang gabi ng lamay niya mamaya." sagot ni Carrie bago hithitin ang sigarilyo sa bibig at bumuga ng usok.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Paano na 'yan? Wala tayong magaling na hitman."
"Nandiyan naman si Mattias matagal na 'yan nag-aasam na maging hitman." suhestiyon ni Bernie.
"E bakit kasi hindi mo pa ipaalam kay Troy?" ani Terra. "Im sure madami siyang magagawa."
"No, hindi pupwedeng malaman niya. He already have a lot on his plates na, wag na tayong dumagdag. So Mattias, tell me about everything that you know." umupo ako sa dining chair, habang sinisindihan ang sigarilyo ko.
"From what I heard, sabi ng Papa ni Sky. Bobo daw si Troy," ani
Mattias.
Agad ko siyang sinamaan ng tingin. At mabilis na itinutuk sa kanya ang 9mmm na baretta parabellum na inilapag ni Terra aa lamesa. "Gusto mo iputok ko 'to sayo?"
"Bro wala nang ganyanan," nanginginig niyang sabi habang itinataas ang dalawang kamay sa ere. "Ayon ang unang nadinig ko noong pumasok sila sa HQ. Masisisi ninyo ba ako?"
"Ituloy mo na Mattias, huwag ka na magpatumpik-tumpik." utos ni Leigh sa pinsan.
"Eto na nga e pero walang tutukan ng baril, ibaba mo na 'yan Noel." nanginginig pa rin na sabi ni Mattias.
"Really? Si Mattias ang ipapalit ninyo kay Asianna? That's a lame idea Bernie," ani Carrie matapos sumimsim ng wine sa kopita. "If I were you Mattias, magtitiis na lang ako sa pagiging messenger ni Troy."
"Shush! Silence! Back to the topic," pagpapatahimik ni Rose sa mga kasama namin. "Sige na Matty, just don't mind them."
"So eto na nga, magkukwento na nga ako. Pero ibaba mo muna yung baril, pamilya tayo dito." nangingnig pa din ang kup*l.
Ibinaba ko na ang baril na pinantututok ko sa kanya, lumunok siya bago nagsimulang magkwento.
"So ganito 'yun, naiwan kasi kami nila Ric noong time na dumating ang mga Yu kasama yung tatay ni Troy. Tapos ayon, narinig namin na nagkakaroon ng negotiation sa pagitan nila. Kung naaalala mo yung pagsugod sa bahay nila Athena? Tapos diba pinagkukuha yung mga dokumento, pati volt ng mga Aragon. Ginamit lang pala na bait si Troy kasi may ibang plano si Tito Alejandro. Nakipag-sabwatan siya together with the Yu," salaysay nya. "Ang kaso, ang problema nila kahit na nasa kanila na ang mga papeles ay kailangan nila ng pirma ni Lorenzo Aragon, bago tuluyang maging kanila ang Aragon Group of Company, at iba pang mga pag-aari nila."
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
