CHAPTER 11

103 17 0
                                    

ATHENA


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung susunod ba ako kay Courtney na walang paalam na lumabas pagtapos magtaray or manatili dito kasama ng matapobreng nanay ni Zoe at ang dean.


Nahagip ng peripheral vision ko ang pagtayo nina Vivian at Amara, unti-unting lumapit sa akin si Vivian at hinawakan ang braso ko.


"Tara na," bulong niya.


Parang nawala ako sa sarili nang makita ko ang ibang side ni Courtney. Ma-otoridad ang boses niya at walang takot na sinabihan ang dean ng mga ganoong salita. Hindi ko na nga namalayan na nakalabas na pala kami sa office eh.


"Ghorl sana all may Uncle na judge," wika ni Vivian.


"Tanga, walang judge sa pamilya namin. Inimbento ko lang 'yon," natatawang sabi ni Courtney. "It's just my instinct,"


"Walangya ka, akala ko ba naman totoo." ani Amara, pati kami ay natawa rin dahil sa sinabi niya.


"Also, patay na ang Lolo Silverio ko, saka doktor 'yun hindi judge." paliwanag pa ni Courtney.


"Infairness sa'yo Trina Courtney Mari Dizon, bukod sa napaniwala mo kami. Nasindak mo pa ang matapobreng nanay ni Zoe."


"Wala lang talaga akong ibang maisip na sabihin or gawin man lang, sinampal niya si Athena eh," ani Courtney. "Ayos ka lang ba Athena?" nag-aalalang tanong niya.


Marahan kong hinaplos ang pisngi ko, hindi na ito mahapdi na gaya kanina, "Yung suntok at sapak nga ni Barbie at Zoe kahapon natiis ko eh, eto pa kayang sampal. Makapal ang layer ng skin, walang wala 'yan. Mas nasaktan ako noong tinawag niyang 'bitch' ang mama ko."


"H'wag kang mag-alala gagantihan natin 'yang si Zoe. Tatawagin din natin ang nanay niya sa panget na nametag," lakas-loob na sabi ni Vivian.


"Anong gustoong itawag sa nanay niya? Taong wrinkle?" hirit na biro ni Amara.


"Alam mo sa sobrang talino mo Ame, nawalan ka na ng utak," saad ni Vivian na ikinatawa naming lahat. "Pano ba 'yan girls? Mauuna na ako, may tatlong class pa kasi ako na aatendan. Kitakits na lang mamayang lunch," paalam nito, humalik siya sa pisngi naming tatlo bago umalis.


"Bye Vi!!" sabay-sabay naming sabi,


"Tinatamad na ako na umattend sa class, parang gusto kong puntahan na lang si Enrique at bantayan siya all day." wika ni Amara.


Bilib rin ako sa kanya, nabasted na siya ni Enrique kahapon tapos ngayon eto na naman siya mahal niya pa din.

Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon