ASIANNA
Abala ako na nagsasaulo ng mga aralin ko para sa darating na final exams namin nang bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Troy. Isinara ko muna ang libro na binabasa ko saka ko inabot ang tumutunog kong cellphone na nakapatong sa kama.
"Hello?" aniko nang masagot at mailapat ko sa tainga ko ang cellphone.
"Sasha..." mahinang sabi niya.
"Itian, bakit ka napatawag?"
"Nasa bahay ka ba? Nandyan ba si Tita Clara."
"O-Oo, wala dito si Mama. Dumalawa kina Tita Aileen. Bakit ano bang meron?"
"May problema tayo, ayoko sanang malaman ninyo pero kinakailangan." ani Troy sa mahinang tinig.
"And what's that?" usisa ko.
"It's about Athena..."
"Spill, let's get straight to the point."
May ilang segundo bago muling nakapagsalita si Troy. Ikinabigla ko ang inihayag ni Troy mula sa kabilang linya,na-involve si Athena sa isang insidente na kung saan siya ang tinuro na primary suspect which is hindi nan dapat. What's worse here bukod sa critical ang lagay ng ex ni Sky na si Zoe ay, itinuro siya mismo ng so-called friend niya na si Amara bilang salarin.
"The hell! Kayang gawin ni Amara 'yon?" hindi makapaniwalang sabi ko nang matapos ang tawag.
Kailangan malaman 'to nila Tito Enzo at Tita Aileen, kaya naman dali-dali akong nagbihis ang sinukbit ang sling bag ko at bumababa sa ground floor ng apartment namin.
"O Sasha saan ka pupunta? Bakit parang madaling-?madali ka?" syang bungad sa akin ni Mama nang makasalubong ko sya sa tarangkahan ng bahay namin.
"Ma, mahabang kwento po pero kailangan na po ito malaman nila tito Enzo." aniko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ma nasa panganib po si Athena ngayon,"
"Anong sinasabi mong nasa panganib? Teka nga, " ani Mama saka sinalat salat ang leeg at noo ko. "Di ka naman nilalagnat."
"Ma, I'm serious nasa panganib si Athena. Sinabi sa akin ni Troy, mabuti na lang daw na may Enrique na nag-eexist kasi kung hindi baka nasa kulungan na ang pinsan ko." Paglalahad ko na ikina-awang ng bibig ni mama.
Ikinwento ko sa kanya ang pangyayari na base sa kwento ni Troy. Gulat, galit, at pag-aalala ang naramdaman ng Mama ko. Sinubukan niya na tumawag sa mansyon ng mga Yu ngunit walang sumasagot bukod sa operator. Kaya naman nag-decide na ako na umalis, naiwan si Mama sa bahay.
Lulan ng owner ko ay may kaba aking nararamdaman sa loob ko. I can't help but to feel bother, parang may maling nangyayari. Sinubukan kong tawagan si Sky, ngunit hindi naman niya ito sinasagot.
Nang makarating ako sa mansyon ng mga Yu ay agad din naman akong pinapasok. Si Tita Aileen ang nag-estima sa akin. Mas lalo akong kinabahan nang makaharap ko si Tita.
"Ano bang meron? Bakit parang sugod na sugod ka?"
"Tita makinig ka po, hindi na po ako magpapatumpik-tumpik pa. Nanganganib po si Athena ngayon, kailangan nya po ang tulong naten. Nasangkot po sya sa krimen na hindi naman dapat sya sangkot, nasisi po sya sa bagay na hindi niya ginawa."
"Ano bang sinasabi mo? Hija kasama niya si Sky, tiwala ako na hindi nya pababayaan si Athena."
"Diyan po kayo nagkakamali, kasi tita si Enrique po ang tumulong kay Athena para magtago. Isa din si Sky sa sumisisi sa kanya."
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
