CLARA
The usual thing, nandirito pa rin kami sa ospital. Nag-iintay ng balita mula kay Asiana, kung ano na ang nangyari. Sa ngayon ay wala pang alam si Athena sa kalagayan ng ama niya, maging sa plano ni Troy. Saka na naman sasabihin nang sabay-sabay para isang sabihan na lang.
"Kumain ka Aileen, si Enzo nagpapagaling na tapos ikaw 'tong naghahanap ng sakit ng katawan ngayon," sermon ko sa kapatid ko.
"Hindi lang ako makapaniwala Ate, hindi ako makapaniwala na gagawin ni Troy ang pagtatraydor na 'yon sa amin. " anito.
"E wala na tayong magagawa Aileen, nangyari na. Oo hindi natin 'to inaasahan but that doesn't mean na tutunganga na lang tayo at hahayaan ang batang 'yon."
Magsasalita pa sana ako nang bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Asiana.
"O Asiana, anak. Ano nang balita?"
"Ma, I heard from Troy na Sky is with Athena ngayon." pagbabalita ni Asiana.
"Sky? Sinong Sky?" tanong ko.
"Ate Clara ano na ang balita sa anak ko? Ligtas ba sya?" Tanong naman ni Aileen.
"O e teka, ilaloudapeaker ko muna," pinindot ko ang loudspeaker icon, "Asiana andyan ka pa ba?"
"Iyun na nga po Ma. Si Sky Yu po yung kasama ni Troy. Sky Yu, Edison and Loreen Yu's youngest son. And hindi din alam ni Troy kung nasaan silang dalawa."
"May contact ka ba kay Sky? Asiana please contact-in mo si Sky tapos timbrehan nya kamo na ilayo niya si Athena kay Troy." may pag-aalala ang tono ni Aileen.
"Gagawin ko po ang makakaya ko Tita, hindi ko po hahayaan na mapahamak si Athena. Kung kinakailangan traydorin ko ang Mafia Org pati na si Troy, gagawin ko po. Mailigtas ko lang po si Athena, sa tiyak kapahamakan.H'wag po kayong mag-alala."
Hanga talaga ako sa dalaga kong ito, matapang at may dignidad, manang mana talaga sa akin.
"Mag-iingat ka Asiana," may pag-alalang sabi ko bago putulin ang tawag.
Nag-iisa 'yang babae, papatayin ako ng ama niya pag napahamak siya.
"Sana makagawa agad si Asiana ng paraan Ate," nag-aalalang sabi ni Aileen.
"Pagtiwalaan natin ang anak ko, Aileen.
"Sana sa lalong madaling panahon, makuha na natin si Athena, Aileen. Kapag ako talaga gumaling na at naghilom na ang mga sugat ko, O swear I'll make every Melendez family member suffer! Kasalanan ng isa, kasalanan ng angkan." umuusok ang ilong ni Enzo habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.
"Pero hindi natin magagawa 'yon sa ngayon, wala tayong kahit ano…" ani Aileen,
"Seems like kailangan ng mga future balae ko ang tulong, tama ba?"
"Loreen?" gulat na sabi ni Aileen,
"Yes my dear best frienda and our future balae," ani Loreen na kakapasok lang sa kwarto ni Lorenzo, kasunud niya ang kanyang asawa na si Edison.
"Future balae? Anong sinasabi mo?" ako ang nagtanong.
"Oh well, hindi pa ba nasasabi ni Athena?" anito saka kami tinitigan. "Sky, my youngest and your daughter, Athena are dating. Actually, magkasama sila kahapon pa."
"Ang batang 'yon talaga," bulong ko.
"So, let's stick to the issue. I heard na you have a problem with the Melendez, am I right?" tanong ni Loreen, "Well, we can help you diba Edison?"
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
