CHAPTER 36

92 11 2
                                        


CHAPTER 36

VIVIAN

Matapos naming makuha ni Courtney ang flashdrive na naglalaman ng cctv footage ay agad na kaming dumiretso sa villa namin. Mabuti na lang talaga at hindi ako umaalis ng bahay na hindi ko dala ang mahiwagang laptop ko, always ready sa mga ganitong pangyayari.  

"Kinakabahan ako Viv," ani Courtney habang nakatitig sa monitor ng laptop.

"Court, relax ka lang. Wala naman tayong gagawin na mali diba? This is the right thing Court, bakit ka naman kakabahan while doing this? We will serve justice, pure and innocent justice." sumulyap ako sa kanya at ngumiti bago ako muling sumulyap sa monitor. 

"I'm not sure about this talaga, mapapahamak si Amara."

Napatigil ako mula sa pagtipa sa keyboard, napabuntong hininga ako dahil sa nadinig ko mula kay Courtney. She really care 'bout Amara despite of what happened.

"Court---"

"Viv, alam kong mali ang ginawa ni Amara pero let's give her a chance. Baka naman magbago pa siya, di ba nga? You always say before na "everybody deserves a second chance", Amara deserves it too…"

"Not this time, may taong nadamay at nasa critical condition because of her obsession kay Enrique." wika ko at bumalik sa pag e-examina ng cctv footage 

"She's still your baby AA, diba? Our baby AA…" 

"Silence…" tipid kong sabi. 

"Sorry…"

Madali kong na-access ang loob ng flashdrive, madali ko din na nahanap ang totoong pakay namin ni Courtney.

"V-Viv…" may halong takot ang boses ni Courtney. "S-Si Amara…" 

Napapanood namin ngayon ang video na kung saan malinaw na malinaw na si Amara ang naka-away ni Zoe ng araw na 'yon at hindi si Athena. Kitang-kita sa video kung paano iumpog ng malakas ni Amara ang ulo ni Zoe na halatang nanghihina na.

"I-I can't believe it…" sambit ko.

"I… I feel betrayed…" naramdaman ko ang paghawak ni Courtney sa balikat ko. Humigpit ito at animoy nanginginig pa.

"You okay?"

"I-I'm not, paano ako magiging okay? Pinag-isipan ko ng masama si Athena at kinampihan ko ang mali. Ang sama ko Viv, ang sama-sama ko."

"Kung meron man na masama dito, hindi ikaw 'yon Coyrtney. It's Amara, she's the one who hurt Zoe badly."

"Anong sinasabi mo Vivian? We all know na si Athena ang gumawa no'n, nagtestify na nga ako as a witness." pagsisinungaling ng kararating lang na si Amara.

Tumayo ako at nilingon ko ang direksyon niya. Bigla akong nakaramdam ng labis na pagka-inis, gusto ko manapak.

"Quit lying Amara! We already knew the truth!" sigaw ng nagpipigil na si Courtney. 

"What are you saying? That's absurd Courtney, don't accuse me of doing something, malinis akong tao." paninindigan ni Amara sa kasinungalingan niya.

"Bakit mo ginawa 'yon  kay Zoe? Bakit mo sinisi si Athena sa kasalanan na di niya ginawa? Tell me!" galit na galit si  Courtney, mataas ang tono niya at nakakuyom ang mga kamay. 

"Wala akong ginagawamg masama."

"Just fucking answer it Amara! Don't you ever lie again."

"Wala akong ginagawang masama, Courtney. Wag mo akong sisihin!"

"Tang*na Amara! tama na ang pag-sisinungaling mo kotang-kota ka na. Alam na namin ni Vivian ang totoo. Bakit hindi ka na lang umamin? Bakit hindi mo na lang patahimikin ang mga isipan namin? Bobo ka ba?" 

Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon