CHAPTER 38

117 11 2
                                        


Amara

Matapos akong iwanan ni Sky sa loob ng cave ay napagdesisyonan ko na din na umalis doon at bumalik sa activity area. Tahimik akong naglalakad at ine-enjoy ang tahimik na paligid. Ngunit nang mapadaan ako sa grupo ng nga maintenancr staff na naglilinis, bigla na lang akong nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan ko, mabigat din ang bawat yabag ko na dulot ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Weird," I mumble to myself.

Ipinagsawalang bahala ko ang itinuturing ko na "strange feeling" para naman mapanatag ang loob ko. Nang maaninag ko na ang gusali ng activity area ay mas lalong tumindi ang kavang nararamdaman ko. I can even feel my own cold sweat.

"Hindi nga pupwede! Giovanni bulag ka lang! Alam na alam natin na hindi si Athena ang gumawa non. Hindi ka man lang ba napapa-isip, na baka na dumadaan siya ngayon sa matinding anxiety dahil sa nangyayari."

Ang mala halimaw na baritonong boses ni Troy ang narinig ko nang makapasok ako sa activity area. Nagkakagulo ang lahat, maingay at para bang nanonood ng wrestling.

"Hindi pwede Troy, hindi pwedeng malaman nila ang totoo. Ayokong mapahamak siya, mahal ko siya." sigaw ni Giovanni na umiiyak at nakaluhod. "Parang awa mo na, hayaan mo na na si Athena ang magbayad ng kasalanan niya."

"No freaking way! Ano ako baliw? Bakit ko naman ipapahamak si Athena? Get out of my sight baka di kita matansya Giovanni."

"Troy," nakita ko ang ginawang pagluhod ni Giovanni sa harapan ni Troy at ng mga kaibigan ko. "Parang awa mo na."

"Kayo ba naawa kayo kay Athena? Nung ipagsigawan ninyo at maniwala kayo sa kasinungalingan ni Amara? Nawawala ngayon si Athena, Giovanni. Hindi natin alam kung nasaan siya, kung buhay pa ba siya. Takot na takot siya Giovanni. TAKOT NA TAKOT SI ATHENA!"

"Troy tama na, tama na please." Si Courtney pumagitna na siya at yumakap kay Troy.

"Mr. Melendez," si Ma'am Joymie, lumapit siya at may dalang kung anoman. Kasunod niya sina Noel at Vivian. "Ayos na, naka-usap ko na din ang mga magulang ni Ms. Estrada at handa silang humarap dito."

What!?

My parents?

O MY GOD ...

This can't be happening...

Hindi pwedeng malaman nila na ako ang gumawa. Hindi ako pwedeng makulong, kailangan kong gumawa ng paraan.

Agad akong tumakbo papalabas ng activity area. Kailangan ko nang makapag-impake agad at nang maka-alis na ako dito.

"Akala mo ba makakatakas ka? Wala naman magagawa 'yang pagtakbo mo. Buking ka na be, wala ka nang magagawa. Yung cctv nasa kanila na,"

Napahinto ako nang madinig ko ang boses ni Barbie mula sa likuran. Hindi ko siya nilingon, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Sarili mong mga kaibigan nilaglag ka." gatong ni Kelly.

"E kawawa ka naman pala," dagdag naman ni Samantha.

I release a deep breath before facing them. "Wala akong panahon na makipag plastikan sa inyo."

"Ay wow!" panunuyam pa ni Barbie. "Ganda ka? Parang di ka humingi ng tulong sa amin nung nakagawa ka ng crime." She paused for a while para tignan ako mula ulo hanggang paa, "Hot topic ka ngayon girl, nilaglag ka ni Vivian. E diba best friend mo 'yun?"

"Kapag hindi ka umalis dito ngayon baka bukas, imbis na camera at make-up ang hawakan mo ay baka maghimas rehas ka." sabi pa ni Samantha.

"No! Hinding hindi mangyayari ang sinasabi ninyo. My dad will going to do everything para lang mapawalang sala ako!" I shouted.

Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon