CHAPTER 35

81 11 0
                                    


CHAPTER 35


"Seems like nag-wagi na naman ako, thank you Athena for this opportunity."


"Nangyayari lang 'to kasi wala akong choice Ava, kung meron namang choice hindi ko hahayaang mangyari 'to,"


"Wushu! Just admit that you like it too, pakipot pa. Your body react differently whenever Enrique touches it." 


"Just shut up, ayokong isipin." aniko saka naglagay ng colgate sa toothbrush at inumpisahan na magsipilyo. 


Sa ikatlong pagkakataon ay muling  may nangyari sa aming dalawa. Gaya ng sinabi ko, kung may pagpipilian lang ako hindi ko gugustuhin mangyari 'to. Hinayaan ko na lang, bayad na din sa sakripisyo ni Enrique. 


Ewan ko, sa dami nang nangyayari ngayon sa buhay ko. Hindi na ako makapag-isip ng ayos. Una kong pinoproblema ay ang pagbawi sa pinaghirapan ng papa ko, ikalawa ang pag-aaral ko, ikatlo at ang pinakamalala na nangyayari ngayon ay eto ang kasong ipinataw sa akin.

Pagod na pagod na ang utak ko kakaisip kung paano ililigtas ang sarili ko, sa totoo lang. Sumusuko na ang katawan ko maging ang isipan sa mga problemang hindi na nga nababawasan, mas lalo pang nadadagdagan. 


Matapos kong makapag-sipilyo ay isinuot ko ma ang bathrobe at lumabas na mula sa bathroom. Naabutan kong naka-upo si Enrique sa swivel chair sa may study table niya, abala siya sa pagtipa ng keybord ng laptop. Wala siyang pang itaas na damit at tanging boxer lang ang suot. 


"Anong ginagawa mo?" tanong ko habang naglalakad papunta sa kinaroronan niya.


Nilingon niya ako at ngumiti siya bago sagutin ang tanong ko, "I was searching for a place kung saan tayo pwede mamasyal."


"Mamasyal?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. 


"Yeah, naisip ko lang baka gusto mo ng isang calm ang soothing place para naman magkaroon ka ng peace. You look tired and stress out, you deserve to this." 


"H'wag na, gastos lang 'yan. Dito na lang tayo, saka isa pa baka nakakalimutan mo na wanted ako."


"Nope and you will never be," he stood up, and cupped both of my cheeks. "Beautiful," he mumbles as he peck a kiss on my lips. "Napagod ba kita kanina?" 


Tila uminit ang dalawang pisngi ko nang marinig ko ang tanong niya, agad akong pinamulahan ng pisngi. 


"H-Hindi…" nauutal kong sabi. 


"Great dahil may another round pa tayo mamaya,"


"Enrique!" pinandilatan ko siya.

Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon