ATHENA
November 15, 2018, ilang buwan na ang lumilipas matapos ang araw na iyon. ang araw na pinili ko ang sarili ko kaysa iba. Ang araw na mas pinili ko na isalba ang puso ko at magpahinga kaysa pumasok sa relasyon na hindi ko alam kung may patutunguhan nga ba. Napagtanto ko kasi na ilang beses na akong pumili na hindi kasama sa pagpipiliian ang sarili ko. Kaya naman napagdesisyonan ko na sa pagkakataon ito, ako naman. Napagbigyan ko na naman sila sa gusto nila noon, nakuha na naman nila ang gusto nila. Sana naman ay sapat na 'yon, gusto ko naman na magtira para sa akin. Gusto kong sulitin ang itinira nilang kakarampot na pagmamahal para sa sarili ko. Ngayon ay masaya na naman ang puso ko, mas pinrayoridad ko ang kapakanan ng anak ko na malapit ko nang iluwal sa mundo.
Kahit na wala akong pinili sa pagitan ng dalawang lalaking naging parte ng buhay ko, patuloy pa rin sila na nanunuyo at nagmamahal sa akin. Sobra sila na nagsusumikap para muli akong ligawan, ipinapakita nila na karapat-dapat sila sa para sa akin. Ang kaso lang, buo na ang desisyon ko na walang piliin sa pagitan nilang dalawa.
Napilitan na akong huminto muna sa pag-aaral dahil sa pagbubuntis ko, nasa ikatlong trimester na ako, at huling buwan ng pagbubuntis. Maaring sa second week ng June ay makapanganak na ako. Pansamantala ko rin na inihinto ang theraphy ko para sa DID. Wala naman nang nakakapag trigger sa alter ko na si Ava dahil naging tahimik na ang buhay ko. Siya nga pala, napag-alaman ko na kambal na babae ang isisilang ko. Wala pang nakaka-alam nito bukod kay Vivian at parents ko.
-June 5, 2019-
"Anak," ilang katok ang narinig ko mula sa pintuan, maya-maya pa ay bumukas ito at iniluwa ang Mama ko. "May mga bisita ka sa baba."
"Sino po sila Ma?" Inilapag ko ang libro na binabasa ko sa side table na nasa tabi ko saka marahan ako na tumayo at lumapit kay Mama .
"Ang mga kaibigan mo nasa baba, kararating lang nila." Wika ni Mama saka niya ako inalalayan, masyado na kasing makali ang tiyan ko. Medyo nahihirapan na rin ako na kumilos kung kaya't kinakailangan ko na ng alalay sa tuwing kikilos ako.
Nang makababa kami ng hagdanan ay namataan ko sina Enrique at Sky na parehong may dalawang bouqet ng pulang rosas, magkatabi sila sa puting sofa at kapwa may nakapaskil na malapad na ngiti sa mga labi nila.
Nagpaalam si Mama na kukuhanin lang ang cake na binake niya sa kusina, naiwan kaming tatlo dito sa living room
"Good morning Athena," magkasabay nilang bati.
"Good morning too, anong ginagawa ninyo dito? Hindi ba dapat nasa school ka Sky at ikaw naman Enrique? hindi ba dapat nasa company ka at tinutulungan si Tito Enrico?" Siyang tanong ko na may kasama pang panenermon.
Nagkatinginan silang dalawa bago sumagot si Sky. Ngumiti ito at tumayo mula sa sofa, marahan itong lumapit sa akin at hinaplos ang maumbok kong tiyan.
"Gusto kasi namin ni Enrique na masubaybayan ka e, lalo ngayon na malapit ka nang manganak. Ang gusto namin habang nasa delivery room ka, nandoon din kami." Siyang wika ni Sky saka hinawakan ang kamay ko.
"Nag-pasa na kami ng note sa school, home schooling kami ni Sky for three months hanggang sa makayanan mo na. We're very much aware that you don't need us pero Aths, we care for you and for the baby." Siya namang saad ni Enrique.
"May mga responsibilidad kayo na mas importante kaysa sa akin," wika ko naman.
"Pero may responsibilidad din kami sa bata," si Sky ang sumagot.
"Sabi ko naman sayo Sky noon diba, hanggat wala pang DNA test na nangyayari. Hayaan ninyo muna ako na asikasuhin ang sarili ko," pangangatwiran ko pa.
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomansaAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
