CHAPTER 26

69 11 0
                                    


COURTNEY

As usual I'm having my usual routine after ko makapag-yoga every morning, ang mag-vlogs, hoping this time wala nang asungot ang tumawag.

"So ayun my cornflakes, maglalagat na tayo ng eyeshadow, yung gliterry cause as a fan of Britney I've seen sa kanyang Toxic music video na she wears a glit---"

Hindi pa man ako nakakatapos magsalita ay agad na nag-ring ang telepono ko. Napa-irap ako sa sandaling narinig ko ang ringtone ko na "Womanizer" ni Britney Spears.

Superstar Where you from, how's it going?
I know you
Got a clue, what you doing?
You can play brand new to
All the other chicks out here

Padabog kong pinatay ang camera at saka ibinaling ang mga mata sa nagri-ring kong cellphone.

Who is it this time?

Agad kong kinuha ang cellphone mula sa side table at binasa ang caller Id.

Incoming Call…. Troy Melendez

Kusang kumurba ang mga labi ko sa isang ngiti ng mabasa ko ang pangalan ng caller ID. Kung araw-araw ba namang siyabg tatawag, okay oang kahit walang vlog.

"Hello?"

"Courtney…"

Wait… his voice… Is he crying? Ano kaya ang nangyari?

"Troy? Umiiyak ka ba? Anong nangyari?"

"Pwede mo ba akong puntahan, I just want someone to accompany me…"

Dug.Dug

OMG…

Am I just dreaming? Totoo ba 'to? Troy wants me to accompany him…

"Uhm… N-Nasaan ka ba?"

"Sa bahay… Please Courtney…"

"Sige, just wait for me magbibihis lang ako."

"Thankyou…"

Nakakapagtaka ang tono ng boses ni Troy, at isa pa usually kapag gusto niya ng kasama he will call Noel…

Anong meron?

Iwinagli ko ang mga tanong sa isipan ko, pinili ko na lang na h'wag pansinin. Nagmadali na akong tumayo at napagdesisyonan ko nang hindi muna magvlog.

Troy needs someone today…

ATHENA

Nang makapaligo at makapagtoothbrush ako ay agad akong nagbihis, isang simpleng Tshirt na plain at kulay puti ang suot ko at pantalon ang napili kong suotin at sneakers.

"I wont allow you to wear that Athena, masyadong out of style. Kaya ka nalalamangan ni Zoe eh."

"Ano namang pakielam sa kanya?"

Mataman kong tinitigan ang sarili sa salamin, pangit nga ang suot ko, wala sa uso at mukha akong tomboy. Hinalukay ko ang laman ng maleta ko para makahanap ng magandang susuotin. Isang pink na sunday dress ang nahagip ng mata ko, off-shoulder dress ito at above the knee ang haba, simple lang at may maliita na mga bulaklak na nakaburda. Pinarisan ko ito ng peach na flat shoes.

Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon