ATHENA
Hindi ko naiwasan ang titigan si Sky na kasalukuyan na gumagamot sa mga sugat ko sa tuhod.
"Mga babaeng ire, ayaw ng catfight. Ang gusto pa e mga nababasag mga bungo nila." narinig ko na sabi ni Stella habang hinahandaan kami ng makakain.
Isinara niya ang cake-shop nya para sa amin, the best talaga siya.
"Si Courtney, titignan mong tatahi-tahimik 'yan. Di mo alam nanghahambalos sa mukha 'yan." tumatawang sabi ni Amara.
"Aba! Nagsalita ang ginawang punching bag ang mukha ni Barbie kanina." saad naman ni Courtney bago uminom ng juice.
"Aba! She deserves that, sabi ba naman niya sa akin kanina e hindi daw kami bagay ni Enrique-myloves. Kaya 'yon pinatikim ko ng katotohanan. E di nabasag tuloy ang pangong ilong niya."
"Ah basta ako ginantihan ko lang si Kelly. Malaki atraso niya sa akin," si Vivian naman ang nagsalita.
"Why nga ba? Senior high pa lang tayo, mainit na dugo mo doon." tanong ni Courtney.
"Paanong hindi iinit dugo ko sa bruhang na 'yon, eh siya dahilan ng break up namin ni Noel noon and also ginasgasan nya rin ang baby Pinku ko,"may halong pagka-irita ang boses ni Vivian.
"Eh ikaw naman Athena? Bakit ikaw ata ang trip ni Zoe?" tanong ni Amara.
"Aba malay ko, akala niya yata aagawin ko sa kanya 'tong lalaki na ito." may diin ang bawat salitang binitiwan ko.
"Malamang sa malamang," ani Vivian.
"E tignan mo nga 'yan oh. Ikaw agad nilapitan ni Sky. Samantalang mas malapit siya kay Courtney kanina," wika ni Amara.
Naramdaman ko ang paghinto ni Sky paglilinis ng sugat ko, "Wala na naman kami ni Zoe, wala na rin naman siyang pakielam sa kung anong mga gagawin ko."
"So anong ibig mong sabihin? Dahil break na kayo ni Zoe, si Athena naman ang pupuntiryahin mo?" si Enrique ang nagtanong.
"Well, no one cares if I do naman diba? Athena is single, I'm single too."
Dug.dug
No Athena, no!
"Mag-move on ka muna kaya Sky." sabi ni Stella, "Hindi ako papayag na maging 'the other woman' thinggy ang bessywaps ko, ano?" dagdag pa niya. "FYI Hindi siya rebound girl."
"Yeah right, atsaka alam mo naman na kahapon pa mainit ang dugo ni Zoe kay Athena. Tignan mo nga 'yang ginawa kay Athena." sabi naman ni Vivian.
"And also, kapag niligawan mo si Athena lalo lang lalala ang situation. Napaka-spoiled brat ng ex mo, Sky." saad ni Amara.
"Saka ayoko rin naman, kung isa lang din naman sa mga kaibigan ni Troy ang manliligaw sa akin. Mas mabuti na ang maging single," lakas loob kong sabi.
"Hard naman non ghorl," wika ni Courtney.
"Medyo ouch," ani Sarah at tumawa.
"Try to imagine, si Viv saka Noel diba mag-jowariwaps, tas next na si
Troy at Courtney, tas kung papayag tong lalaki na 'to edi kaming dalawa, tapos si Athena at Sky. Diba squad goals yun, " may kilig ang tono ni Amara.
"Yan ay kung papayag si Enrique," may pangbubuskang saad ni Vivian.
"What can you say about it Mr. Madrigal?" maintrigang tanong ni Sky kay Enrique.
Lahat sila ay napatingin sa gawi ni Enrique, iniintay ang sagot nito sa tanong ni Sky. Pati na rin ako ay nakisali na rin, mukhang naramdaman niya ang pagtingin ko sa kanya kaya naman tumitig rin siya saakin.
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
