CHAPTER 19

87 10 0
                                        


"Nagkaroon rin tayo ng time para makapag-usap ng masinsinan, Athena." Nakangising sabi ni Ava habang nananalamin si Athena.

"Ano na naman bang kailangan mo?" matigas na tanong ko.

"Do you really want know?" mapanghamong sabi ni Ava. "Lemme control your whole life Athena, para naman hindi puro drama at aksyon ang buhay mo. Kailangan mo rin ng romansa,"

"Tigilan mo ang kahibangan mo, Ava. Umalis ka na sa isipan ko! Umalis ka na!"

"At bakit ako aalis? Wala namang dahilan Athena, hindi ako aalis! Not now, never."

"Please Ava, h'wag mo akong guluhin!"

Napasabunot na lang ako sa sarili...

Naguguluhan ako sa nangyayari...

"Oh and wait, I forgot something. Diba tinatanong mo ako kung ano ang gusto ko? Gusto ko ng dilig Athena, dilig mula kay Enrique. Alam ko naman na gusto niya rin 'yon. Or maybe kahit sinong lalaki, gamitin mo ang kamandag mo."

"Tumahimik na Ava! Hindi mo makukuha ang gusto mo!"

"What Ava wants, Ava gets Athena. If you think that you are stronger than me, think again Athena."

Malakas ako...

Mas malakas ako kaysa sa isipan ko...

No Athena, hindi ka malakas.

Malakas ako!

Hindi Athena!

"Kung mas malakas ka, hindi mo hahayaan na may mangyari aa pagitan mo at ni Enrique."

"Hindi, hindi ako makikinig sa'yo."

"Ginusto mo 'yon, rumupok ka Athena. Kahit na alam mo na ang kaibigan-kuno mo na si Amara ay may gusto sa kanya."

"Tumigil ka na please!"

"Hindi ako titigil, hinding hindi"

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang pilit ko na nilalabanan ang sariling isipan ko na animoy gumagawa ng sariling katauhan na ang pangalan ay Ava.

Nagising ako nang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha , mukhang nakalimutan kong isara ang malaking glass door kagabi.

"Umaga na pala..." mahinang bulong ko sa sarili habang sapo-sapo ang dibdib ko.

Bumangon ako mula sa kama at nag-inat inat habang inaalala ang tagpo kagabi.

"Walang Ava..." mahina kong sabi, "Walang Ava..." muli kong sambit saka bumuga ng hangin.

"Knock, knock, ang 'yong poging best friend dinadalan ka ng pagkain." nakita ko mula sa repleksyon ng salamin na bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Troy na nakasuot ng tshirt na asul at tokong shorts. "Good morming madamoiselle,"

"Morning..." mahiksing sabi ko nang harapin ko siya. "Wala si manang?" takang tanong ko, usually kasi si manang ang nag-aakyat ng pagkain sa kwarto ko.

"Nagday-off sila...Si Manong Bing lang ang andyan saka yung hardinero natin na si Bok" ani Troy habang nilalagay ang tray na may lamang pagkain sa isang maliit at bilugang lamesa. "Siya nga pala..." animo'y nag-iba ang tono ng pananalita ni Troy.

"Bakit?"

"May nangyari sa inyo ni Enrique, anong plano ninyo? Mag-on na ba kayo? Paninindigan ka ba niya? Paano kung mabuntis ka?"

"Ang OA, ang OA Troy..." iyon lang ang naisagot ko.

Sa totoo lang hindi ko rin alam...

"Paano si Sky? Feeling ko gustong-gusto ka pa naman ng mo--"

Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon