VIVIAN
Tanghali na pero pareho pa rin kaming nakahilata ni Troy sa kama peroo wait… before anything else, wala kami sa iisang kama. Iisang room, oo but we sleep in different bed. Yung guest room na tinutulugan namin ay may dalawang bed na magkalayo, loyal ako kay Nomer Elmo Angeles. At isa pa, ang dahilan ng puyat ko ay si Courtney, magdamag kaming magka-face time. Tanong siya ng tanong about Troy, kasi si Troy nakipag-inoman kay Enrique so nag-iisa ako dito kagabi. Kaninang 4 am lang sila natapos tas ako natulog ako ng 4:30, tapos ngayon eto magaala-una ng hapon, wala pa akong ligo, toothbrush, at hilamos. Bigla akong tinamad…
Nagkaroon na ako ng balita tungkol kina Sky at Courtney, even kay Amara na nasa loob ng prison pero sa boyfriend ko wala. Husay diba? Hindi pa siya tumatawag or ni message, wala. Naka 15O missed call at 200 text na yata ako sa kanya e kaso ni tuldok na reply… wala. I couldn't avoid being anxious but I choose to be not…
Bumangon na ako mula sa kama at nag-inat, ilang ulit din akong humikab. Ramdam ko na biglang nahapo ang katawan ko kahit wala pa akong ginagawa.
"Good morning," bati ng nakahiga pa rin na si Troy.
"Morning, masakit ulo mo no?" pambungad na tanong ko. Nakatagilid ang paghiga niya na papaharap sa akin.
"Obviously, naka-ilang bote rin kami ni Enrique kagabi. By the way, may balita na ba kay Courtney? Kamusta raw siya?" tanong nito.
"Uy nami-miss niya," pang-aasar ko pa. Ngumiti lang siya sa akin saka nag-iwas ng tingin.
"She's my everything… Courtney is my everything…" mahinang sabi niya.
"How bout Athena? Alam mo ba dati, akala ko may 'thing' between the both of you." usisa ko pa.
"Importante siya sa akin, inaaamin ko I used to like her but after what I did sa family niya. Nakonsensya ako… ang gusto ko na lang gawin ay ang itama ang pagkakamali ko. Pagkakamali ng pamilyang kinabibilangan ko, gusto ko na lang ngayon ay protektahan siya." seryosong sabi niya.
"Woah…" siyang tanging nasambit ko.
"Si Courtney ang mahal ko, siya 'yung dahilan kung bakit nagpupursige ako na magbago. Hindi ko nga lang alam kung matatanggap niya ako…"
"Tanggap ka niya Troy, patay na patay kaya sayo ang babaeng 'yon."
"No, you didn't understand Viv."
"Then explain it," napakibit-balikat ako.
"May anak ako.."
What? Tama ba ang nadinig ko? Sinabi ba niya na may anak siya?
"M-May… may anak ka?"
Tumango siya, "anak ko ang pinagbubuntis ni Stella, pangalawa na 'yon. 'Yung nauna, nagkaroon siya ng miscarriage, minahal ko naman si Stella pero simula nung namatay yung unang anak namin. Kinamuhian ko siya, hindi 'yon alam ni Athena. Basta ang alam niya nabuntis ko si Stella…"
Nakakaramdam ako ng kakaibang kilabot sa katawan ko, ewan ko ba kung bakit nagkukwento ng ganito si Troy. Nagtanong lang naman ako about Athena tas biglang umamin na siya about sa affair niya kay Stella…
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
