ATHENA
"What did you just said?" Gulat na gulat ang Mama ko nang i-kwento ko sa kanya ang nangyari kanina. "Athena, ano bang nangyari sayo anak? Bakit ka naman nasangkot sa away?"
"Pasensya na po Ma,sorry po. Pinagtanggol ko lang po yung sarili ko, saka yung mga kaibigan ko. Natrigger po kasi ako eh," paghingi ko ng tawad.
Kanina, matapos ang day 1 ng intrams. Dumiretso agad ako dito sa ospital para ipaalam kay Mama na kailangan niyang pumunta sa school bukas. Nagpaalam naman ako sa mga magulang ni Sky, si Sky din ang naghatid sa akin dito.
"Wala namang masama sa paganti anak, ang kaso nga lang tignan mo ang nangyari sayo puro ka galos." si Papa ang nagsakita.
"Ayos lang po ako, malayo po sa bituka." saad ko para pagaangin ang loob ng Papa ko. Bakas kasi sa tono niya na nag-aalala siya.
"Ikaw naman Sky, bakit hindi mo naman binantayan ang anak ko? Aba! E paano ko siya ipapakasal sayo kung hindi mo siya kayang ipagtanggol?"
Walang imik at napakamot lang si Sky sa likod ng ulo niya. Ang totoo ay ngayon niya lang din nalaman ang nangyari sa parade kanina.
"Sorry po Uncle, the truth is ngayon ko lang din po malaman yung incident kanina. Naging super busy po ako, sa susunod po itatali ko na po 'yang si Athena para hindi na makawala at hindi na magkaroon ulit ng ganito." wika ni Sky at umakbay sa akin. "I promise to be Athena's knight in shining armor po." tinignan at nginitian ako ni Sky, ako naman ay inirapan lang siya.
"Alam mo ba Sky, dati din may batang babae nanangako na maging knight-in-shining armor ng anak ko. Kapit-bahay nila Troy sa dati nilang bahay, sayang nga lang at namayapa na ang batang 'yon." pagkwento ni Mama.
Hindi ko aware tungkol sa batang babae na binabanggit niya. Matagal na panahon na din kasi ang nakalipas, at nabanggit rin ni Mama na wala na ang bata na sinasabi niya.
"Mama, sino po siya? Tanda ninyo po ba ang pangalan niya?" curious kong tanong.
"Aby, hindi parang Ada, hindi ko ma-recall yung pangalan niya…" Huminto si Mama sa pagkukwento at hinawakan ang kamay ko "… pero alam mo ba anak, siya yung batang babae na nagsacripisyo para hindi ka magahasa ng mga lalaki."
"Muntik na po magahasa si Athena?" bakas sa reaksyon ni Sky ang labis na pagkagulat.
"Oo, awa ng Diyos may isang anghel siya na ipinadala para iligtas si Athena." si Papa naman ang sumagot.
"Kaya pala ganon na lang ang reaksyon mo nung muntikan na din magahasa si Vivian. Now I know the reason" ngumiti si Sky at ginulo ang buhok ko.
"Nagligtas ka? Aba! Para yatang hindi ko alam 'yan." namamanghang sabi ni Papa.
"Hindi naman po kasi dapat pinagyayabang ang kabutihan Papa, diba po kayo ang nagsabi non?" saad ko.
"Aba'y kahit na,mga magulang mo kami anak. Dapat lang na alam namin na may anak kaming bayani." buong pagmamalaki ni Papa.
"Nagulat nga po kami, nang nalaman namin na si Athena po yung sumapak sa lalaking muntik na gumahasa sa kaibigan po namin na si Vivian.I couldn't even imagine her punching a bunch of man." may pagmamalaking kwento ni Sky sa mga magulang ko.
"Kaya proud na proud ako dyan sa anak ko, proud ako na ako ang Tatay ni Athena Valeen Aragon." maluha-luhang sabi ng Papa ko.
"Papa…" tumayo ako mula sa monoblock na kinauupuan ko at yumakap sa Ama ko. "Saan pa po ba ako magmamana diba po? Ikaw lang naman po ang nagturo sa akin eh."
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
