VIVIAN
"Hello Philippines and hello world! It's your VV girl reporting for duty! So ayon, ilang weeks ako walang vlogs kaya naman babawi ako sa inyo aking mga Baviys. So by the way, I'm here pala sa aming beloved school. Today is foundation day kaya naman, walang stress ngayon. Magsasaya muna ako at maghihihiyaw sa mga nagagwapohang mga basketball player, and one of them syempre ay ang baby Noel ko--HOOOY!" Hiyaw ko nang hawiin ni Amara ang kamera na hawak-hawak ko. Muntikan na itong mahulog buti na lang at mabulis ang reflexes ko. "What's your problem ba?"
"Shhh! Shut up Viv, naiinis ako." aniya at inis na ibinagsak ang cellphone niya.
Aba! Atichona ang bruha. Ano na naman ba ang drama nito?
"Hello, Ms. Estrada? I'm your bestfriend kaya. You can tell me anything, ano ba kasing nangyari?"
"Si Quen kasi hindi na nagreply. Last seen niya kahapon pa ng 8:30 am." anito saka pinahaba ang nguso niya.
"C'mon Angelica Mariam Estrada, para namang hindi mo kilala si Enrique Jose. Once in a blue moon lang 'yon mag-online, akala ko ba naman kung ano 'yang pinoproblema mo. Chill! Maya-maya lang tamo, andyan na 'yang bebe mong walang alam gawin kungdi kumain ng libro." wika ko habang tinatapik-tapik ang balikat niya.
"Hello girls," nadinig kong bati ng baby Noel ko kakadating lang. Nakasuot siya ng pulang jersey na may naka-imprint na "Red Eagle Ranger" sa harap. Humalik ito sa pisngi ko at nakipag-apir kay Amara. "Manood kayo mamaya, kami ang unang laban after ng parade." aniya at umupo sa pagitan namin ni Amara.
"Ikaw pa ba? Syempre, ichecheer ko ang baby ko." mayabang ang pagkakasabi ko.
"Diba dapat Green Tigers ang ipinagchecheer mo, kasi green tigers ang pambato ng College of Arts and Science? Taksil ka Vivian." pambubuyo pa ni Amara.
"Wala naman akong pakielam sa kanila, kay Baby Noel ko lang ako may pakielam. Eh ikaw, sino bang ichecheer mo sa swimming competition mamaya? Diba Grey Bulls kasi andun si Enrique?" Pinanlakihan niya ako ng mata. "It's a tie," natatawa kong sabi.
"Siya nga pala, bat kulang ata kayo? First time ata malate ni Courtney Mari ah" siyang sambit ni Noel.
"Kaya nga eh, malapit na magstart ang parade pero wala pa si Courtney. Hidni naman nagrereply ang bruha, si Athena din wala pa eh." aniko saka sumulyap sa cellphone ko para tignan kung nagreply na si Courtney.
"Kanina pa nandyan si Athena, kasabay ni Sky dumating." pahayag pa ni Noel saka umakbay sa akin at muling humalik sa pisngi ko.
Welp, hindi naman na nakakagulat na sabay sila na dumating. Knowing naman na nagmamahalan ng patago yung dalawa na 'yon.
"O e teka, ano ba kasi talaga ang nangyari sa kanila ni Troy? Bakit biglang bigla si Sky naman ngayon ang sinasamahan ni Athena?" may pagtataka ang tono ni Amara.
"Galawang malandi sis, kung sa bagay hindi mo pa naman kilala ng lubusan ang Athena "hoe" Aragon na 'yan."
Dalawang nakakairitiang mga tae eate tao ang um-appear sa harapan ko. Mukhang kailangan ko yata na magrecharge at mapapasabak ako sa umaaatikabong sapakan.
"Excuse me, belong ka ba?" pagtataray ko.
"Vivi chill ka lang, I don't want to start a fight between us. Besties tayo diba?" ngumisi pa ang babaeng labanos.
"Besties?" aniko at pinagtaasan siya ng kilay.
"Viv, hayaan mo na siya. Just don't mind her. Zoe, please umalis ka na. Kung wala ka namang magandang gagawin dito." pag-aawat ng boyfriend ko.
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
