ATHENA
Nauna akong pumasok sa school kaysa kay Troy ngayong araw, may aayusin daw kasi siya na importanteng bagay. Maganda na sana ang lahat dahil may pagkakataon ako na maging mag-isa nang biglang may nakasalubong ako na di kaaya-ayang nilalang na may lakas ng loob na harangan ang dinadaanan ko.
"Athena, can we talk?"
"Alis," tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Athena please,for a while lang, kahit 20 minutes lang."
"Ayoko," matigas kong sabi
Para na kaming naghaharangang daga sa ginagawa namin. Sa tuwing nag-iiba ako ng direksyon ay hinaharangan niya ito.
"15 minutes,"
"Ayoko,"
"10 minutes, please Athena,"
"I don't want, period."
"5 minutes last offer,"
"Ano ka si banker? Ano bang trip mo sa buhay? Plano mo bang palitan si Kris Aquino bilang host ng Deal or No deal? Alis?"
"Please Athena,"
"Ayoko nga Sky! Bakit ba ang kulit mo? Gusto mo ba english? O sige, I don't want to talk to you!" tinaasan ko siya ng boses pero hindi siya natinag, nginitian niya lang ako.
Nag-aadik ba 'to?
"Ibang-iba ka na sa Athena na nakilala ko noon. Five years ago, you were the Athena na nakaka-inis kasi iyak ng iyak but now, you've change a lot. You are now the tough and unbreakable Athena,"
"Ang dami mong sinasabi, tumabi ka nga dyan! Dadaan ako!" pag-uutos ko.
"Athena please, just for a minute let me talk to you," hinigit niya ang kamay ko ngunit agad ko itong tinanggal mula sa pagkakahawak niya.
"Touch me once, I swear babaliin ko lahat ng buto mo sa katawan hanggang sa hindi ka na makatayo!" pagbabanta ko pam
"Ang tapang, I like it. I do admire brave lady like you," ngumisi pa siya.
Nakakaloko na talaga ang isang 'to.
"Hindi na ako natutu---" hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay bigla akong nakaramdam na para bang may humawak na mahigpit sa mga buhok ko. Hindi ko na maalala ang huling nangyari, nakita ko na lamang ang sarili ko na hinahalikan ang lupa
"Zoe!" siyang sigaw ni Sky.
"Touch my boyfriend one more time, hindi lang'yan ang sasapitin mo." sigaw ni Zoe, hindi ko alam kung dinuduro ba niya ako or ano ang hitsura ng panget niyang mukha. Basta ang alam ko lang, ramdam ko ngayon ang pagsakit ng mukha ko, ng pisngi, at ng ilong ko. Naramdaman ko rin ang marahas na pag-yapak ng sapatos ni Zoe sa likod ko.
"Zoe, why did you do that? Are you insane?" Galit ngunit nag-aalala lang ang tono ni Sky.
"She deserves it!"
"No!"
"She deserves it!"
"Stop saying that!"
"Inaagaw ka niya sa akin!"
Sa kasagsagan ng pagtatalo nina Sky at Zoe ay naramdaman ko ang mga kamay na hindi pamilyar sa akin. Unti-unti niya akong tinulungan na makalayo, pinagpag niya ang mga dumi na nasa mukha ko.
Si Enrique…
"Let's go…" mahina netong sabi saka ibinalot sa akin ang jacket na dala niya.
Hindi ko alam, para bang tumigil ang oras dahil nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad habang nakaakbay sa akin si Enrique, hindi ko alam kung saan rin ako dadalhin ng mga paa ko.
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
عاطفيةAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
