-five days after-
ATHENA
Ngayong araw kami nakatakdang umalis papunta sa leadership training na gaganapin sa Skies and Ocean Resort, alas-4 pa lang ng umaga ay nakaligo at naka-ayos na kami ni Sky. Inaantay na lang namin ang van ni Noel na sasakyan namin papunta sa school. Kahapon kasi habang namimili ng mga gamit at pagkain nag-decide sila na sabay-sabay na kami na pumunta sa school para less hassle at isang hintayan na lang ang mangyayari. P.E shirt, jeans at white rubber shoes ang naka-assign na suot namin sa unang araw namin sa resort.
Siya nga pala, nakalimutan kong banggitin kahapon din nadischarge ang Papa sa ospital, dito kami pansamantala naninirahan kina Sky habang inaasikaso ang mga dokumento para mabawi namin ang mansyon namin.
"Kayong dalawa mag-iingat kayo doon, Sky lagi mong babantayan si Athena h'wag na h'wag mong hayaan na mawaglit ka ng tingin." maka-ilang ulit nang banggit ng Daddy ni Sky.
"Dad I knew it, hindi ko naman talaga hahayaan na mawala sa paningin ko si Athena. That would be the end of me," seryosong sabi ni Sky at inakbayan ako. "This girl is mine,"
"Wala na ba kayong nakalimutan?" siyang tanong naman ni Mama. "Athena yung inhaler mo ha, tapos kakain ka sa tamang oras mahirap na malalayo ka na naman sa akin. H'wag ding kakalimutan inumin ang mga gamot, okay?"
"Wala po akong nakalimutan, unang-una ko pong nilagay ang inhaler ko sa maleta." ngumiti ako at yinakap ang Mama.
"How about the foods? Baka nakalimutan ninyo, Sky i-double check mo. Ayokong makaranas ng gutom ang future daughter-in-law ko." nakataas ang isang kilay ni Tita Loreen at nakapameywang ito.
"Secured po lahat ma, don't worry. Lahat ng pagkain na binili namin ultimo buong mall binili ko na---Ah! Mama naman e." reklamo ni Sky nang bigla siyang hampasin ng pamaypay ni Tita Loreen na ikinatawa naming lahat.
"Nagagawa mo pang mamilosopo talaga, ha Sky?" inis na tanong ni Tita Loreen.
"Joke lang eh, malaki na ko mama. Nakakahiya kay Athena o, baka iwanan niya ako " ani Sky.
"Athena! Sky! Tara na!" sigaw ng nga babae na nakasilip sa bintana nang kararating lang na itim na van. "Good morning po Tito Edison, good morning po Tita Loreen ans Tita Aileen!" sabay-sabay nuoang bati.
"Good morning din, mag-iingat kayo ha!" paalala ni Tita.
"Opo!" sigaw ni Courtney at nag thumbs-up pa.
Bago kami sumakay ay humalik muna ako at yumakap sa mga magulang ko, nagmano din ako sa mga magulang ni Sky.
Isinakay na ni Sky ang mga maleta namin sa likod ng van at matapos ay kami naman ang sumakay. Sa parteng likuran din kami napunta, katabi namin sina Troy at Courtney. Sa may bintana ako pumwesto, nasa harapan naman namin sina Noel, Vivian, Amara, at Enrique. Isang nasa mid-40 na lalaki ang driver namin, may katabi siya na isa pang lalaki na hindi pamilyar sa akin.
Nang masigurado na lahat kami ay komportable na sa mga pwesto namin ay nagsimula nang umandar ang van na sinasakyan namin. May 2 oras ang biyahe mula dito papunta sa school, 5:00 am pa lang naman at 8:00am ang takdang oras ng pag-alis kaya makakatulog pa ako.
Sumandal ako sa may bintana at ipinikit ang mga mata ko. Maingay sa loob ng van kaya naman pinipilit ko na matulog, naramdaman ko ang mga kamay ni Sky na ipinapatong ang ulo ko sa balikat niya, kinabitan niya din ako ng airpods sa magkabilang tenga ko. Naramdaman ko din na sinusuotan niya ako ng jacket. Hindi ako gumagalaw, hinahayaan ko lang siya. Dumampi din ang labi niya sa noo ko, at matapos iyon ay tuluyan na akong nakatulog.
Nang magising ako ay nasa loob na ako ng bus, katabi ko Sky na naka-upo sa may bintana, nakayakap siya sa akin at tulog din.
"Nilalanggam na dahil sa ka-sweetan yung nasa likod natin," hagikgik ni Vivian ang nakapagpagising sa diwa ko.
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
