ATHENA
Sapilitan akong isinama nina Vivian sa tinatawag nilang 'headquarters', mahigpit akong hawak nina Courtney sa magkabilang braso ko, habang si Vivian naman ay nagmamaneho.
Mafia rin ba ang mga ito?
"Blackpink ba ang gagayahin natin or do you want some Western touch?" tanong ni Vivian.
"Wala akong alam diyan," sagot ko.
"Imposible yan, header mo nga sa twitter si Heechul eh." salubong ang kilay na tumingin sa akin si Amara.
"True, tapos ang icon mo sa instagram si Im Nayeon ng Twice, imposibleng hindi ka Kpop fan." sabat ni Courtney.
"Hindi naman porket may icon at header ako na kpop ay sumasayaw at kumakanta ako ala kpop," pagmamatigas ko pa.
"H'wag kang ano dyan, nakita ko youtube account mo. Nagcover ka ng kanta ni Celine Dion. Dalawa pa 'yon" pamimilit ni Amara.
"Si Amara pa hinamon mo, nanay 'yan ni detective Conan. Yung mga tagong picture nga ni Enrique na naka topless meron 'yan eh." natatawang wika ni Vivian.
"Trueness pati yung mga baby picture ni Enrique ninakaw nya noong nagkaron kami ng activity nung grade 10," pagsang-ayon pa ni Courtney.
"Hoy hindi ko ninakaw! Binalik ko rin kaya! Pero syempre ini-scan ko muna para may copy ako." nagmakeface pa si Amara.
"Kaya nakakatakot awayin yang si Amara, magugulat ka na lang mag nakapost na an epic na litrato mo online."
Tumaas ang isang sulok nang labi ni Amara nang marinig ang sinabi ni Vivian. "Gawain mo rin yon Viviyana kayong dalawa ng jowa mo!"
"By the way ilang taon na kayo ni Noel na in a relationship?" tanong ko kasi bigla akong nacurious, sa itsura kasi ni Noel mukhang hindi sanay magseryoso.
"Four years, four years nang naglolokohan," natatawang sagot ni Vivian.
"Ang tagal na rin pala, ano?" naaamaze na tanong ko.
"7 years na sana kaso tinaymer ako may Kelly, tang*na nong lalaki na 'yon eh." sagot naman ni Vivian.
"Eh ikaw Amara---" hindi pa man ako nakakapagtanong ay humirit n ng sagot si Amara.
"Aba apat na taon na rin," aniya
"Apat na taon na ano?" sabay naming tanong ni Courtney
"Apat na taon na akong umaasa na liligawan ako nang lalaking iyon, hinay*pak naman. Enrique galaw, galaw, at ako ay handa na din sa iyo ay magpagalaw," sagot ni Amara.
Susme! Ang halay ng bibig ni Amara.
"Eh Ikaw Court---"
"Nasa head quarters na sila Enrique, Troy at Noel. Don't worry Athena, alam narin ni Troy na kasama ka namin." pag-iiba ni Courtney nang topic.
"Si Trina Courtney Mari umiiwas, and by the way speaking of Troy, siya itong makulet na paulit-ulit ito na nagsasabi na iwelcome ka namin at entertainen ka namin," maintrigang saad ni Amara. "Mukha nga kayong may something, ano bang meron?"
"Pero mas mukhang kayo ni Sky ang may something, kaya mainit dugo ni Zoe girl sayo," sabat ni Vivian
"True gurl, may tension between the two of you." pagsang-ayon ni Vivian.
"War yung family namin naya bawal magkasomething," sagot ko
"Ay taray! Romeo and Juliet," sumulyap si Vivian sa akin saka bumalik sa pagmamaneho.
"True ba? Eh diba nagkakababata kayo nila Sky?" tanong ni Amara na ikinagulat ko.
"Ha? Paano mo nalaman?" pagtataka ko.
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
