ATHENA
Nagsimula na kami ni Giovanni na maghanap ng mga flags na part ng activity namin. Hindi kami naghihiwalay ni Giovanni, although hindi kami masyadong nag-uusap ay sigurado akong nagkakaintindihan kami.
"Flags! Flags!" masayang sigaw ni Giovanni nang makakuha kami ng dalawang watawat na kulay asul sa parang kweba na pinasukan namin. "Nakadalawa na tayo!" anito at bigla akong yinakap. "Sorry, naexcite lang ako." sabi pa niya.
"No it's okay, h'wag kang mag-sorry." wika ko.
"Pasensya na ha, kung feeling close ako sa inyo. Wala kasi akong kaibigan eh and you guys seems so nice kaya nakiki-fit in ako." ani Giovanni saka naupo sa may malaking bato.
"Feeling close? Parang hindi naman, don't worry mababait kami. Ewan ko lang kay Zoe," sabay kaming natawa sa nasabi ko.
"Si Enrique, mabait ba siya?" tanong nito.
"Si Quen? Oo…" wala sa sariling saad ko.
Tumango-tango siya, "Ang gwapo niya din at matalino pa. Senior niya ako pero mas mataas pa ang gwa niya kaysa sakin. Galing siya sa mayamang pamilya,"
Anong meron? Bakit niya itina-topic si Enrique.
"Athena, okay lang ba na magkwentuhan tayo?" tanong niya, "upo ka dito," tinapik nya ang isa pang bato na katabi ng batong inuupuan niya.
Umupo naman ako sa tabi niya at hinanda ang sarili ko para makinig sa kwento niya.
"Alam mo ba na matagal na akong humahanga kay Enrique? Don't get me wrong, hindi ako bisexual, hindi din ako gay. Humahanga ako sa kanya kasi kahit wala pa siyang ginagawa, kilig na kilig na agad at hangang-hanga na agad sa kanya ang mga babae. Lalong lalo na ang babaeng gusto ko," sasanaysay niya.
Wait, babaeng gusto? Hindi kaya si Amara ang tinutukoy niya? Si Amara lang naman ang kilala ko na may gusto kay Enrique.
"Matagal ko na siyang gusto, first day of school pa lang. Siya nga ang dahilan kung bakit ako nag-aral sa St. Magdalene kahit di naman dapat. Gusto kong mag-doctor but because of Amara eto ako nasa College of Education." pagpapatuloy niya.
Patuloy lang ako na nakinig sa mga kwento ni Giovanni tungkol sa paghanga at nararamdaman niya para kay Amara. Matagal na pala ito ang kaso dahil nga mahal ni Amara si Enrique hindi niya masabi.
"Pasensya ka na Athena ah, wala akong mapagsabihan eh. Saka wala din naman akong masyadong kaibigan,"
"Ano ka ba? Wala 'yon, we're friends. And I promise to keep you secrets no matter what." pahayag ko.
"Thank you Athena, tara na siguro bumalik na tayo. Baka hinahanap na nila tayo," aya ni Giovanni, tumayo siya mula sa bato na kinauupuan niya. Tumango lang ako at sinundan na siya sa pag-alis ng cave.
Sa paglabas namin ng cave napamulagat ako nang makita namin sina Zoe at Sky na may ginagawang kung ano man sa labas ng cave.
Nakasandal si Sky sa mga batuhang na parang pader habang si Zoe naman ay hinahalikan siya, pareho silang nakapikit at animoy ninanamnam ang labi ng isa't isa.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, sinubukan kong kalmahin ang sarili ko aa mga oras na 'yon habang pinanonood ang dalawang taong tila mga ibong nagtutukaan.
"I hope makatulong," bulong ni Giovanni saka tinakpan ang mga mata ko gamit ang mga kamay niya.
Naramdaman ko ang maiinit na likido na nagpapahapdi sa mga mata ko at ngayon ay tinatahak ang mga pisngi ko. Patuloy sila sa pagragasa na animo'y ulan mula sa kalangitan.
"Woah!" isang pamilyar na tinig ang nadinig ko, kasunod noon ay mga yabag ng mga paa.
"Shit…"
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
