(42)Nang imulat ko ang mga mata ko mula sa mahimbing na pagkakatulog, mukha ng isang lalaki na may matangos na ilong, mapulang labi, at asul na mga mata agad ang una kong nakita.
"Finally you're awake, how are you?"
"Sino ka?" siyang unang tanong ko sa kanya.
"I'm Elias and my step-mom is the one who brought you here. Just stay here for awhile, I'll just call her." aniya bago nagtungo papalabas ng kwarto.
"Infairness gwapo," sambit ko. "Pero walang tatalo sa kagwapuhan ni Enrique, siya na yata ang pinakagwapong lalakina nakilala ko. Kaya nga habol ng habol ang bruhang si Amara sa kanya e, well sorry na lang siya kasi ako ang gusto ni Enrique. Si Enrique na mayaman, si Enrique na nasa kanya na ang lahat, si Enrique na masarap hmmm…"
Ano ba 'yang sinasabi mo? Di hamak na mas gwapo si Sky, mas maamo ang mukha niya. Tama lang 'yung pangalan niya, bagay sa kanya.
"Anong sinasabi mo? Bulag ka ba Mas gwapo pa siya kaysa kay Sky o kay Troy, mas lalo kay Noel. Sa kanilang apat yata, si Noel ang visual hole at si Enrique ko…"
Enrique mo?
"Oo Enrique ko, siya ang main visual sa magto-tropa. Kaya nga habol ng habol ang bruhang si Amara e, akala niya naman magugustuhan siya. What a petty, bakit kasi hindi na lang siya ang naaksidente. Okay si Zoe e mas kavibes ko, pareho kaming maldita."
Ava h'wag ka ngang magsalita ng ganyan.
"Athena, sweety h'wag kang bait-baitan. Kumukulo kaya ang dugo mo kapag nakikita mo siya, remember nung nagtrespass siya sa bahay ng mga Yu?"
H'wag mo nang ipaalala please lang, hindi ko rin naman ginusto magalit. Nagselos lang ako, normal lang naman 'yun.
"I didn't invalidate your feeling Aths, ang akin lang ibigay mo na si Sky kay Zoe. Kay Enrique ka na lang, mahal na mahal ka niya tapos sagana ka pa sa dilig."
Hindi mo ako pwede diktahan, katawan ko ito, puso ko ito at sariling pag-iis--
"Not anymore," ibinangon ko ang katawan ni Athena mula sa pagkakahiga sa hospital bed. "Dalawa tayo Athena, dalawa tayong may-ari ng katawan na ito."
"Tama na Ava! Ako lang, akin lang ang katawan na ito."
Dalawa tayo Athena, ikaw at ako. Kaya kung ano ang bawat sasabihin ko kailangan mong sundin. Naiintindihan mo ba?
"Hindi! Hindi kita papakinggan!" tinakpan ko ang dalawang tenga gamit ang dalawang kamay ko at saka ko ipinikit ang mga mata ko.
Whether you like it or not Athena, you were going to follow everything that I want.
"Hindi! Katawan ko 'to! Hindi kita papakinggan!"
No! Hindi pepwede, ako lang ang pakikinggan mo.
"Hindi! Katawan ko 'to! Isipan ko! Hindi mo ko pwedeng kontrolin!" sigaw ko habang sinasabunutan ang sarili ko. "Tama na Ava umalis ka na!"
Walang rason para umalis ako! Akin din ang katawan mo.
"Tama na! Tama na please! Tumigil ka na Ava!" sigaw ko.
Tila kinakabayo ang puso ko sa sobrang lakas ng abnormal na pag kabog nito. Patuloy ko rin na naririnig ang boses ng babae na tila ayaw ako patahimikin.
"Athena! Athena!"
Dalawang pares ng bisig ang sumakop sa katawan ko, hinahangod niya ng likod ko at pilit akong pinapakalma.
"Call your Tita Stacey, hurry up. Athena calm down okay, inhale, exhale." ani ng isang babaeng nakaputing lab-gown. na agad ko naman na sinunud.
Huminga ako ng malalim at
saka ibinuga ito sa hangin, muli ko itong ginawa ng ilang ulit. Bago ko maramdaman ang pagbalik sa normal ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...