SKY
I want to talk to Athena desperately, I followed all of her social media account without hesitating. Ewan, biglang nag-iba ang ihip ng mundo noong dumating siya at nagpakita sa akin ulit.
I badly want to talk to her…
Athena Valeen Aragon….
Ugh!
You're making me desperate…
"Bro, I have a good news," iyon agad ang ibinungad ni Troy nang dumating siya sa field. "Naalala ninyo si Athena?"
"Yeah, yung batang cute na iyakin." si Noel ang sumagot,
Si Enrique ay tumango lamang, what to expect?
"Anong meron sa kanya?" I asked.
"Well, she's a grown up lady now. And guess what, ipagpapatuloy niya ang pag-aaral sa school natin. I want you guys to welcome her sa squad natin." Troy is smiling from ear to ear.
"Well that's indeed a good news! New girl, new chic!" Si Noel na puro kamanyakan ang iniisip
"Baka gusto mong kumain ng alikabok Angeles! I won't let you touch her!" seryosong sabi ni Enrique.
Himala.
"Oo nga, magstick ka na kay Vivian, para tumagal kayo gaya nila Sky at Zoe, going strong na sila oh"
I was secretly smiling too, well she's my first love at it's been 5 years noong huli kaming nagkita. After hearing Troy's news about Athena, it's indeed a good news. Ang kaso, nabanggit si Zoe kaya bigla akong napa-isip.
"Bakit parang kanina pa tahimik ang Sky namin?" that's my brother, Storm.
"Kuya, Athena is here… nagtransfer siya sa school namin." I answered.
His eyes widened, "Really? Yung batang iyakin na pinipikon ninyo dati?"
I just nod.
"Wow, indeed a good news. Sure ako na lumaki siya na magandang babae. She's indeed pretty noon pa lang," nakangiting sabi ni Kuya
"She is…" mahiksing saad ko.
"Wait, diba crush mo siya?" pahabol na tanong ni Kuya.
"And that feeling is unchangable" I said.
"How about Zoe? Hindi pwede na magkagusto ka kay Athena habang may kayo ni Zoe. You need to make up your mind Sky. Be a man, hindi mo pwedeng hiwalayan si Zoe na walang definite na dahilan. And also, you know na sobrang brat iyon."
"Mabait naman si Zoe, minahal ko naman siya pero iba talaga kapag si Athena."
"Sky, you have to made up your mind. Hindi pwedeng dalawa, dapat isa lang. Mahal mo si Zoe, sure ka sa kanya. Mahal mo nga si Athena, mahal ka ba niya?" My brother said before he left me dumbfounded.
Maybe he got a point. It is battle of past and my present…
TROY
"Troy hijo, may ipapakausap sana ako sa'yo." nilapitan ako ni Tita Aileen, ang mama ni Athena matapos maisakay ni Tito Enzo sa ambulansya.
"What is it Tita? Anything po," sagot ko.
"Troy, pwede mo bang kupkupin muna si Athena? Ipinaalam ko na din iyan sa Daddy mo." pakikiusap ni tita.
"Sure Tita, anything for Athena. Wag po kayong mag-alala ako na po ang bahala sa kanya, aalagaan ko po siya." masayang sagot ko.
"Salamat hijo, at saka isa pa pala. H'wag mo sanang hayaan na makalapit si Athena sa ospital. Alam mo naman ang kalagayan niya, bukod sa mahina ang resistensya niya. Hindi pa kami titigilan ng mga tauhan ni Edison." litanya ni Tita.
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomantizmAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
