ATHENA
Ano ba 'yan? Kanina ka pa ikot ng ikot para kang turumpo. Umupo ka nga at pumirmis. Siyang utos ng utak ko sa akin.
"Kailangan ko nang makatakas." siya namang sagot ko.
I know, I'm not that dumb. May ini-isip na akong paraan.
"Ano naman 'yon?"
Just stay still, hayaan mo na ako ang kumontrol sa katawan mo.
"Ha? Anong sinasabi mo?"
Hindi mo maiintindihan kasi tanga ka, ang tanga tanga mong babae ka, I told you not to trust anyone aside from me. Tapos ano 'tong ginawa mo? Sumama ka kay Enrique dito sa kawalan tapos ngayon para tayong preso na nakakulong at hindi natin alam kung paano tayo makakatakas!
"Eh bakit parang kasalanan ko? Kung hindi naman ako naipit sa gulo, hindi naman ako sasama kay Quen. Wala lang akong choice, Ava. Alam mo 'yan."
Naramdaman ko ang paghapdi ng mga mata ko, pati na ang nagbabadyang pagpatak ng mainit na likido mula rito.
Don't tell me iiyak ka? Oh c'mon Athena. H'wag lahat idinadaan mo sa iyak, kaya ka pinagkakaisahan ng lahat e. Kaya ka nila inaabuso kasi pinapakita mo sa kanila na mahina ka. Si Amara, si Courtney, si Vivian. Lahat 'yan mga traydor, ako lang ang kakampi mo.
Huminga ako ng malalim saka marahang isinandal sa pader ang likuran ko.
Walang mangyayari kahit kalabugin natin ang pinto o kahit magsisigaw tayo dito. The only choice that we have is to take an action. Naiintindihan mo ba Athena? O kailangan ko pang tagalugin o isalin sa sign language para sa'yo. Gagantihan natin 'yang Enrique na 'yan.
"Akala ko ba may naiisip ka nang paraan? Bakit hanggang ngayon nandirito pa tayo?"
H'wag mo kong minamadali Athena, hindi ako natutuwa. Mag-hintay ka lang diyan.
Maya-maya pa ay narinig ko ang unti-unting paglangitngit ng pintuan na animo'y may nagbubukas. Isang babae na may mahiksing buhok at nakasuot ng asul na croptop shirt at puting pantalon ang iniluwa ng pintuan na 'yon. May hawak-hawak siyang metal na serving tray at may laman ito na pagkain. Si Jazille Sevilla, pinsan ni Enrique. Madalas siyang nandito kaya kilala ko na siya, tho di kami nag-uusap.
"Kumain ka na Athena, baka kasi isumbong mo pa ako kay Enrique. Mawalan pa ako ng pera at yaman nang dahil sayo." anito at inilapag niya ang tray na may lamang pagkain sa may dresser. "Kumain ka dyan, at mag behave ka."
"Inuutusan mo ba ako?" sarkastikong tanong ko. "Walang sino man ang pwedeng mag-utos sa akin, naiintindihan mo ba?"
"Anong sinabi mo?" Bakas sa mukha ng babae ang labis na pagkagulat nang marinig niya ang sinabi ko.
"Are you deaf? Kailangan ko pa ba ulitin? Oh poor you, panget ka na nga bingi ka pa."
"Aba tarntad to ah! Hinahamon mo ba ako ha babae?" angil nito at mabilis na kinuha ang baril niya nakasuksuk sa pantalon niya. "Isa pa na pang-iinsulto mo sa akin bubutasan ko yang bungo mo."
"Bakit? Ayaw mo ba na pinagsasabihan ka na panget ka? Takot ka sa katotohanan?"
"Alam mo pasalamat ka na hibang sayo si Enrique e, kung hindi baka kanina pa sumabog 'yang bungo mo."
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...