WARNING: CONTAIN MATURED CONTENT (18+)
VIVIAN
Habang masaya kaming nagdadaldalan nina Amara at Noel, napansin ko ang tila pag-iiba ng mood ni Courtney. Bigla na lang siyang tumahimik habang seryosong nakatingin sa cellphone niya. Once in a blue moon lang nag-iiba ang mood niya pero nakakatakot 'tong si Courtney. Mukha lang talagang anghel pero may pagka-demonyita talaga siya.
Kinalabit ko ang busy sa pagbabalat ng sunkist na si Amara at saka binulungan siya tungkol sa napansin ko.
"Ame, look at Courtney..." mahinang sabi ko.
"Why?" takang tanong niya,
"Just look at her,"
Tumingin naman si Amara sa direksyon ni Courtney at nagkibit balikat, "hayaan mo na lang siya, narerecharge lang yan para mamaya may maikwento sa atin. Para namang hindi mo kilala 'yang si Court-Court."
"Baka nga," nagkibit balikat na lang din ako sa kung ano man ang napansin ko. "Ame, paki-abot maman yung phone ko, salamat" pakisuyo ko kay Amara.
Iniabot niya sa akin kaagad ang cellphone ko na mula pa kahapon ay hindi ko pa nahahawakan.
I've decided to freshen up my mind, hindi maganda ang nangyari sa akin nitong nakalipas na araw.
I deserve to take a break, gusto ko rin makipagkamustahan sa mga fans ko. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakapag-upload ng vlogs ko. Share ko lang, nasa 500,000 na ang followers ko.
I wanna upload new photo sana but something caught my attention. It was Enrique's IG story....
This is the first time na mag-upload siya ng ganyan. He is usually offline, may mga social media account,
but he's inactive inshort, wala siyang pakielam. Ganoon namin siya nakilala at sa pagiging misteryoso niya na-in love si Amara.
Nacurious ako sa kung ano man ang nilalaman ng IG story niya. And to my surprise, my jaw almost drop, my eyes widen, shock and amusement take over my entire emotion.
That photo is a bomb, it was uploaded 5 minutes ago.
A black and white photo of a woman.
... a nude photo rather...
A nude photo of a girl's back, nakatalikod ito at para bang mahimbing ang tulog. May birthmark na crown-shaped ang babae sa photo at may nunal sa bandang batok.
I can't imagine Enrique posting this kind of photo.
Usually, once in a blue moon siya magpost at mag-IG Story, karaniwan sa mga pinopost niya ay ang mga drawing niya na anime at portrait ng iba't ibang artista. Madalas nagpopost din siya ng photo about sa kumpanya ng Papa niya, liban doon wala na.
Kinda weird and I don't want Amara to see this, iiyak nanaman ang babaeng 'yon. Sobra niyang gusto si Enrique to the fact na lahat ng lalaki na sumubok manligaw sa kanya, nirereject niya.
Matagal ko ring tinitigan at binalik-balikan ang IG Story ni Enrique, I am still in shock. Mali yata ang pagkakakilala ko sa kanya.
Ewan ko ba...
Kasi kanina lang, we're talking about Enrique and Athena. Sabi ng boyfriend ko nawawala si Athena at si Enrique lang ang kasama niya.
So...
Sh*t....
This can't be....
Si Athena kaya 'yon?
TROY
I was really upset, wala pang balita tungkol sa paghahanap ng mga tauhan ko kay Athena. Muli kong sinubukan na tawagan siya pero walang sumasagot, ni isa sa mga messages ko hindi rin siya sumasagot. Ano na ba ang nangyayari? Where are you Athena?
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
